Chapter Sixteen: Can I?

330 2 0
                                    

June 2010

Pasukan na, May pa nung huli kaming nagkita sakanila, mula nun di na ako sumubok na puntahan sya ulit, kasi alam ko itataboy lang ako ng pamilya nya. Di ko alam kung anong ginawa ko pero ang alam ko nakipagbreak sya sakin dahil babae ako at di katanggap tanggap yun sa lipunan. Masakit kasi pakiramdam ko di nya ako pinaglaban. Yung pakiramdam na all this time ba ako lang yung lumalaban? Pero never akong nagalit sakanya, at para sakin kami pa rin hanggang huli, na one day pag bumalik sya tatanggapin ko ulit sya. Na ito ay isang bangungot lang at isang araw magigising din ako at paggising ko nandito na sya sa mga yakap ko, sa bisig ko.

Di ko alam kung pano ko haharapin yung bawat umaga na wala na sya sakin. Na bawat paggising ko alam ko na di ko na sya mayayakap pa, di na mahahalikan. Wala na yung mga texts na kumain ka bago pumasok, magingat sa pagpasok at paguwi, wag magpapatuyo ng pawis sa likod. Lahat yan wala na, pati pangarap namin gumuho na kasama ng salitang FOREVER. Bawat araw iniisp ko pa rin kung pano ako makakapagconcentrate sa pagaaral ko kung may bumabagabag sakin?

Everytime na papasok ako, malungkot, wala sa sarili, tulala, laging magisa. Pero yung mga kaklase ko pilit akong pinapasaya, tuwing uwian namin niyayaya ako magvideo games sa SM tapos kakain ng pao tsin, or minsan magvivideoke kami, at dun ko ilalabas lahat ng nararamdaman kong sakit. Pero hinahayaan na lang nila ako. Di man nila sabihin sakin pero alam ko na ginagawa nila yun para lang kahit konti makalimot ako sa sobrang sakit na dinulot sakin ni beth.

Minsan naman yung mga HS friends ko niyayaya ko maginuman kami at pumapayag naman sila kaso di ako nalalasing kasi konti lang ang iniinom namin. Kung minsan naman yung kumpare ko, yung gf ng best friend ko, simula nung bday ko naging close na kami. Dun kami lagi sakanila umiinom, hinahayaan nya akong maglasing at umiyak ng umiyak, hinahayaan nya akong ilabas ang lahat lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Three times a week kami kung maginom ng kumpare ko. Minsan nahihiya na ako sakanya na dun kami umiinom, pero sabi naman nya ayos lang at pinapabantayan din ako ng bhezt ko sakanya, nung una ayaw ni bhezt galit na galit sya dahil nga napapadalas ang inom ko. Pero naexplain naman sakanya yun ni pare. Pumayag naman si bhezt kahit konti.

Mula pasukan ganun ang routine ko. Bahay-school-alak-bahay. Dyan tumatakbo ang buhay ko. Dumating pa ako sa point na gustong gusto ko malasing, ang ginawa ni pare bumili ng Gin at nestea, pinaghalo nya at yun ang ininom namin. Bukod daw sa tipid eh paniguradong lasing ako. At ayun nga lasing nga ako. Mula noon gin na lagi ang iniinom namin, kahit na sobrang sakit sa ulo ng hangover nun wala akong pake, ang gusto ko lang makalimot sa sakit. Gusto ko magpakamanhid para wala ng sakit wala ng luha wala na lahat.

Lagi akong umuuwi ng lasing, ayaw ko umuwi ng hindi ako lasing, pag lasing kasi ako ang iisipin ko na lang matulog para mawala lasing ko, pag hindi kasi ako lasing mas naiisip ko sya, yung sakit, yung mga tanong na ano kulang sakin? Bakit nawala yung forever? Anong dahilan? Lahat yan naiisip ko,  pero kahit gano ako kalasing, kahit gano kalakas hangover ko, kinabukasan papasok pa rin ako. Kahit na sobrang sakit ng ulo ko papasok pa rin ako. Dahil ayaw ko naman pabayaan na lang yung pagaaral ko. Sabi kasi ni bhezt

"bhezt kung gusto mo talaga na bumalik sya sayo wag mo sirain ang buhay mo, be a better person bhezt, kasi kahit ako kung ganyan na yung babalikan ko na unti unti ng sinisira buhay nya, hinding hindi na ako babalik. Bhezt I know how you love her, but please learn to love yourself"-bhezt

Pero wala eh, kailangan ko uminom, kailangan ko makalimot kahit saglit lang. Nagkasundo kami ni bhezt na after 3months kung wala na talaga tumigil na daw ako kasi tapos na yung 3month rule ko para magpakabitter at magpakabaliw sa taong ako mismo ang sinayang. Kaya kahit na may hangover pa ako iinom ulit kami, sabi ko nga banlaw yun.

