"Kilala ko na kung sino ang pumatay doon sa babae" paseryoso ko namang sinabi kay Jessica kaya nagulat naman siya sa sinabi ko.
"Talaga?! Sino?!" Pagulat naman na tinanong ni Jessica sakin habang ako naman ay napaisip lang.
"Bukas ko na sasabihin sa inyo, bumalik na tayo sa kwarto mo" paseryoso ko namang sinabi kay Jessica kaya sumang-ayon nalang siya.
Umalis na kami ng Basement at agad naman kaming nakarating sa loob ng kwarto ni Jessica.
"Sige matulog ka na, babalik na ako sa kwarto ko" pangiti ko namang sinabi sa kanya kaya ngumiti din siya sakin at sabay humiga na kaagad siya.
Bumalik na kaagad ako sa kwarto ko sabay napahiga na din ako sa kama habang iniisip ko pa din ang tungkol dun sa mga nangyari.
Hindi naman nagtagal ay nakatulog na din ako sa wakas at makalipas ang ilang oras ay umaga na, kaya nagising naman kaagad ako.
Napalingon nalang ako sa orasan sa kwarto ko at nakita ko naman na 7:00 palang ng umaga.
Grabe lagi na akong gumigising ng maaga hindi katulad nung andun palang ako sa mundo namin.
Bigla ko namang naisipan na puntahan si Enzo dun sa may Library sa Building A. Kaya inayos ko na kaagad yung hinigaan ko tapos naghilamos na din ako.
Nakalimutan ko palang sabihin sa inyo na ang bawat kwarto ng mga estudyante ay may palikuran na kaya hindi na kailangan pang lumabas ng building kung sakaling gagamit kami ng palikuran.
Agad na akong dumiretso sa may Library dahil alam ko na laging andun si Enzo.
Napansin ko naman na kakaunti palang ang mga estudyante na nasa labas pero bumalik naman agad yung tingin ko sa Building A.
Nung nakarating na ako sa may Entrance ng Building A ay sakto naman na lumabas si Enzo kaya nagkasalubong kami sa may labas.
"Oh ikaw pala James, bakit parang nagmamadali ka?" Pagtataka naman na tanong ni Enzo sakin habang ako naman ay naging seryoso.
"Gusto ko sanang magpulong mamaya dun sa loob ng Building D, at gusto ko po na papuntahin niyo po lahat ng mga well-trained na elementalist dahil may importante po akong sasabihin sa inyong lahat" paseryoso ko namang sinabi kay Enzo kaya naging seryoso na din yung expressions niya.
"Sige, magkakaroon tayo ng pagpupulong mamayang 12:00 ng hapon, pero sigurado ka ba sa mga sasabihin mo samin?" Tanong naman kaagad ni Enzo sakin kaya napangiti naman ako sa kanya.
"Sigurado po ako sa mga sasabihin ko mamaya, hindi po ako mapapahiya sa harap niyong lahat" pangiti kong sinabi sa kanya kaya sumang-ayon naman siya at agad na siyang umalis.
Naisipan ko naman na kumain na ng umagahan sa may Cafeteria kasi medyo nagugutom na din ako.
Nung nakarating na ako sa Cafeteria ay agad ko namang nakasalubong si Nicole na kakain palang.
"Napansin ko, bakit parang lagi tayong sabay na napunta dito sa Cafeteria para kumain?"pangiti niya namang tinanong sakin habang ako naman ay nakatingin lang sa kanya.
" Alam ko na, siguro may gusto ka sakin?" Pasigaw niyang tinanong sakin kaya nagulat naman ako sa sinabi niya.
"Hindi ah" mabilis kong sagot sa kanya sabay napangiti ulit siya.
"Biro lang, ikaw naman hindi ka mabiro, Loyal ako kay baby Max ko," pangiti niyang sinabi sakin habang ako naman ay walang imik.
Napag-isipan naman namin ni Nicole na magsabay nalang kumain ng umagahan kaya pumasok na agad kami sa Cafeteria.
BINABASA MO ANG
Elemental Academy ( Existence Of True Power )
Fantasía( Incomplete ) Our universe is divided in two, they are the universe of humanity and the universe of the extraordinary elementalist.. But no one would ever wondered about the existence of their power.. Until one of the human from our world had give...