Chapter 14

5 0 0
                                    

Worried

Sam

Nagising ako at Sht. Ang sakit ng ulo ko. Gumulong ako sa kama at nagulat ako ng may Nakapa akong matigas sa tabi ko. Nakatakip ng kumot Kaya inalis ko. Napahawak ako sa bibig ko para pigilan kung tili ko. Sht! Katabi ko siya sa kama?

Tinignan ko yung loob ng kwarto at may nakita akong skate board na black sa corner ng kwarto. May computer table at nanduon yung laptop niyang black. May lamp siya na black sa tabi niya. Pagkatitig ko sa, nakita Kong may mga pictures duon sa wall. Napatingin ako. Puro picture niya at picture niya sa America. May mga picture ni Nate. Wait.... Sht! Oo nga pala? Break na kami.

"Zach!" Nagulat ako sa kumatok. "Zach, gising na! May nag hahanap sayo dito!"

Nagulat ako ng biglang bumangon ang isang ito. Pinanood ko lang siyang tumayo. Naka shorts lang siya at topless. Kita ang maputi niyang katawan. Binuksan niya yung pinto ng padabog Kaya nagulat ako.



"Ano ba?!"



"May nag hahanap sayo sa baba. Puro mga nag aalala. Oh, Hi Sam!" Kakaway na sana ako pero itong Si Zach, sinarado yung pinto. Humarap siya sakin at tumitig.



"P-paano ako na punta d-dito?" Nahihiya ako sakanya. Kung ano ano ang ginawa ko kahapon. At, did I just tried to kiss him?! Urgh! That was.... Sht, my pride.



"You slept. On my arms. Don't you remember?" Malamig niyang sabi. Tumango ako at nakita siyang kumiha ng shirt sa cabinet. Tumayo ako at nakita Kong naka pajamas na pink ako at spaghetti strap na sando. "How did you...." Siya ba ang nag suot ng damit na ito sakin?!



"I told you to wore that clothes. Akala ko Hindi mo gagawin Pero, nagulat ako ng ginawa mo kahit lasing ka" Tinignan niya ako habang nakakunot ang noo.



"Kaynino yung damit na ito?"



"Sa kapit bahay naming may anak na babae. Humiram ako. Don't worry, mga kaibigan ko sila" tsaka siya lumabas. Nag ayos ako at nag hilamos. Bumaba ako at mula sa hagdan, rinig ko yung mga ingay ng bisita niya.

"Nasan na siya?! Bakit Hindi mo gisingin?" Rinig kong sigaw ng isang lalaki.



"Nasan na si Sam?! Bakit Hindi pa bumababa? Anong ginawa mo sakanya?!"

Pagkababa ko. Nakita ko ang mga magugulong buhok ng mga kaibigan ko. Mukhang naalimpungatan sa mga tulog. Naka shorts sina Tiana, Rena, Yassy at Ken. Naka pajamas naman sina Jerome at Greg. Napatigil ako sa pagkakamot ng mata ng makita ko sila. Nakatanggap ako ng mainit na yakap mula sakanila.


"Saan ka ba nangaling? Pagkagising namin, wala ka na?!" Tanong ni Yassy.



"What the hell did you do with him?!" Inis na Tanong ni Ken.




"Nasan Si Nate?! Akala ko ba hinanap mo siya?! Lasing ka ba?!" Tanong ni Rena.



"Bakit Hindi ka na bumalik?! At Bakit mo kasama si Zach?!" Tanong ni Tiana.



"Stop!" Sigaw ko. Huminga ako ng malalim at tinignan sila isa't isa. "Umupo muna tayong lahat at kumain ng breakfast, okay!" Tinignan ko si Zach at nakita Kong pinapanood niya lang kami. Nag handa siya ng breakfast at nag luto ng egg and rice with bacon. Habang kumakain kami ay tinitignan ko sina Zach, Migs at Carlo na kumakain sa sala. Sinakip kasi namin yung upuan sa dining. Nakakahiya. Masyado na kaming nakaalaba sakanya.

