Bawi
Zach
Naiinis ako Kay Tiana. Akala mo alam niya kung anong nangyayari saamin ni Sam. Ako din, pressure na pressure sa mga nangyayari saamin. Tapos, nag kasakit pa Si Sam?! Urgh!
"Bro..." Nagulat ako sa biglang sumulpot sa tabi ko. Umupo siya sa tabi ko. Nasa Bench ako ngayon ng school sa labas. I want to be alone. "Ikakasal na pala kayo"
"Wag ka ng dumagdag sa iisipin ko Migs"
"Di bro, we want to help you fix your problem" napatingin ako sa nag lalakad sa gilid ko. Sina Ken, Greg, Jerome, at Nate. Umupo sila sa damo at yung iba ay tumayo lang sa gilid namin.
"Bro, anong balak niyo ngayong Valentines?" Tanong ni Nate.
"Ako, mag dedate kami ni Rena" natawa kami ng batukan ni Ken Si Jerome. "Gago, ang sakit Ken!"
"Ikaw ba yung Tina tanong?!"
"Wala namang sinabing pangalan Si Nate ah?! Tayong lahat kasi ang tinatanong, tss"
"Baka mag mall kami ni Tiana" Sabi ni Ken.
"Nood sine ni Yassy" Sabi ni Greg.
"Ako, baka mag out of town Nina Gaby" Sabi ni Nate.
"Ako, wala! Single ako!" Masayang Sabi ni Migs.
"Ikaw Zach?!"
"Wala. Sa bahay?"
"Gago ka ba?! Hindi mo man lang ba isusurprise girlfriend mo? Malapit na kayong ikasal tapos wala kang gagawin ngayong last Valentines niyo as mag girlfriend at boyfriend. Tss" naiinis na Sabi ni Ken.
"Alam niyo. Imbes na mag date tayo ng hiwahiwalay. Let's make it a Group Date!" Masayang Sabi ni Greg. "Right?"
"Oo nga! I surprise natin mga girls. Ano, game kayo guys?"
"Sige Sige!" Sabi nilang lahat. Tumango nalang ako. Sa totoo niyan, wala talaga akong plano sa Valentines namin ni Sam. Hindi ko pa naman nararanasang mag surprise sa isang babae! We never even celebrated Valentines nung kami pa ni Iya dahil puro siya Mall, Shopping, Sine, at kung Ano Ano pa.
***
Nag daan ang ilang araw na exam lang ang pinag aabalahan namin. May mga plano narin kami ng mga boys at ang plano namin ay Hindi magpakita o pansinin ang mga girls para wala silang alam. This day is our last day of our exam. At, madalas nakikita Kong kasama ng mga girls Si Bryan Pero pinipigilan lang namin ang mga sarili naming sumabog dahil sa selos. Kasi, alam naming sa huli, saamin ang bagsak nila.
After the exam. Hindi na kami sa canteen dumeretsyo kundi sa bahay ni Ken. Duon kami mag paplano.
"Guys, anong susuutin niyo?" Nag aayos ng pagkain Si Ken. Siya ang taga plano ng food na kakainin namin.
"Tuxedo tayo" Sabi ni Greg habang pumipili ng music na gagamitin namin. Siya ang sounds.
"Bukas ah. 6:00 pm sa **** Restaurant." Sabi naman ni Nate habang may kausap sa phone. Siya ang mag iisip kung saang resto kami kakain. "Text niyo na bukas ang girls"
"Zach. Anong gift mo Kay Sam?"
"Basta. Surprise"
"Weh?! Sige, see you to tomorrow. Oh guys. Be gentlemen, kayo bukas mag susundo sa mga girls!" Paalala ni Jerome.
"Oo naman" Sabi namin. Pagkatapos naming mag plano ay pumunta ako sa mall para bumili ng gift Kay Sam. Nag libot libot ako at nakita ko ang ring with necklace Kaya pumasok ako at binili yun. May diamond na maliit sa gitna yung silver na ring. Hiwalay ko yung ring at pinalagay ko sa red na box. Yung necklace lang ang ibibigay ko. I want to give her the ring siguro sa susunod.
