New Recruit
Sam
Papasok kami ng room at nakita Kong kausap ni Nate ang bad boy. Napatitig kami Kay Nate. Kumaway Si Nate saamin at niyayang umupo sa tabi nila. Tinignan ko sina Ken at Greg sa likod ko. Nakakunot ang noo niya habang nakatitig kayna Nate.
"Let's go.." Malamig Kong sabi sabay tingin kayna Nate. Umupo ako sa tabi ni Nate at umupo sa harap ko ay Si Ken at Rena, katabi Si Tiana. Sa likod ni Zach ay sina Greg at Jerome. Sa gilid ni Nate ay sina Yassy at Gaby. Tinignan ko si Nate at tinignan niya ako. Hinawakan niya yung kamay ko.
Napatitig ako Kay Zach na pinag lalaruan yung labi niya habang nakatitig saamin. Umubo ako at ngumiti Kay Nate.
"Zach, meet my friends. This is Gaby, sa tabi ko. Sa likod mo ay sina Jerome at Greg. Ito sa tabi mo ay Si Ken at Rena. Then dito sa tabi niya ay sina Yassy at Tiana" tumango siya at tinignan yung mga kaibigan ko.
"Bro.." Sabi ni Ken sabay apir Kay Zach.
"Pre..." Sabi ni Greg at Jerome. Tumango langbsi Zach sakanila.
"Sup..." Sabi ni Yassy at Tiana Kay Zach.
"Hey..." Sabi ni Rena.
"And this is my girlfriend, Sam" pagpapakilala niya saakin. "Guys, meet my old friend Zach-"
"Zachary Domingo, right" malamig na Sabi ni Yassy. Pinasadahan niya ng mga daliri niya ang buhok niya. Tinitigan namin siya at ngumisi.
"Yeah. Kilala niyo siya?" Nagtatakang Tanong ni Nate saamin.
"Ask Jerome!" Turo ni Gaby Kay Jerome. Tinignan ni Nate Si Jerome. Kumaway Si Jerome at ngumisi.
"Right. So, Zach would you like to join our Squad?"
Napatingin kaming lahat sa isa't isa. No, way! Tinignan ko si Nate at nakita Kong malaki ang ngiti niya Kay Zach. Tinignan ko si Zach at nakita Kong Napaupo siya ng maayos. Tinaas niya yung paa niya at pinatong sa upuan sa harap niya. Technically sa armchair ni Gaby niya pinatong yung paa niya. Bastos! Napatingin ako sa paa niya at sakanya. Sinuklay niya yung buhok niya at tinitigan Si Nate.
"Pass..." Malamig niyang sagot. Napatingin ako kayna Ken at Jerome. Tinignan rin ako Nina Gaby, Yassy, At Tiana. Napangiti ako ng palihim.
"Anong pass?" Tanong ni Nate. Tinignan ko siya at ngumiti. "Anong pass ang sinasabi mo?"
"He means na ayaw niyang sumali saating Squad. Tiba Zach?" Tanong ko Kay Zach.
"Did I said, na ayaw ko? I said, pass. Not now, I mean to say na. Ayaw ko muna ngayon" kumindat siya saakin Kaya napatulala ako. Gusto niya?!
"Gusto mong sumali saamin?" Medyo mataas na yung boses ko.
"I'm busy. Not now, maybe tomorrow" Sabi niya. Tumayo siya at lumakad na papalayo. Sinundan namin siya ng tingin at nakita naming tumigil siya. "Nga pala, nice to meet you, Sam." Nanlamig ang buong katawan Ko ng titigan niya ako. Kumindat siya saakin at ngumiti saakin bago umalis. Tinignan ko sina Ken. Nag kibit balikat sila saakin. Napairap ako sakanila.
"Hayaan mo na siya Sam, ganun talaga siya. Mabait yun, tignan niyo" Sabi ni Nate saamin. Tinignan namin Si Nate at nakita Kong nag susulat lang siya ng kung ano Ano sa notebook niya.
YOU ARE READING
I Hate That I Love You
Teen FictionSamantha Miralles. May boyfriend na ang pangalan ay Si Nate Vallarta. May mga kaibigang sobrang kukulit. Sina Rena, Tiana, Gaby, Yassy, Ken, Greg, at Jerome. Mahal niya ang mga ito. At kasundo niya. Pero, gumulo ang Squad nila ng dumating ang bad bo...