Chapter 13

6 0 0
                                    

Bestfriend

Sam

Nakabalik na si Nate. Back to normal kami. Minsan ay nakikita ko si Zach na nakaakbay Kay Nikki. Sila na. Sabi ni Nate ay masaya sila ni Nikki at Mukhang mag tatagal. Nandito kami sa room at nag kwkwentuhan.






"Uy Nate, Sabi mo mag dedate kayo ni Sam sa Quezon? Baka naman pwede kaming sumingit!" Siniko ni Ken Si Nate.






"Sure! Bukas tayo umalis" Sabi ni Nate habang nakatingin sa phone niya. He seems so cold today. May time pa na lagi niyang chinecheck ang phone niya at pag nag ring at aalis siya para makausap ito. May time pa na nakangiti siya na mag isa habang nakatingin sa phone niya. Madalas ay aalis siya at Hindi niya sinasabi saamin.

He seems so out today. Malapit na ang monthsary namin, nag iisip ako ng kung anong pwede Kong surprise sakanya. Pagkatapos ng klase ay sumama Si Rena saakin sa mall. Mag hahanap ako ng gift Kay Nate sa monthsary namin. Siya naman ay may bibilhin lang.


"Ano kayang pwede Kong iregalo Kay Nate?" Kanina pa kami ikot ng ikot Pero wala pa kaming nabibili.






"Watch nalang" Tinignan niya ako at nag taas ng kilay. "Watch. Lagi kasi siyang nakatitig sa orasan niya" inis na Sabi ni Rena. Tumango ako at pumunta sa loob ng Department Store ng Rob.






"Tama ka Jan Rena. Ilang araw nang parang ang cold niya, lagi siyang aligaga. Something's up to him" nag isip ako ng rason pero wala talaga.






"Natanong mo na ba siya? Baka may family problem lang siya?"






"Hindi eh" umiling ako. "Pati, lagi siyang ngumingiti na mag isa? Pati, laging may ka-text"






"Baka may kinikita na yang boyfriend mo! Tsk tsk tsk, naku Sam! Bantayan mo yang boyfriend mo!"

Oo nga noh! May point Si Rena. Paano Kaya kung may iba na siyang kinikita? Paano niya yun nagawa sakin? Paano ako? Hindi ko pa na coconfirm, parang dinudurog na puso ko. Nakabili na kami ng watch. Pagkatapos ay umuwi na kami ni Rena.

***


Nasa Quezon na kami. Medyo mahaba ang biyahe Kaya nakatulog kami ni Rena. Pagkagising namin ay agad kaming lumabas ng kotse at tumakbo sa kubo malapit sa dagat. Nilagay namin duon yung mga pagkain at kung ano ano pa.


"Nate, nasan bag ko?" Tanong ko Kay Nate. Binigay niya sakin yung bag ko at ngumiti. "Thanks! Bihis na kami ng mga girls!"





"Wohoo!" Sigaw ni Gaby sabay akbay Kay Yassy. Tumakbo kami ni Rena sa CR at sa kabilang CR sina Gaby at Tiana. Si Yassy ay sa kabila naman.

Nag two piece ako at nag patong ng rash guard na color blue. Naka bikini lang ako. Lumabas sina Yassy na naka two piece. Si Rena ay nag rash guard at naka bikini na black. Habang ako ay puti na bikini.

Tumakbo ako papunta na sa dagat. Nakita namin na nag stay sa kubo Si Jerome. Mamaya raw siya mag swswimming. Nanduon na sina Ken, Greg at Nate. Nag lalaro. Pagka lublob ko ay babalik sana ako para kunin yung sunblock ko Pero, hinatak ako ni Nate pabalik sa tubig.



"Ahhhh!" Sigaw ko. Dinala niya ako sa dagat at lublob ako habang siya ay hawak hawak yung baywang ko sa ilalim ng tubig.






"G-g-ginigina-a-aw ako N-Nate!" Sabi ko habang nakakapit sa balikat niya. Umihip ang malamig na hangin Kaya nanginig ako.
Hinalikan niya ako ng matagal Kaya Hindi na nanginig yung baba ko. Napapikit ako ng hinahalikan niya ako. Tumigil ako at hinawakan yung labi niya. "I love you"





I Hate That I Love YouWhere stories live. Discover now