Fights
Sam
Its been a month. Kasama ko na lagi Si Zach sa school lagi. Kabarkada na namin si Migs. Silang dalawa ni Jerome ang nagkakasundo. Nag lalakad kami Nina Rena, Ken, Greg, Jerome, Migs, Tiana, at Yassy papunta sa canteen. Wala pa kanina Si Zach. Di ko alam kung saan nag punta.
"Saan Si Zach?" Tanong ko Kay Migs. Tinignan niya ako at nag kibit balikat.
"Ayun oh" turo ni Greg sa harap namin. Tinignan ko siya at nakita ko si Zach na may kaakbay na babae. These past few days, lagi na siyang may kasamang babae. Lumalabas na ang mga tunay na kulay niya. Kumunot ang noo ko at sumugod.
"Oh. Ow, here comes trouble" Sabi ni Ken.
Ilang beses ko nang pinag sabihan Si Zach na NO GIRLS AT SCHOOL dahil lagi siyang nasasabak sa mga gulo. Nasasapak siya ng mga lalaki dahil nilalandi niya yung girlfriend nila. Sino ba namang Hindi magagalit?! Kaibigan namin siya Kaya may karapatan kaming pigilan siya sa mga gagawin niya. Nag tatawanan pa sila ng makita ko. Hinatak ko si Zach papalayo duon sa babae Kaya nagulat siya.
"Sam?!" Sabi niya. Inalis niya yung kamay ko at lumayo sakin. "What now?!"
"Ikaw! Hindi ka pa natuto sa mga pambubugbog sayo noh?! Last week lang, bugbog sarado ka!" May band aid pa siya sa kilay niya at may pasa sa mukha. Hindi La nga siya nakakarecover eh, nag hahanap nanaman siya ng gulo?! Tss! Kami ang na aagrabyado sakanya eh.
"Sanay na ako sakanila, so stop bothering us!" Sigaw niya. Lalapit na sana siya sa babae Pero sinabunutan ko si Zach papaatras Kaya napahawak siya sa buhok niya. "Aray! Aray! Sam!" Angal niya.
Dinala ko siya sa labas ng school at tsaka ko palang siya binitawan. Nakakunot ang noo niya saakin habang hawak hawak yung buhok niya. Sumunod ang mga mokong at nanonood lang. Umirap ako sakanila ng makita Kong Nakangisi sila.
"What the fuck Sam?! Ang sakit!" Sabi ni Zach. Umirap ako at nag pamaywang.
"Oh shut up! Anong mas masakit?! Yung sabunot ko o yung pambubugbog sayo?" Tumingkayad ako para makita siya ng maayos. "Tigilan mo na yang pambababae mo! Kami na aagrabyado sayo eh!"
"Edi wag mo akong pansinin! A aagrabyado pala ikaw eh, edi wag mo akong pansinin!"
"Tama na yan guys" saway ni Ken. Hindi ko siya pinakingan at nakaharap lang ako Kay Zach. Naiinis na ako sakanya.
"Sa susunod na makita kitang may kasamang babae, talagang lagot ka sakin!" Banta ko habang nakatitig sakanya. Lumapit siya saakin ng malapit Kaya tumingin ako sa malayo. "Ano?!"
"Bakit? Selos ka? Ayaw mong may kasama akong ibang babae?" Ngumiti siya ng paloko Kaya sinampal ko siya. Nagulat siya Kaya napaatras siya. "What the hell is that for?"
"Ang kapal mo! Ano akala mo sakain, Cheap Girl?! Na mag kakagusto sayo? Excuse me!" Sabi ko. Nag igting yung panga niya kaya umirap ako. Inis na siya sakin. Well, inis na inis rin ako sakanya.
"So parang sinabi mong Cheap ako! Wow! Kung Maka react ka kasi, akala mo tayo!" Napatingin ako sakanya ng diretsyo. Ano raw?! "Bakit? Girlfriend ba kita! Kung makaasta ka kasi daig mo pa Si Nikki kung mag selos!"
"Hindi ako nag seselos!" Sigaw ko. Naiiyak ako sa inis. Na iinis ako sayo Zachary! Huminga ako ng malalim at pinunasan yung luha Kong tumulo.
"Awww! Bakit ka umiiyak? Nasaktan ka? Wag ka kasing assuming! Hindi naman kita girlfriend Kaya wag kang mag selos!" Sigaw niya. Lalong tumulo yung luha ko sa inis. Ganun ba tingin niya?! Ganun ba ginagawa mo? Nag seselos ba nga ako? Parang, Hindi naman ah!
"Concern lang ako! Kaibigan kita Kaya may karapatan akong mag react ng ganito!" Naiiyak Kong Sabi sakanya.
"Kaibigan?! Okay, let's say na ginagawa mo ito as a friend. Pero, sa mata ng iba. You look like a jealous girlfriend. Eh, Hindi naman kita girlfriend?!" Natatawa niyang sabi. Nasaktan ako duon. Kaines siya!
