Chapter Thirteen: What happened?

324 3 0
                                    

September 2009 (first week)

Madalang na kami magkita ni beth, busy kami pareho sa mga ginagawa namin. Pero di pa rin kami nakakalimot magtext at kamustahin ang isa't-isa. Kaya lang may mga times talaga na di magkatagpo ang schedule namin. Madalas na kasi ang school works ko, projects and everything. Dumadating pa nga kami sa point na magkakatampuhan na dahil sa mga nangyayari. Pero never kami bumitaw, never kami nagisip ng maghiwalay. Naiintidihan namin ang sitwasyon, yun nga lang syempre di maiiwasan ang mga little fights namin. But before the day ends we make sure na we're totally OK, not because, pagod kami pareho kaya sumasangayon na lang kami na magbati, but because we love each other that much. We are the firsts to each other. I am her first girlfriend, and she is my first girlfriend. 17 na ako nun at sya naman kaka17 lang din nung June. Nasa wastong edad na kaming dalawa at alam na namin ang mali at ang tama. Kaso may nangyari na talagang sumubok sa pagmamahal namin.

Yung super crush ko na si Ye nagkakatext ko na ulit. Alam ni beth yun, at alam din ni Ye na may GF na ako. Si ye masasabi kong special sya sakin kasi mama ang tawag nya sakin nung HS kami, nauso kasi yung ANAK sa barkada na dapat yung maging anak mo lower year para anak talaga. Sa mga times na busy si beth si ye yung lagi kong nakakatext, halos sabay lang kasi ang sched namin.

"Hi yanyan, busy ka ba? Dyan muna ako OK lang? Wala kasi akong tatambayan eh. Hapon pa yung next class ko."-ye

Nagtext si ye, malapit lang kasi dito sa subdivision namin yung school nya, since kaibigan ko naman sya, tinext ko sya at sinabi kong sige dun sya sa bahay, tinuruan ko sya pumunta sa bahay namin. Maya maya may tricycle na, andyan na si ye.

"Yan may naghahanap sayo"-Lola

"Opo andyan na la"-yanyan

Lumabas ako para puntahan si ye, di pa rin sya nagbabago, ganun pa rin sya kaganda, at di ko pa rin maikakaila na sya yung super crush ko. Di ko na natext si beth na andito si ye. Maya ko na sabihin pag nakaalis na si ye, mukhang busy pa naman si beth.

"Oh tara sa loob pasok ka"-yanyan

"La si ye kaibigan ko dito muna sya maya pa kasi klase nya, dyan sya nagaaral sa SC"-yanyan

"Ah sige, magmeryenda kayo dyan"-lola

"Opo sige"-yanyan

Pero di kami kumain, busog daw si ye, ewan ko ba pero kakaiba si ye ngayon, may BF si ye, pero kung makadikit sakin kala mo wala kaming parehong mahal. Di ko na lang pinansin yun at pumasok na kami sa kwarto. Pagpasok namin

"Musta na kayo ng gf mo?"-ye

"We're good, kayo musta na ni peter?"-yanyan

"OK naman siguro?" sa sagot na yun ni ye obvious na hindi sila OK, di ko na lang din pinansin yun dahil ayaw ko naman mangealam pa.

"Peram ako phone?" sabi nya na ikinagulat ko naman.

"Patingin ako ng pics nyo?"-ye

"Ok sige, teka alisin ko lang yung password namin" may password kasi yung phone namin ni beth. Yung mga pamangkin nya kasi minsan ginagalaw yung phone nya kaya yun nilagyan nya, si mama ko din kasi minsan ginagalaw yung phone ko kaya ayun nilagayan ko rin. Kinuha na nya yung phone ko sabay abot sakin ng phone nya.

"Pacharge ako pwede? Lobat kasi, baka magtext si peter"-ye

"OK sige, sinabi mo ba kay peter na andito ka? Baka magalala yun"-yanyan

"Ayaw ko muna sya pagusapan, can we just enjoy this moment na TAYO lang?" Sa sinabi nun ni ye kinabahan ako, lumapit sya sakin, malapit na malpit, yung halos konti na lang maghahalikan na kami, oo dati pa nahalikan ko na sya pero yun ay aksidente lang at nakainom ako nun. Pero nagulat ako sa ginawa nya, hinalikan nya ako, mapusok ang mga halik nya, di ko alam gagawin ko, pero tumugon ako sa halik nya. Maya maya tumigil ako, nagulat sya, pero di sya nagsalita at lumayo na, mahal ko si beth pero kasi dati pa nung HS pangarap ko talaga maging gf si ye, di ko pwedeng sabihin na nadala lang ako, naging mahina ako kasi nilandi lang ako nagpalandi naman ako. Alam ko simula pa lang nung nagkakatext na ulit kami ni ye nagiging unfair na ako kay beth. Lalo na at si ye yung pumupuno ng time na dapat si beth ang nagbibigay. At ngayon pakiramdam ko sobrang sama kong tao. Alam ko di nya ako mapapatawad sa nagawa ko.

First [Short Story] (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon