Chapter 9 : Anatasia Village

57 32 0
                                    

Napatingin nalang ako sa relo ko ng mga oras na yun at tsaka ko lang nalaman na 10:30 na din pala ng tanghali kaya tinanong ko naman kaagad si Zero.

"Anong oras tayo aalis papunta sa Anatasia?" Tanong ko kay Zero kaya napalingon siya sakin.

Wala naman saking sinabi si Zero at nagpaalam na siya saming lahat, kaya natahimik naman ako sa isang sandali.

"Mauuna pala si Zero sa pag-alis kaysa sa inyo, at gusto niya na umalis kayo dito ng 12:00 pagkatapos niyong mananghalian." Paseryoso saming sinabi ni Lucas kaya agad naman kaming pumunta sa Cafeteria para kumain ng tanghalian.

Nung habang nasa daan naman kami papunta sa Cafeteria ay hindi naman namin napilitang hindi mag-usap.

"Kakain na naman tayo, busog pa ako eh" pangiting sinabi ni Max saming tatlo kaya tumingin kami sa kanya.

"Pero ang sabi ni Zero ay kumain muna tayo ng tanghalian bago tayo umalis" paalala naman ni Nicole kay Max habang kami naman ni Jessica ay bumalik ang tingin sa daan.

"Tama si Nicole, sigurado ako na may dahilan si Zero kaya niya muna tayo pinapakain bago umalis" pangiti kong sinabi sa kanila kaya tumigil sila sa pag-uusap at napatingin sila sakin.

"Ano naman kaya ang dahilan niya at bakit kailangan pa nating kumain bago umalis, tsaka kumain na tayo kanina eh" paseryosong sinabi ni Max saming tatlo kaya dun naman natapos ang usapan namin.

Nung nakarating na kami sa Cafeteria ay umupo na din kaagad kami sa may isang lamesa.

Kumain pa rin kami nila Jessica ng pagkain habang si Max naman ay mas pinili na hindi nalang kumain.

"Ayaw mo ba talagang kumain?" Pag-aalala naman ni Nicole kay Max kaya napatingin si Max sa kanya.

"Ayoko, busog pa ako"pangiti niyang sinabi samin kaya nagpatuloy nalang kami sa pagkain nila Jessica.

Pagkatapos naman naming kumain ay agad na kaming bumalik sa kanya-kanya naming kwarto para makapaghanda na din kami ng mga gamit na dadalhin.

Buti nalang at binigyan ako ng damit nila Max at Lucas dito, wala naman kasi akong dalang damit nung time na napunta ako dito sa mundo nila.

Pagkatapos kong maayos ang lahat ng dadalhin ko sa Anatasia ay agad din naman akong bumaba papunta sa may ground.

Napalingon naman ako sa relo ko at napansin ko na 11:20 palang ng tanghali, bale may 40 minutes pa kami na paghahanda.

Mas minabuti ko naman na mag-antay nalang dun sa ground hanggang 12:00 para andun na ako kung sakaling dumating na kaagad yung sasakyan namin na karwahe.

Nakasalubong ko naman si Max na papunta na din sa ground kaya sabay na kaming pumunta dun at para may makausap naman ako habang nag-aantay kami.

Nung pagkarating namin sa ground ay napaupo naman kami sa damuhan habang nakatingin lang kami sa labas ng Academy.

" Hindi ako makapaniwala na magkakaroon na pala ng labanan sa pagitan ng mga taga Fallen at taga dito sa Academy" seryoso saking sinabi ni Max kaya napatingin naman ako sa kanya ng seryoso.

"Marami ding magbubuwis ng buhay kung sakaling magkaroon ng digmaan dito sa Mundo niyo" pag-aalala kong sinabi kay Max kaya napatingin nalang siya sa may itaas.

"Salamat at nagagawa mong manatili dito para makatulong samin" masaya niyang sinabi sakin habang nakatingin lang siya sa langit.

"Hindi nga ako makapaniwala na nagagawa ito ng mga taga-Fallen samin, dating magkasanib ang dalawang Academy, hindi ko nga alam kung bakit bigla nalang pinatay ni Henry si Raymond at marami silang napaslang na elementalist nung pagpupulong na yun" malungkot naman na sinabi sakin ni Max kaya napaisip ako.

Elemental Academy ( Existence Of True Power )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon