June 2009
"Asawa ko lapit na anniversary natin, di ko expect na tatagal tayo ng ganito"-yanyan
"Ako din po eh, dati kala ko joke lang yang anniversary na yan, totoo pala talaga yan"-beth
"Opo naman, at di lang isang anniv pagsasaluhan natin, marami pang sususnod"-yanyan
"Pano tayo magcecelebrate? May pasok ka nun :("-beth
"Yaan mo na first day lang naman yun, di naman ako papagalitan sa pagabsent ko"-yanyan
"Sure ka ha? Baka naman mapagalitan ka pa, after class ka na lang kaya pumunta sa bahay?"-beth
"Hindi yan, ako bahala, tsaka minsan lang tayo magaanniversary, mas importante yun sakin"-yanyan
"Sige po sabi mo eh"-beth
June 15, 2009 (monday)
Morning ang pasok ko, since di ako papasok, di ako nagmamadali na magbihis and everything, di ako sasabay kay mama kasi malalaman nya na hindi ako papasok, pinauna ko syang umalis, nagdahilan ako na masakit tyan ko kaya mauna na syang pumasok. Epektib naman yung ginawa ko. Nang nakaalis na sya mga 1hour ago, ako naman yung umalis, ang alam sa bahay papasok ako kahit nakacivilian ako papasok ako, ang sabi ko kasi sakanila first day lang kaya OK lang na magcivilian. Di naman na sila nagtanong. Kanina pang 12md kami nagbatian ng asawa ko, inantay talaga namin yung time na yun kahit na pareho kaming antok na antok na.
"Asawa ko on my way na po ako, see you in a bit Iloveyou po!"-yanyan
"OK po sige, ingat po ha, iloveyoumore"-beth
After 1hr travel, nakarating ako sakanila, wala akong dalang anything kasi ayaw nya na magdala ako, nakakahiya man wala na akong regalo sakanya, bumili na lang ako ng rose at anniversary card, sinulatan ko yun. Sinabi ko dun kung gano ko sya kamahal.
Pagdating ko sakanila busy sya. Nagluluto, pawis na pawis, ang daming nakalagay sa lamesa nila. Parang fiesta. May pansit, may spaghetti, may tinapay, may kanin at may ulam. Maya maya lumapit na sya sakin may dala syang plato ng spaghetti at pansit, punong puno yung mga yun at tiningnan ko sya mata sa mata. Nginitian lang ako at sabi nya kainin ko daw lahat yun. Hay naku tataba talaga ako sa ginagawa ng asawa ko.
"Yan kainin mo lahat yan ha, timpla lang ako ng juice"-beth
"Beth maya na yan kain muna tayo, di ko to kayang ubusin oh ang dami"-yanyan
Di naman sya umangal pa at inutusan na lang ni ate Loi yung anak nya na sya na ang magtimpla ng juice para samin. Nung mga oras na yun ramdam na ramdam ko yung pagmamahal namin, sobrang sarap lang sa pakiramdam. Yung di mo expect na may magmamahal sayo ng sobra sobra.
Habang kumakain kami tinanong ko sya kung anong sinabi nya sakanila dahil naghanda kami, although minsan nagpapaluto ako kay ate Loi ng pansit nya or lugaw na sya lang talaga ang nakakagawa na sobrang sarap, pero kasi ngayon parang pinaghandaan talaga, yung pinagipunan dahil sa dami ng handa namin. Ang sabi lang nya sakin, "Sinabi ko lang na darating ka at alam ni ate Loi na anniversary natin" sabay ngiti sakin ang isang mabilis na halik sa pisngi ko ang ginawa nya.
"Happy anniversay asawa ko"-beth
"Happy anniversary honey"-yanyan
Biglang kumunot yung noo nya, ang cute lang talaga at hinalikan ko sya ng isang mabilis sa pisngi nya at nginitian na nya ako. Habang kumakain kami sinusubuan nya ako habang ako naman yung kamay ko nasa hita nya. Di naman na yun pinapansin sakanila, parang normal lang yun. Habang sinusubuan nya ako wala naman akong tigil sa pagpunas ng pawis nya, ayaw ko magkasakit sya, di ko kaya.