"Bakit ba kasi kayo nandito?!" Panimula ko. Sakto, wala Si Zach. Pwede kaming mag usap.



"Nag alala kami sayo!" Sabi ni Ken.



"Pagkagising namin, wala na ang gamit mo. Gamit ni Nate at Gaby. Nakatulog kami sa kubo dahil sa alak na ininom namin." Uminom ng juice Si Yassy.

Wala gamit Nina Nate? Tss. Umalis sila siguro pagkatapos naming mag away. Mga gago. Mga niloko ako tapos iiwan nila kami ng walang paalam? Naiinis ako. Natawa nalang ako habang kumakain. Napatingin sakin sina Greg at Ken.


"Bakit ka natatawa Jan?" Tanong ni Rena.



"Nag break na kasi kami ni Nate" uminom ako ng juice para makalma yung tawa ko. "At Alam niyo kung bakit ako natatawa? Dahil nag paka tanga ako sakanya!"



"Break na kayo? Kaya ka pala umiinom ng beer kahapon?! Wait, sino yung girl?" Tanong ni Tiana. Tinignan ko siya at sumeryoso yung mukha ko.



"He cheated on me with our bestfriend!" Naiiyak ako ulit. Ang sakit sakit. "Naiinis ako sakanilang dalawa." Tumungo ako at humikbi na. Gusto Kong mag bar nalang.



"Leste yung babaeng iyon! Hoy Greg! Pagalitan mo kapatid mo!" Sigaw ni Rena.




"Lagot sakin yun! Makakatikim siya ng sumbat ng Kuya niya" pinatunog ni Greg yung mga daliri niya.



"Sam... Paano mo na meet Si Zach? Siya ba ang nadalas sayo sa bahay nila?" Tinignan ko si Jerome.



"Siya ang tumulong saakin. Don't worry, I'm fine" Sabi ko. Tumayo ako at niligpit yung mga Plato. Tinulungan na nila ako na maghugas ng Plato. Si Rena ang nag punas ng table. Ako at Si Tiana ang nag wash ng Plato. Pagkatapos ay umupo kami sa sofa.

Nasa taas sina Migs, Carlo at Zach. Nandito kami, nanonood ng NBA. Sigaw ng Sigaw sina Ken, Greg, at Jerome dahil sa mga shoots. Busy sa cellphone sina Tiana, Rena at Yassy. Ako ay nandito nakatulala sa kawalan. Maya-maya ay naramdaman Kong may umupo sa tabi ko. Umusog ako ng onti para makaupo siya.

"I'm sorry about Nate. Akala ko ay seseryosohin ka niya habang buhay" natawa ako sa sinabi niya. Napatingin siya sakin at kumunot ang noo. "Bakit ka natatawa? Baliw ka na ba?! Nung una, natatawa ka dahil break na kayo!"




"Habang buhay talaga? Nah, its okay. Kaya ko namang  mag move on sakanya." Umupo ako at tinaas yung paa sa sofa. "Ang sakin lang ay, dapat sinabi na nila nung maaga pa! Para wala ng masaktan."



"Pag sinabi ba nila ng maaga, Hindi ka masasaktan? I'm sure ganito parin ang nangyayari pag nangyari yun" seryoso niyang sabi.



"Oo nga. Tss, wag na nating pag usapan. I'm too tired of hearing his name" Tinignan ko siya at ngumiti. Tumango lang siya sakin.

Naalala Kong may mga ginawa siya saakin. I should thank him but, how? Madali lang sabihin sa tao ang thank you Pero, Bakit ako nahihirapan? Tss, sa susunod. Mag mag isa kami ni Zach. I don't want to break this moment with him. Lalo na't ngayon ay kailangan ko ng katulad niya. To help me move on sa nangyari.

I Hate That I Love YouWhere stories live. Discover now