Chapter Nine: Valentines

391 4 0
                                    

 February 2009

After what happend last month, mas naging matatag kami, mas lalo namin pinakita sa ibang tao na kaya namin, at yung sinasabi nilang hindi masaya yang relasyon na yan kasi darating kayo sa point na may hahanapin kayo sa partner nyo na di nya kayang ibigay, pero kami, we proved them wrong. Tuwing nakikita kami ng mga friends nya at mga friends ko, they always say na "Magkamukha kayo, di ba pag magkamukha meant to be talaga?" yan lagi ang naririnig namin sa mga friends namin, at kami naman napapangiti lang sakanila, meron pa ngang "Kulang na lang magLive in kayo sa sobrang sweet nyo sa isa't-isa", "Kayo na ba talaga? Di na ba kayo maghihiwalay?" napangiti na lang kami ulit sa tanong na yan, ang sagot namin "One day, we will get married", alam ng mga friends ko kung gano ko sya kamahal, at yung mga friends din naman nya alam nila kung gano ako kamahal ni beth. Dumating pa nga kami sa point na may pinirmahan kaming promises and vows for each other. Ganyan kami kung sumagot sa mga nagtatanong samin :)

Ang first love story pala na napanood namin ay yung Twilight, sa super ganda ng story na yun 3times namin syang pinanood sa sinehan. And dahil sa sobrang gusto namin sya, gusto ko din na bumili kami ng book nun, at dun namin nalaman na series pala yun.

'Asawa ko tingin tayo ng book na twilight, gusto ko basahin"-yanyan

"Sige punta tayo national bookstore"-beth

So ayun nagpunta kami ng national bookstore, nagtingin kami ng book ng twilight, meron naman dun kaso ang mahal nya, eh student lang ako tapos di naman masyadong malaki sinasahod nya, kaya ayun hanggang tingin na lang kami. Pero one day mabibili ka din namin tiwala lang! :)

February 14, 2009 (saturday, you can google po if you want :))

First valentines namin ni beth, niyaya ko sya magMOA kami, after what happend last month, napagusapan namin na every sat na lang kami magkikita pero dapat buong araw kaming magkasama. Since five days lang ang pasok ko lagi at sya din naman tinaon nya talaga na ang off nya ay tuwing saturday para nga naman sa quality time namin together. 

8am

Nagkita kami sa mall malapit sakanila, sinundo ko sya dun tapos nagbreakfast kami sa isang kainan na malapit lang din sakanila, after namin dun bumyahe na kami papuntang MOA, since super aga pa, naisipan ko na lang na magBUS kami para di hassel na palipat lipat pa kami ng sasakyan. 

Sa bus, sweet pa rin kami, holding hands tapos sya yung nasa may bintana, tapos nakasandal sya sa balikat ko, buong byahe ganun kami, nakarating kami sa MOA mga 10am na, sakto lang ang dating namin kasi magbubukas na yung mall, naglakad lakad kami, dumarami na rin ang mga tao dito sa MOA, halos lahat sila may bitbit na something para sa jowa nila, marami ding couples na nagdadate sa MOA tulad namin. Pero ako wala akong dala para sa asawa ko, pero kasi bibili pa lang ako ng gift for her kasi busy ako nung weekdays kaya wala akong time maghanap ng ibibigay sakanya. Then napadaan kami sa bookstore

"Asawa ko tara dun tingin tayo ng book, nagpapabili kasi sakin si Jha, yung twilight din ang pinapabili nya"-beth

Pumasok kami sa Fully booked, pagpasok pa lang namin andun sa gitna ng store nakadisplay yung twilight, new moon, eclipse at breaking dawn, tumingin tingin na sya ng bibilhin nya, yung twilight di sya nahirapan since marami yung stock, pero yung sa new moon isa na lang, hard bound pa, mas mahal pa dun sa soft bound na twilight na hawak na nya, hawak pa nung girl yung new moon, tinitingnan mabuti yung libro, pero ewan ko ba, parang nainggit ako dun sa girl na yun tsaka dun sa friend ni beth, magkakalibro na kasi sila, ako wala pa din, habang nagtitingin tingin pa kami, nagulat kami, biglang binitawan ng babae yung libro at umalis na ng store, nakita ko naman si beth na biglang kinuha yung book at parang wala ng pakialam sa presyo ng libro, basta kinuha nya at binayaran nya agad. Lumabas na kami ng store at niyaya ko sya na dun kami sa may ice skating rink, tuwing nasa MOA kasi kami dun kami tatambay, papanoorin namin yung mga nagiice skating, tapos magkukwentuhan kami.

