Hindi naman nagtagal ay natapos na din ang pagpupulong kaya lumabas na kaming lahat ng Building.
Bakas pa din sa mga mukha namin ang lungkot lalo na kila Max dahil matagal na nilang kakilala si Kevin.
Nagpaalam naman si Max at si Nicole saamin ni Jessica at sabay umalis na din sila kaagad.
"Tara na't bumalik na tayo sa kwarto natin" pangiti namang sinabi ni Jessica sakin kaya agad din naman kaming umalis papunta sa E.A Building.
Nung habang naglalakad naman kami ay hindi ko naman napilitang hindi magtanong kay Jessica tungkol sa mga bagay dito sa Academy.
"Matanong ko lang, diba Academy 'tong lugar na ito, bakit parang napapansin ko na wala kayo palaging klase?" Napalingon naman sakin si Jessica ng tinanong ko yun sa kanya.
"Iba kasi dito sa Academy namin, ang klase namin ay tumatagal lang ng isa hanggang dalawang oras kaya hindi mo namamalayan na pumasok na pala kami." Pangiti niyang sinabi sakin kaya ngumiti din ako sa kanya.
Pagkatapos naman naming mag-usap ay napalingon na kaming dalawa sa may daan papunta sa building na pupuntahan namin.
"Nakalimutan ko palang sabihin sayo na pwede pala kahit hindi na kami pumasok sa klase kasi ang tanging mga tinuturuan lang naman dito sa Academy ay ang mga hindi pa marunong gumamit ng elemento kaya kapag marunong ka na ay pwede ka ng hindi umatend sa mga klase" pangiti niyang sinabi sakin habang ako naman ay nagtataka.
"Bale ang gagawin mo nalang ay ma enhance pa ang elemento na kaya mong kontrolin" paseryoso ko namang sinabi sa kanya sabay ngumiti ulit siya.
"Parang ganun na nga, pero mahirap din kaya matuto kung papaano kumontrol ng isang elemento, tumagal ako sa klase ng Limang taon para lang matutong kumontrol ng elemento ko" humanga naman ako kay Jessica.
Naputol nalang ang usapan namin ng makarating na kami sa pinto ng kwarto ko kaya agad naman akong nagpaalam kay Jessica at pagkatapos nun ay agad na akong pumasok sa Kwarto ko.
Pagpasok ko naman sa kwarto ko ay napaupo nalang ako sa may kama ko at napaisip ako tungkol dun sa Lost Dimension na sinasabi ni Enzo kanina.
"Kamusta ka na James, alam kong malungkot ka sa mga nangyari kanina" agad naman akong napalingon ng may narinig ako na boses at nakita ko na si Isabel lang pala yun.
"Malungkot nga din ako para kay Kevin, hindi ko inaasahan na magagawa niya yun." Malungkot naman na sinabi sakin ni Isabel sabay napaupo siya sa tabi ko.
"Naiintindihan ko naman si Kevin kung bakit niya nagawa yun, masakit din kasing isipin na niloloko ka ng mahal mo" sabi ko naman kay Isabel kaya napalingon siya sakin at sabay ngumiti.
"Ang sakit pa rin para sakin na mawala si Kevin, siya ang nagligtas sakin sa Anatasia Village nung nakaraang ilang taon at hindi man lang ako nakabawi sa kanya" paiyak niya namang sinabi sakin kaya napahawak ako sa balikat niya para bigyan siya ng lakas ng loob.
"Kailangan mong magpaka-tatag simula palang ito" seryoso ko namang sinabi sa kanya kaya tumigil na siya sa pag-iyak.
"Sige mauna na ako" paalam sakin ni Isabel at sabay umalis na din siya kaagad.
Pagkatapos naman nun ay napatingin nalang ako sa orasan sa kwarto ko at mga 2:24 palang ng hapon.
Bigla ko namang naalala yung lalaki na kumuha saakin ng gemstone kaya naisipan ko naman na itanong yun kay Enzo ngayon.
Lumabas na kaagad ako ng kwarto ko at sabay dumiretso na kaagad ako papunta sa Library.
Makalipas naman ang ilang minuto ay nakarating na din ako sa wakas dun sa Building A kung saan matatagpuan yung Library.
BINABASA MO ANG
Elemental Academy ( Existence Of True Power )
Fantasy( Incomplete ) Our universe is divided in two, they are the universe of humanity and the universe of the extraordinary elementalist.. But no one would ever wondered about the existence of their power.. Until one of the human from our world had give...