Kinabukasan ay nag text na kami sa mga girls. Naka suot na kami ng tuxedo. Black sila at ako lang ang white. Malay ko bang mag bablack sila?! Tss. Nakaupo kami dito sa gutter ng parking ng resto at sabay kaming nag text sa mga girls.
Zach:
Sam. Sunduin kita sainyo. I have something to tell you.Sam:
Sige lang Zach.Zach:
Mga 6:30 sunduin na kita. Wear something white, please?Sam:
I can imagine you pouting and its so cute. Fine, something white. I'll see you later. Love you.Zach:
Love you too, see you there."Ano guys, nag reply na ba sila?" Tanong ni Nate habang nakatutok sa phone.
"Susunduin ko na siya" tumayo Si Greg at pinatunog ang alarm ng kotse niya. Tumayo narin kami at sumakay na sa kanta kanyang kotse.
Yassy
Kakatext lang sakin ni Greg. Susunduin niya raw ako dahil may sasabihin siya. Ewan ko duon. Naligo nalang ako at nag suot ng cocktail dress na light purple at nag ayos ng buhok. Konting make up at nag pabango na. Nag suot ako ng wedge na heels. Bumaba ako at nakita ko si Greg, naka tuxedo siya na black. Nilalaro yung susi ng kotse.
"Greg?" Tumayo siya sa sofa at humarap sakin. Niyakap niya ako ng mahigpit. Bakit parang biglang naging sweet itong mokong na to?! Humarap siya at tinignan ako.
"You look very pretty" inabot niya sakin yung bouquet of flowers na color red. Nilahad niya yung braso niya at lumabas kami. He open the car door for me Kaya sumakay nalang ako. Ano kayang pakulo nanamn nitong lalaking ito?!
Gaby
Bigla nalang akong naka receive ng text Kay Nate. Susunduin niya ako dito sa bahay. Nag suot ako ng dress na simple lang, color red at nag make up tapos nag pabango. Kinuha ko yung purse ko at bumaba. Duon, nakita ko siyang nakatux. Lumapit ako at hinalikan siya sa pisngi.
"Hi Nate"
"Hi Gaby. So, ready ka na?"
"Yup!" Hinatid niya na ako sa kotse niya at nag Simula na kaming pumunta sa..... Saan NGA ba?! Tss. I smell something fishy!
Tiana
Kakareceive ko lang ng text galing Kay Ken. Ewan ko ba?! Sabi niya, mag handa raw ako ng magandang isusuot ko mamaya. Kaya ito ako ngayon, naka suot ng yellow na simple dress, tapos naka sandals at make up. Nag pabango ako. Wow!
Maya-maya ay dumating na siya. Wow, good looking ang Kenneth ko... Este ang kaibigan ko. Ano bang pinag sasabi mo?! Humalik sakin Si Ken sa pisngi.
"You look beautiful Tiana."
"Ikaw din naman. Ang gwapo mo, este! Ang-" natigil ako ng halikan niya ako sa lips. Just a peck lang naman Pero, kung Maka react ang puso ko. Parang sasabog. Ano ba tong Si Ken!
"Wag mo ng bawiin. Lumabas na mula sa bibig mo, gwapo ang mahal mo"
"Che! Umalis na nga tayo!"
Umalis na kami at sumakay sa loob ng kotse niya. Tahimik kami sa loob at feeling ko, namumula na sa kilig yung mukha ko. Bakit ba kasi may pa kiss pang nalalaman tong Si Ken! Pero infernes, parang effective ang mga sweet sweet effect niya ah?! Eiiii, kinikilig ako Grabe!
YOU ARE READING
I Hate That I Love You
Teen FictionSamantha Miralles. May boyfriend na ang pangalan ay Si Nate Vallarta. May mga kaibigang sobrang kukulit. Sina Rena, Tiana, Gaby, Yassy, Ken, Greg, at Jerome. Mahal niya ang mga ito. At kasundo niya. Pero, gumulo ang Squad nila ng dumating ang bad bo...