Naglakad lakad kami hanggang sa mapadaan kami sa brownies, may binebenta silang heart shaped na cake ata yun or brownies, since wala akong gift sakanya yun na lang yung naisip kong bilhin at mahilig naman sya sa chocolates, nung una ayaw pa nga nya kasi mahal daw, sabi ko naman, OK lang yan para naman sa mahal ko eh, tapos nginitian ko sya at ngumiti din sya sakin.

Lunch time na ata yun, niyaya ko sya kumain kami, para maiba naman ang kakainin namin, sizzling plate naman, kumakain na kami ngayon, ayaw pang kainin ni beth yung gift ko sakanya, sa bahay na lang daw nila, so di ko na sya pinilit pa, maya maya nagsalita sya.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Asawa ko, happy valentines day!" sabay abot sakin nung dalawang libro na binili nya. Nagtataka ako, pero wala akong nasabi, para akong nanigas dun sa kinauupuan ko, nakakunot yung noo ko sakanya nun, napansin nya siguro kaya nagsalita sya ulit

"Asawa ko, gift ko sayo yan, di ba matagal mo ng gusto yan? Ayan na po oh, binili ko na para sayo, dahilan ko lang yung kanina na pinapabili lang sakin yan, gusto ko kasi isurprise ka."tuloy tuloy nyang sabi sakin, ako naman eto naiiyak na, grabe lang di ko talaga expect na bibilhan nya ako nun, ang sabi ko kasi si mama na yung bibili nun para sakin.

'Oh bakit?"-beth

"Wala po, masaya lang ako" actually naiiyak na ako nun sa sobrang saya ko, hindi ko hingi sakanya pero binigay nya pa rin sakin.

"^___^ Buti naman, kanina kasi nung nakita kita na malungkot na nung nakita mo na isa na lang yung new moon, di na ako nagdalawang isip na bilhin yun, sabi mo nga kahit mahal pa yan, eh kung para naman sa taong mahal ko, balewala yang presyo na yan"-beth

After ng kilig moment na yan naglakad kami papunta sa likod ng MOA, kung nasaan yung dagat, that time it was sunset, takot si beth sa dagat, di daw kasi sya marunong maglangoy, so ayun di kami lumapit, dun lang kami sa tanaw namin yung sunset.

"I love you" bulong ko sakanya habang nasa likod nya ako at nanonood kami ng sunset.

^_____^ - beth

After namin manood ng sunset, lakad ulit kami, pangarap kasi namin makabisado yung MOA, hahaha! Joke lang, Di na kami nagdinner kasi busog pa naman kami tsaka gabi na rin, mahaba pa yung byahe namin, so ayun kami nagaabang na ng bus pauwi.

That day was the very happy valentines day in my whole life! Di ko talaga expected yun. Pero ayun nasurprise nya talaga ako, kakaiba talaga sya, lagi nya akong ginugulat sa mga actions nya. Umuwi kami pareho na masaya at kuntento sa kung paano namin na celebrate yung valentines day at bukas naman monthsary naman namin, sabi nga nila extended daw yung valentines namin.

Kinabukasan

Nagsimba lang kami at kumain sa labas, then bonding ulit kami sakanila, kain ng ihaw ihaw, tulog, kwentuhan tawanan, bingo sa loob ng bahay nila. Sweet moments, random kisses, everything. Lahat yan ginagawa namin, di kami nauubusan ng mga kwnetuhan, di kami nauubusan ng kasweetan sa katawan, di kami nauubusan ng paraan para iparamdam na mahal namin ang isa't-isa. That moment, I could say that, she was the best thing that ever happend to me. She came into my life and completes me. Di ko sya hiniling pero kusa syang dumating. 

=============================================================================

Happy 57reads and 7votes! Thanks po sa lahat ng nagbabasa neto :) Sana subay bayan nyo yung love story namin.

Sorry for the short update, pero yan lang po kasi talaga yung naaalala ko. Back to work ulit bukas, next week na ulit ako update. Hope you understand ;)

Chapter Ten coming soon!

love lots!

First [Short Story] (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon