Chapter 17 : The Weapon

51 24 4
                                    

Hindi ko na nalaman ang mga sumunod na nangyari nung time na yun. At nung nagising na ako ay tsaka ko lang naalala na nasa gubat pa din pala ako.

Nasaan na ba ako? Pero ang mas gumugulo sa isip ko ay bakit niya kinuha si Scarlet, pero depende sa sinabi ni Melissa ay yun ang weapon na kayang makatalo ng Void, so it means, si Zillah ay naka possesed kay Scarlet, kaya pala kinuha siya ni Melissa, pero bakit kaya? Hindi kaya takot si Melissa na baka mapatay siya gamit si Zillah. Pero nakakapagtaka kasi papano naman gagawing weapon si Zillah para makatalo ng Void.

Napatigil nalang ako sa pag-iisip dahil napansin ko na pasikat na yung araw kaya napag-isipan ko naman na maglakad-lakad na.

Hindi ko alam kung saang part ng gubat ako napunta pero mas mabuti na kung sisimulan ko ng maglakad.

Sa kakaisip ko ng kung ano-ano habang naglalakad ay hindi ko naman napansin na may nakabangga na pala akong tao, pero nasiyahan naman ako nung mga oras na yun dahil inisip ko na baka alam niya ang pabalik dun sa Village.

"Ahmm miss?, pasensya na po, alam niyo ba kung saan ang pabalik sa Anatasia?" Napalingon siya sakin at napansin ko na light-blue ang kulay ng buhok niya na siya namang bumabagay sa maganda niyang ngiti.

"Ahmm, hindi ko po alam eh" pangiting sinabi ng babae sakin kaya nagtaka nalang ako.

"Ano palang pangalan mo?" Tanong ko sa kanya habang tinutulungan ko siyang tumayo kaya napalingon ulit siya sakin at ngumiti.

"My name's Rainne" nasiyahan naman ako ng nakilala ko siya pero pagkatapos nun ay natahimik ako sa isang iglap ng lumamig ang simoy ng hangin na para bang may nakatingin samin.

"Teka lang, parang may nagmamasid satin ngayon" kinabahan naman si Rainne sa sinabi ko kaya napalingon siya sa paligid namin.

Napansin ko naman na nagkulay asul yung palad niya at kuminang ito ng maliwanag.

"Let's go James" napakapit siya sa kamay ko at bigla nalang kaming naglaho sa isang sandali.

Napansin ko naman na napunta kami sa isang bahay sa gubat, nagtaka nalang ako ng ngumiti ulit siya na parang walang nangyari.

"Anyare? Ba't mo ginawa yun?" Tanong ko sa kanya kaya napatigil siya sa paglalakad at napatingin sakin.

"Ahmm, wala lang gusto ko lang" pangiti niyang sinabi kaya napakamot nalang ako sa ulo ko.

Ano bang meron dito sa babae na 'to, niloloko niya ba ako, ang gulo basta hindi ko mapaliwanag, naisipan ko naman na tanungin nalang si Rainne.

"Ano nga kasi, bakit mo nga ako sinama dito?" Pataka kong tanong sa kanya kaya napalingon na naman siya sakin.

"Malamang, patutuluyin muna kita dito sa bahay ko, alam kong wala kang matutulugan at tsaka alam kong gutom ka na kaya wag ka ng magsalita at pumasok ka nalang dito sa bahay" patawa niyang sinabi kaya nalinawagan nalang ako kung bakit isinama niya ako, tama nga naman siya, gutom na talaga ako.

Pagkatapos nung usapan namin ay sabay na kaming pumasok sa loob, pinaupo agad ako ni Rainne at mabilis siyang naghain ng mga pagkain kaya nasiyahan naman ako.

"Parang napakasaya mo ngayon ah" pangiti kong sinabi sa kanya kaya napatingin siya sakin ng diretso.

"Natural lang sakin ang maging ganito, at tsaka ngayon lang ulit ako nagkaroon ng bisita sa buong buhay ko" nagtaka nalang ako sa sinabi niya sakin kaya napatigil ako sa pagkain.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya habang napansin ko naman na sumabay na siya sa pagkain.

"Masyado kasing liblib ang bahay ko, kaya bibihira lang ang mga bisita" nalinawagan naman ako sa sinabi niya pero nagtaka na naman ako kaya tinanong ko ulit siya.

Elemental Academy ( Existence Of True Power )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon