Chapter Twenty: Second chance

327 2 0
                                    

Madalas na kami nagkakatext ni beth, di man sweet pero normal lang. Walang commitment pero andun yung contentment.

Pero andun pa rin yung naikukwento nya sakin si Ivan. Masakit pero anong magagawa ko? Di pa naman kami. Wala akong karapatan na pagbawalan sya. Tsaka baka ako lang yung nalalapitan nya at nasasabihan nya ng about sakanila. Kaya ayan hinahayaan ko na lang.

Linggo, may seminar kami sa school, whole day yun. Medyo boring pero wala akong magawa. Kailangan to sa isang subject namin. 4pm natapos yung seminar, ayaw ko pa umuwi, tinext ko si pare inom kami. Pumayag naman sya. Kaya lang nagtext si beth kay pare at tinatanong ako, di ko kasi sya tinetext nun.

"Pare hinahanap ka ng misis mo, di mo daw sya tinetext :D"-pare

"Haha! Namiss agad ako? Sabihin mo iinom tayo"-yanyan

Sinabi ni pare yun, at maya maya pa nga eto na nagtext na sya.

"Yanyan ano yang balita kong magiinom ka na naman ha?!"-beth

Di ko sya nireplyan, hindi dahil sa nagiinarte ako pero kasi naman, di naman kami para pag bawalan nya ako. Wala syang nagawa naginom kami ni pare, at ibinilin pala nya ako kay pare na wag magpakalasing kasi baka di daw ako makauwi ng ayos at magkahang over. Di ko alam kung ano tumatakbo sa isip nya at ganun sya sakin. Pero gusto ko na ganun sya kaconcern sakin.

August 6, 2010

Aga ng pasok ko. Programming ang class ko ngayon, kung saan medyo hirap ako. Bago pumasok tinext ko si beth.

"Good morning"

After ko isend yun umalis na ako ng bahay namin. Pumasok na agad ako, maya maya nagreply na sya.

"Good morning din, pasok ka na? Kumain ka muna ha"-beth

Nangiti ako sa nabasa ko. Yung antok na antok na ako biglang nabuhayan at yung acivity for the day ay natapos ko agad, since ako nauna pwede na ako umuwi. Yun lang kasi yung class ko for that day. Di ko alam kung itetext ko sya or hindi, kung ipapaalam ko ba sakanya na wala na akong klase. Lumabas ako ng room at tumambay muna sa tinatambayan namin ng mga classmates ko.

"Dito na ko school, actually kakatapos lang ng class namin"-yanyan

"Ah ganun ba? What time next class mo?"-beth

"Wala na akong class, I can go home now"-yanyan

"Ha?! Ang aga naman"-beth

"Maaga ko natapos yung activity eh, tsaka may inspirasyon ako :D"-yanyan

"At sino naman yan?!"-beth

"IKAW"-yanyan

"Hay naku ka yanyan, pumunta ka na lang dito magluluto ako ng fav mong nilaga"-beth

Tama ba yun?! Ipagluluto nya ako ng nilaga?! Napalundag ako sa tuwa! Ipagluluto nya ako at yung fav ko pa. Dahil sa tuwa ko umalis ako agad ng school at pumunta agad sakanila. Since maaga pa bumili muna ako ng pansit at tinapay baka kasi di pa kumakain yun ng agahan.

Pagdating ko sakanila sinalubong ako ni cris yung bunsong kapatid nya. Ewan ko ba pero tuwang tuwa sakin yun. Pinapasok ako nagmano ako kay lola at ayun, nakita ko yung misis to be ko este nakita ko si beth abala sa paghahanda ng lulutuin nya. Di ko sya tinext na pupunta ako. Susurpresahin ko kasi sya at nagwork naman. Di nya ako napapansin, panay ang tingin sa cp nya kung may nagtext or wala, natatawa ako, di nya alam andito na ako. Maya maya napalingon sya kung nasaan ako. Ngumiti sya at biglang lumapit sakin

"Bakit hindi ka nagtext?!"-beth

Di ko sya sinagot at pinakita na lang sakanya yung bitbit kong pansit at tinapay.

First [Short Story] (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon