Chapter 26 : Genocide

28 13 0
                                    

"Posible nga na Genocide Act ang nangyayari ngayon dito sa loob ng Academy" pakabang sinabi ni Tricia kaya napaisip kami sa kanya.

Bigla naman akong napaisip na puntahan si Scarlet kasi baka kung mapano siya sa loob ng kwarto niya kasi mag-isa lang siya dun.

"Sige na mauna na muna ako sainyo, baka mapahamak si Scarlet at yung iba pang kabataan" paalam ko sa kanila at sabay napakapit sakin si Tricia.

"Sasamahan ka na namin para makasigurado kami na wala ding mangyayari sayo" pumayag naman ako sa nais ni Tricia kaya pagkatapos ng lahat ay tinakbo na namin ang papunta sa EA building.

Sinabihan namin ang lahat ng mga estudyante na magkulong muna sa kwarto at huwag itong buksan hangga't hindi nakakasigurado kung sino ang kumakatok.

Bakit kaya ganito? Hindi kami maubusan ng mga problema at pagkatapos ng isa ay meron na namang darating, pero I guess ganun lang talaga ang mundo ngayon.

Nung pagpasok naman namin sa kwarto ni Scarlet ay nagulat kami ng nakita namin si Enzo na naghihingalo sa may sahig ng kwarto.

"Anong nangyari?!" Seryoso kong tinanong kay Enzo kaya napatingin siya sakin at sabay naging seryoso yung itsura niya.

"Hindi ko inaasahan na magkakaroon na naman ng ganitong suliranin makalipas ang mahabang panahon" nagtaka nalang ako sa sinabi niya kaya tinanong ko ulit siya tungkol dun sa sinasabi niya.

"Ano nga kasing nangyari?" Napansin ko naman na may saksak din siya ng kutsilyo na posibleng yun yung may lason na galing sa Weapon Area kaya mas kinabahan ako.

"Tapusin niyo na si Scarlet bago pa lumala ang mga mangyayari!" Pagalit na sinabi ni Enzo at napakapit siya sa balikat ko kaya nagtaka naman ako.

"Si Scarlet?! Bakit naman namin siya tatapusin?" Pakaba kong tinanong at hinanda ko na yung sarili ko sa posibleng masabi ni Enzo.

"Siya ay nasa kalagayan ng Genocide Act, kaya walang makakapigil sa kanya" natakot nalang kaming tatlo nila Tricia ng nasabi samin yun ni Enzo at sabay napangiti nalang siya.

"Wala na siya dito sa Academy, sinubukan ko siyang talunin kaso malakas talaga siya, Isa lang ang masasabi ko sainyo" na curious kami nung nagsalita ulit si Enzo.

"Isa si Scarlet sa mga pinakahindi makakalimutang elementalist sa history " mas nangilabot kami dahil hindi namin inaasahan na si Scarlet pala ang may gawa ng lahat ng pagpatay dito sa Academy.

Hindi nagtagal ay namatay na si Enzo dahil sa lason sa kanyang katawan na walang lunas kaya napatayo nalang ako at parang nababaliw na ako dahil sa mga nangyayari.

Bumaba na agad kami at nakita namin sila Jessica at si Nicole na kinakalaban si Scarlet sa may Ground.

"Greetings, you are all lucky to witness my own power" patawang sinabi ni Scarlet at nakita ko na nagkulay pula yung dalawa niyang mata at napatingin siya samin.

"Anong nangyayari sa kanya?!" Painis na tinanong ni Nicole habang nakatingin lang samin si Scarlet.

"Nasa kalagayan siya ng Genocide Act" natakot nalang bigla sila Jessica ng sinabi ko ang bagay na yun.

"Too Afraid? Don't worry I will show you how I feel inside me!" Pasigaw na sinabi ni Scarlet at bigla niya nalang hinarap yung palad niya samin at nagkulay violet yung mata niya.

Hindi ko na nalaman pa ang mga sumunod na nangyari, basta nangyari ang lahat sa isang kisap-mata, naglabas si Scarlet ng kulay Gray na ilaw na tumama saming lahat pero bago pa ako matamaan nun ay gumawa si Tricia ng Barrier magic para saming dalawa. Kaya hindi kami masyado naapektuhan.

Elemental Academy ( Existence Of True Power )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon