Yan tahan ka na, malay mo hindi talaga kami ni Ivan hanggang dulo di ba?
Yan tahan ka na, malay mo hindi talaga kami ni Ivan hanggang dulo di ba?
Yan tahan ka na, malay mo hindi talaga kami ni Ivan hanggang dulo di ba?
...di ba?
..di ba?
..di ba?
Paulit ulit ko yang naririnig sa isip ko. Dapat ba akong maniwala? Dapat bang umasa ako? Pero ang sakit na eh, yung puso mo never pa sumuko pero yung utak mo sinasabi na sayo na tumigil ka na dahil ang sakit sakit na. Pero anong magagawa ko? Mahal ko sya, mahal na mahal, gusto ko syang mabawi, gusto ko magsimula ulit kami. Hanggang ngayon di pa rin nya sinasabi sakin yung totoong dahilan kung bakit kami naghiwalay, pero para sakin di pa rin ako susuko, I will win her back. Ang naiisip ko na dahilan ng paghihiwalay namin ay yung nagawa ko sakanya last year, yung sa amin ng crush ko na si ye. Pero sabi nya napatawad na nya ako dun, pero di pa rin naaalis sa isip ko nun na yun maaari ang isa sa mga dahilan, ang naiisip ko pa ay yung ugali ko na makulit, isip bata. Pero wala, hindi nya binabanggit sakin.
isang araw nagbukas ako ng FB ko, di na ako nakablock sakanya, pero di pa rin kami friends, naglakas ako ng loob na tingnan ang profile nya, nagulat ako sa nakita ko, yung profile picture nya, silang dalawa ni ivan, magkahalikan, ang sakit, nadurog puso ko for the nth time. Masakit sobra, di ko kaya, ayaw kong pumasok, gusto ko na uminom, tinext ko agad si pare, di ako papasok, magiinom lang kami ni pare. Ayaw ni pare na magabsent ako kasi ayaw nya na pati pagaaral ko pabayaan ko na lang dahil lang sakanya. Pero wala syang nagawa, pumayag sya na uminom kami. Gin nestea ulit, this time mas marami, mas mabilis yung inom, dati mababa lang tagay ngayon kalahati na ng normal na baso yung tagayan namin, nakwento ko na rin kay pare yung nakita ko.
"Pare alam ko masakit, pero pare sana naman matauhan ka na. Pare alam ko kung gano mo sya kamahal, alam ko kung ano na mga pinagdaanan nyo. Pare ngayon hahayaan kita, pero sana pare magising ka na, di lang naman ikaw ang nahihirapan dyan eh, pati yung mga nagmamahal sayo, ako, yung best friend mo, yung friends mo. Pare sana matauhan ka na"-pare
"Pare ang sakit sakit eh, pinanghahawakan ko yung mga sinabi nya, Pare sabi nya malay daw ba namin kung hindi talaga sila ni Ivan hanggang huli di ba? Malay mo pare kami pala hanggang huli, pare umaasa ako na hanggang ngayon babalik pa rin sya sakin, at magsisimula ulit kami" sinasabi ko to kay pare habang umiiyak na ako, namumugto na naman mga mata ko, tuloy pa rin kami sa tagay, hanggang sa dumating yung hipag ni pare, si ate Jo, alam ni ate Jo lahat ng samin ni beth, lahat lahat, nakukwento din kasi ni pare, parang kapatid ko na rin si ate Jo.