After namin kumain nagligpit na kami, di nya ako hinayaan na tumulong kasi gawain daw yun ng misis para sa mister nya. Napangiti naman ako sa sinabi nya. Maya maya natapos na sya at tumabi sakin sa sofa habang ako nanonood at sya naman biglang humilig sa balikat ko, halatang pagod sya.
"Tara sa kwarto, pahinga ka muna"-yanyan
"Sige po, tutulog tayo ha?"-beth
"Opo sige, pawis na pawis ka na eh, papahinga tayo ha, sorry la ako gift"-yanyan
"Hindi naman na mahalaga yun, ang mahalaga magkasama tayo sa first anniv natin"-beth
"Di lang eto ang pagsasaluhan natin, lahat ng events pagsasaluhan natin ng sabay"-yanyan
Niyaya na nya ako pumasok kami sa kwarto at pinagbihis na nya ako, since madalas ako matulog dun may mga damit na rin ako dun, minsan sya ang nagsusuot dahil pag suot daw nya yung damit ko pakiramdam nya yakap yakap ko sya, kahit na ang laki sakanya ng mga damit ko wala syang paki ang mahalaga suot nya. hehe ang sweet lang talaga.
Nakahiga kami ngayon, ganun pa rin, nakaunan sya sa mga braso ko at nakayakap sya, nakadantay sya sa akin yung mga yakap nya napakainit, habang nasa ganun kaming posisyon di ko napigilan sarili ko na halikan sya sa noo nya, tuwing gagawin ko yun ngumingiti sya. After ko sya halikan sa noo dumilat sya, ngumiti at dahan dahan hinalikan ako sa labi ko, nakapikit lang ako, tuloy lang kami sa paghalik sa bawat isa, lumalalim yung mga halik namin, yung halik na sabik sa bawat isa, yung halik na mapusok pero gentle pa rin, umiinit na yung pakiramdam ko,
pero katulad dati bago pa ako mawalan ng kontrol sa sarili ko, tumigil na ako, tingnan nya ako, tingin na nagtataka, tingin na parang nagtatanong kung bakit. Di ako nagsalita, niyakap ko lang sya ng mas mahigpit, at bumulong sakanya
"I'll do it if you will marry me"-yanyan
Tiningnan nya lang ako mata sa mata, natakot ako, yung tingin nya kakaiba, may something sa mga tingin nya, napansin ko na may namumuong luha sa gilid ng mga mata nya, di na lang ako nagsalita, niyakap ko na lang ulit sya at pumikit, ayaw kong masira itong araw namin. Pero bigla syang bumitaw sa pagkakayap ko sakanya at hinawakan yung pisngi ko at hinalikan ako sa mga labi ko, marahang halik, malambot, mainit at punong puno ng pagmamahal, naiiyak na ako sa sobrang tuwa. Nagsalita sya
"You can do it now asawa ko" sabay lagay ng daliri nya sa mga labi ko ng makita nyang magsasalita na ako. Tapos pinakita nya sakin yung singsing nya, "Matagal na tayong kinasal remember? Anniversary nga natin eh, and if you're gonna ask me again to marry you, my answer will always be YES"
Napangiti naman ako sa sinabi nya at niyakap ko ulit sya, mahigpit na mahigpit na puno ng saya. Naiiyak na ako, ever since na nabuhay ako di pa ako nakakaramdam ng ganito kasaya, na may taong sobrang magmamahal sakin bukod sa pamilya ko. Bumitaw na ako at hinalikan ko ulit sya. Then we make love that moment.
From that moment, I felt so much love, mahal na mahal ko itong babaeng to kahit madalas nya akong inaaway sa mga selos nya, pero masaya ako at nagseselos sya. Kasi for me, a healthy relationship should have an arguments, if your relationship doesn't have any arguments, magtaka ka na, baka wala na yung love. Baka nasanay na lang kayo sa ganyang setup.
============================
Thanks sa lahat ng nagbabasa!
Love lots!
BINABASA MO ANG
First [Short Story] (gxg)
RomanceHi guys! eto na yung first story ko, TRUE STORY po ito, pero yung mga characters di po yan talaga name ok? And yes, this is my OWN STORY. Pinili ko na lang na Short Story kasi di naman ako ganun kagaling when it comes to writing :) One more thing, p...