"Okay! Fine! Hindi mo ako girlfriend, Sige! Pababayaan kita! Gawin mo lahat ng gusto mo! Magpaka sasa ka sa mga babae mo! Pero, wag kang pupunta sa bahay ko pag nabugbog ka ng mga lalaki ah! I hate you Zachary Domingo!" Umalis ako at tumalikod. Pinunasan ko yung mukha ko at nilagpasan sina Rena.
"Zach! Ikaw!" Yun nalang ang narinig ko mula sa mga kaibigan ko. Pag sasabihin nila Si Zach. Well, ayoko ng makisali. I've heard enough of him. Kung ayaw niya saakin, EDI ayaw ko rin sakanya! Kwits lang kami!
Umupo ako sa bench sa gilid ng locker. Duon ako umiyak. Wala ng tao sa hallways Kaya tahimik. Umupo lang ako duon at humagulgol. Naiinis ako Kay Zach. Lagi nalang ganito ang nangyayari pag wala siya sa tabi ko. Pinunasan ko yung luha ko ng makita na tumatawag Si Rena. Hindi ko yun sinagot. Alam kong kukulitin nila akong makipag ayos Kay Zach.
"Sam.." Nagulat ako sa nag salita. Akala ko si Zach na Pero. Nagulat ako ng Si Nate ang nasa gilid ko. Umupo siya sa gilid ko kaya Natahimik ako. Its been a long Time nung last na kita namin. Hindi maganda ang last na pagkikita namin.
"Nate, kamusta na?" Tanong ko habang pinupunasan yung luha ko.
"I'm good. Ikaw?"
"Okay lang din." I tried to keep my normal voice. Baka mag taka siya kung bakit ako umiiyak.
"Why are you crying? Did he hurt you?" Malambing niyang Tanong. Tinignan ko siya at umiling.
"No, we jut had an argument. But were fine" Sabi ko. Ngumiti siya sakin at tumango. "By the way, musta kayo ni Gaby?" Nagulat siya sa Tanong ko. Matagal ko na silang pinagbigyan at pinatawad. Pero, nandito parin ang sakit sa puso ko.
"Were fine actually. Pumunta kaming Tagaytay para makapag isip isip. I'm sorry Sam sa nangyari last time, I'm sorry I didn't tell you-"
"Its okay Nate. Matagal ko na kayong napatawad. I'm trying to forget about it" masaya Kong Sabi Kaya tumango siya. I'm glad na, friends parin kami pagkatapos ng nangyari. I want to have them back sa Squad. "Balik na kayo saamin!" Siniko ko siya.
"Oo, bukas. Ngayon ay medyo kakalma muna kami ni Gaby." Nakangiti niyang sabi. Niyakap ko siya dahil na miss ko rin siya. Pati Si Gaby ay namiss ko. Niyakap niya ako pabalik at Sht, I missed it. I miss him around me. "I've missed you" bulong niya.
"I've missed you too" Sabi ko. Bago pa ako makangiti ng todo, biglang may humatak sakin Kaya nakakawala ako Kay Nate at siya naman ay tumalsik sa sahig. Napanganga ako. "Nate!" Sigaw ko at tinulungan siyang makatayo. "What the fuck Zach!"
"Halika na Sam. Were going home!" Hinatak niya ako papatayo at nilagay sa likod niya. Pumalag ako at kumunot ang noo. "Sam. Don't be stubborn!"
"Fuck you Zach! Wag no akong pakielaman!" Sigaw ko. Tinignan ko si Nate na may sugat sa bibig. Hinatak ako ni Nate ng papalayo at sinuntok Si Zach. Umilag Si Zach at sinuntok Si Nate. Sinuntok pabalik niya si Zach. Nakanganga lang ako.
"Asshole! Lumayo ka Kay Sam!" Sigaw ni Zach habang sinusuntok Si Nate.
"Lumayo ka narin sakanya! She doesn't deserve you!" Bugbog na bugbog na silang dalawa. Pinigilan ko sila at tumigil sila.
"Stop! Guys, no!" Sabi ko kasi aamba pa ng suntok Si Nate. "Sshhhh! Nate, thank you. I'm sorry, umalis ka na" Sabi ko. Umalis Si Nate at hinarap ko si Zach. Hinatak ko siya papunta sa labas ng school. Pumunta kaming parking. Sumakay siya at sumakay ako. "Umuwi tayo saamin" utos ko.
Umuwi kami at tinext Si Rena na iexcuse kami ni Zach sa school. Pagkauwi namin, walang tao sa loob Kaya pwede Kong pagalitan Si Zach.
YOU ARE READING
I Hate That I Love You
Teen FictionSamantha Miralles. May boyfriend na ang pangalan ay Si Nate Vallarta. May mga kaibigang sobrang kukulit. Sina Rena, Tiana, Gaby, Yassy, Ken, Greg, at Jerome. Mahal niya ang mga ito. At kasundo niya. Pero, gumulo ang Squad nila ng dumating ang bad bo...