"Hay naku! Yan tigil tigilan mo na yan! Para kang siraulo dyan! Akala mo ba sa tuwing iinom ka babalik sya sayo? Sa bawat di mo pagkain babalik ba sya? Yan hindi sya yung mahihirapan, IKAW! Yan para na kitang kapatid, please lang wake up ka na. Kung lalake ang gusto nya edi hayaan mo, di ka nya deserve" sabi ni ate Jo, minsan lang makisama sa inom namin ni pare si ate Jo kasi inaalagaan pa nya yung dalawa nilang anak, kaya nagulat ako at sumama sya ngayon sa inuman. Naubos na namin yung binili namin ni pare na gin pero di ko pa rin maramdaman yung lasing, namumugto pa rin ang mga mata ko. Nagsusuka na ako, walang tigil, kahit na wala ng ilabas yung tyan ko, pero ang pakiramdam ko nasusuka pa rin ako. Akala ko ikamamatay ko na yun, pero hindi pala. Gusto ko pa uminom pero pinigilan na ako ni ate Jo, tama na daw, baka isuka ko na laman loob ko pag uminom pa ako. Wala akong nagawa, di na ako nagpumilit, bumili na lang si pare ng pampahimasmas sakin, spicy noodles na may itlog, tapos nilagyan pa ng chili powder. Grabe lang ang pagkamanhid ko nun, mabilis kong naubos yung bagong luto na spicy noodles. Parang di bagong luto yung noodles at hindi sobrang anghang ng kinakain ko. Pero wala di rin tinanggap ng katawan ko. At as expected na super hangover ako kinabukasan.
June 15, 2010
Dumating ang 2nd anniversay dapat namin, kagabi pa lang binantaan na ako ng best friend ko na wag na wag ko daw syang babatiin. at wag na wag daw akong magtetext sakanya. Alam ko naman na gusto nya lang na makamove on ako kaya minsan masasakit na salita naririnig ko sakanya. Di ko sya masisisi kung galit sya ngayon kay beth, pero ako never akong magagalit sakanya. Lumipas ang buong araw na di ko sya tinext. Mahirap pero need ko gawin para sa sarili ko.
June 18, 2010
Beth is in a relationship with Ivan
Pagka open ko nag FB yan agad ang bubungad sa akin, ang sakit sakit, parang inantay nya lang na lumipas yung 15 bago nya sabihin na sila na officially. Ang sakit sakit, TANGINA naman beth! Tinaon mo pa sa buwan ng anniversary natin, sa nakita ko di ko na alam kung pano ko pa sya babawiin, sabay ng relationship status nya na yun ay yung pag upload nya nga mga pics nila ni Ivan na sweet, kumikirot yung puso ko, parang tinutusok ng karayom. pero ngayon, isa na lang ang nasa isip ko. Gusto ko magpakalasing. Gusto ko makalimot. Nung nalaman ko yun, bumalik na naman ako sa routine ko na bahay-shcool-alak-bahay. Wala ng nagawa si bhezt kundi intindihin ako sa gusto kong mangyari, dumating ako sa point na yung pagaaral ko eh naaapektuhan na.
"Bhezt! Tumigil ka na nga! Ano ka ba?! Tangina naman bhezt! Nabuhay ka ng ilang taon na wala sya tapos sasabihin mo sakin di mo kaya mabuhay ng wala sya?! Grow up bhezt! Pati yang pagaaral mo nawawala na sayo! Bhezt pano yung mga pangarap mo?! Ano ka ba! Bhezt hinayaan kita sa gusto mo, pero sana naman ngayon lang pakinggan mo ako, enough bhezt, ayusin mo na sarili mo, isipin mo sila lola mo, sila tita"
Natauhan ako sa mga sinabi ni bhezt, tama sya I have to move on, I have to let her go. Di ko need lumayo, pero kailngan ko tanggapin lahat lahat. Binalik ko yung dating ako, yung masayahin yung palabiro. Pero di ko pa rin maiwasan na isipin si beth tuwing gabi na pipikit ako at makakaramdam na lang ako ng sakit, sobrang sakit at wala akong magagawa kundi umiyak lang ng umiyak. natuto na rin akong kumain ulit sa oras, iniwanan ko muna yung GIN at nagfocus sa pagaaral. Kailangan ko to gawin, Lord help me po.
"It's better to give up something, than to hold on to nothing"
-yanyan
=============================================================================
Sorry for late UD, busy lang ang peg ko :)
Sorry din sa panget na chapter.
Thanks po sa reads!
Love lots!
BINABASA MO ANG
First [Short Story] (gxg)
RomanceHi guys! eto na yung first story ko, TRUE STORY po ito, pero yung mga characters di po yan talaga name ok? And yes, this is my OWN STORY. Pinili ko na lang na Short Story kasi di naman ako ganun kagaling when it comes to writing :) One more thing, p...