Halos lahat ng kaibigan at kaklase ko di na ako kilala, di ko na rin sila kinakausap or nilalapitan. Ayaw ko sila madamay sa kalokohan ko kaya ako na mismo ang lumalayo saknaila. Lahat ng close friends ko nung HS nagagalit na sakin, alak na daw dumadalay sa katawan ko. Pero si bhezt di ako iniwan, kahit na lagi syang galit sakin never ko naramdaman na iniwan nya ako. Kahit na karapatdapat na akong iwan dahil sa ugali kong naging palainom, yung alcohol tolerance ko tumaas na. Hanggang sa dumadating ako sa point na di ako kakain kasi mas gusto ko magpakalasing.

Isang araw nagtext si beth kay pare, naging close din kasi sila ni pare.

"Musta?"-beth

"OK lang, ikaw musta na? Balita ko kayo na daw ni Ivan?"-pare

"Ah ayos lang din, painom ka naman! Haha!"beth

Bawat text ni pare kay beth pinapabasa nya sakin. Nasasaktan ako kasi di nya ako kinakamusta kahit na lagi akong binabanggit ni pare sakanya. Naaawa na si pare sakin, dati nakakadalawa lang kaming bote ng gin, na kaming dalawa lang, ngayon tatlo na at nauubos namin yun. Ang ginawa ni pare niyaya nya maginom si beth at pumayag naman ito. Sinabi sakin ni pare yung plano nya na yun para magkausap ulit kami ni beth at pumayag naman ako kahit masakit.

"Pare pinapaunta ko dito si beth bukas, iinom tayo"-pare

"Oo sige pare pupunta ako"-yanyan

"Pare magusap kayo bukas ha, ayusin nyo yan, gusto kitang nakakabonding pero pare parang pinapatay mo na sarili mo eh" text sakin ni pare. Sya yung sandalan ko, sya yung nagpapamulat sakin na hindi na babalik si beth sakin. Pero sya din yung sumusuporta sa mga gusto ko. Gusto ni pare na bumalik ako sa dating ako. Yung masayahin.

Sa bahay nila pare...

Naunang dumating si beth, pagdating ko bumili na agad kami ni pare ng iinumin, ang naisip kong inumin ay yung the bar na strawberry flavor. Bumili kami dalawa, bahala na, kaya namin yun, mataas naman tolerance ko sa alak, at kahit malasing ako ayos lang nasa bahay naman kami ni pare at safe kami dun.

After namin bumili, inasikaso na ni pare yung alak at naglabas ng baraha, habang umiinom kami naglalaro kami ng tongits, at kung sino talo papaluin sa noo kung ilan talo nya. Matagal ang ikot ng baso, nageenjoy kami sa paglalaro. Di ko pa rin maiwasan na hindi tingnan si beth at sa tuwing iisipin ko na wala na kami, na hindi na sya sa mga yakap ko umuuwi, nasasaktan ako, pero kailangan ko magpakatatag. Naubos na namin ang isa at medyo hilo na ako, tuloy pa rin kami sa paglalaro, hanggang sa sabi ni pare na magusap daw kami. Iniwan nya kami ni beth sa kwarto para magusap. Walang nagsasalita, pero ako lumuluha na, pinipigilan ko pero nagkukusa na tumulo ang luha ko. Nakatingin lang sakin si beth, habang ako parang bata ba iyak ng iyak.

"Ssshhhh tahan na, wag ka na umiyak" tumabi sya sakin habang ako iyak pa rin ng iyak.

"Di ako titigil hanggat di ka bumabalik sakin, beth mahal na mahal kita, alam mo yun. Pero bakit ganito? Bakit?"-yanyan

Hinalikan nya ako, nagulat ako pero hinalikan nya ako sa labi ko, dahan dahan habang hawak nya yung pisngi ko, marahan at masarap na halik, tulad nung halik nya dati at ako umiiyak pa rin, tuloy tuloy lang yung luha ko. Di ko alam kung matutuwa ako o hindi.

"Yan tahan ka na, malay mo hindi talaga kami ni Ivan hanggang dulo di ba?"-beth

Sa sinabi nyang yun di ko alam kung ikakatuwa ko ba or magagalit ako sakanya. Sila ni Ivan pero hinalikan nya ako, at sinabihan pa ako ng ganun. Di ko talaga alam magiging reaksyon ko pero ang alam ko masakit, sobrang sakit dito sa puso ko. Pero yun yung pinanghahawakan ko ngayon. Yung sinabi na malay namin di naman pala sila ni Ivan hanggang sa huli. 

Dito daw kela pare matutulog si beth, naglayas pala sya, di na rin sya nagaaral, pinagaral sya ni ate Loi pero ewan ko kung bakit ngayon di na daw sya nagaaral, pangarap nya yun makapagtapos ng HRM kasi gusto nya ang pagluluto, pero ngayon eto sya, naglayas, walang alam sakanila kung nassan sya, gustuhin ko man na magtanong di ko na ginawa, ayaw ko na makialam pa sa mga desisyon nya, malaki na sya at ayaw kong sabihan pa ako ng pakialamera sa buhay nya.

=============================================================================

Thanks sa mga sumusubaybay. 

Sorry po sa mga panget na chapters, di kasi ako magaling magsulat eh.

Love lots!

First [Short Story] (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon