Chapter Eleven: First time

453 3 0
                                    

Hey guys! Happy 94 reads! Grabe lang, di ko expect. Thanks talaga! Nga pala guys, uulitin ko lang po, TRUE STORY ko po ito, pero di lahat ay nangyari, kumbaga ginawan ko na lang ng detalye kasi super tagal na po neto, almost 3years na, at di ko na po talaga maalala lahat, dates, time, messages, sana po intindihin nyo ako, ayaw ko naman kasi na kwento lang ng kwento, pero yung character ni beth dito ganyan po talaga sya, maalaga sakin noon :) Hahaha! Gusto ko lang ishare sa inyo yung love story ko, nothing more, nothing less :) I always try my best to write kasi di po talaga ako magaling dun :) Hope you understand :)

Questions? Feel free to comment or write nyo sa profile ko or message nyo  ;)

Enjoy reading!

=============================================================================

Lumipas ang mga araw at ganun pa rin ang set up namin, pero ngayon minsan na lang kami magkita, pano kasi baka naman maubos namin yung BAON namin na binigay ni papa, hehe food trip kasi kami kung food trip. pero yung mga ihaw ihaw lang or chicharon lang. Mahina na yung 100 sa mga ihaw pa lang na kakainin namin, bukod pa yung pag gusto nya ng ibang pagkain like fishball, kikiam, shake, halo halo, etc., halos lahat gusto nya, hahahaha! Pero di sya tumataba, ako yung tumataba huhuh T_T

One day andun ako sakanila, walang ulam, di naman ako mapili sa ulam, kung ano yung nandyan yun yung kakainin, pero kasi ngayon wala talaga, di pa kasi nagpapadala yung tita nya, so naisip ko magluto na lang kami, since fav nya yung sinigang na bangus sabi ko sakanya bili kami ng bangus tapos magluto sya para may tanghalian kami.

After namin bumili ng mga sangkap nagluto na sya, dahil summer nun, ang init! Grabe lang talaga! Pero sya kahit nagluluto ang fresh pa din tingnan, ang ganda nya, yung buhok nya, yung mata nya, yung dimples nya, lahat maganda sakanya, tapos isa pa naku sobrang maalaga talaga nya, dati nung nagpunta ako sakanila after PE class ko grabe lang sa pagalala sya. Kinuha agad yung panyo ko pinunasan yung likod ko at nilagay dun, tapos nilagyan ng powder. Hay ang sarap lang talaga. Mararamdaman mo sa bawat kilos nya at pagasikaso sayo na super ka nyang mahal, yung pang ASAWA material, hahaha!

Kinagabihan...

Di na naman kami mapakali kung ano yung uulamin namin, may ulam pa naman na natira kanina kaso pag kumain pa ako dun di na kakasya sakanila yung pagkain.

"Asawa ko, ano gusto mo ulam?"-beth

"Hmm? Uwi na ako" bulong ko sakanya

"Ha? Bakit?"-beth

"Asawa ko look, alam ko gusto mo pa ako makasama kumain, kaso po kasi nakakahiya na, lagi na lang akong kasama sa bilang ng isasaing, sa dami ng ulam, asawa ko nakakahiya sa pamilya mo" malungkot kong sabi sakanya.

"Asawa ko naman eh! Di ka naman na iba dito eh, di ba nga ASAWA MO AKO?! So kung ano yung meron ako, ikaw din, tsaka kami nga yung dapat mahiya sayo kasi pag may sobra ka sa allowance mo bumibili ka lagi ng meryenda para sa buong pamilya ko, tapos kami ang napapakain lang namin sayo konti lang." mas lalo akong nalungkot sa sinabi nya sakin.Hay naku talaga! Ang asawa ko, she always make me feel na kabilang na talaga ako sa pamilya nya.

"Oo na po, sige na panalo ka na, mahal na mahal kita" yun nalang ang nasabi ko sakanya.

"^_____^ so ano nga gusto mong ulam?"-beth

"Ikaw po bahala, di naman po ako mapili eh"-yanyan

Beth: ^_______________^

"Wait ka lang dyan ha, bibili lang ako sa labas"-beth

"Ha?! A E te-teka, ga-"

Di na nya ako pinatapos at ayun lumipad na yung asawa ko sa bilis ng pagtakbo nya palabas ng bahay, hay naku san naman kaya nagpunta yun? Gabi na lumabas pa, tsk, pwede naman na itlog na lang ang ulam ko pero wala sya pa rin ang nanalo. Maya maya pa, andyan na sya.

First [Short Story] (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon