Chapter 7

5 0 0
                                    

I Am Leaving......

Zach

Umuwi ako agad at Sht! I smell like a fucking pig! Bumaba ako ng padabog sa kotse ko at pumasok sa loob ng bahay. Hinubad ko yung sando at shorts ko pagdating sa taas. Dumeretsyo ako ng CR at naligo ng matagal.

"I fucking hate you Sam. Kung siguro, Hindi ka girlfriend ng kaibigan ko. Baka napatulan na kita" Sabi ko habang kinukuskos yung ulo Kong may shampoo.

Ng matapos akong maligo ay lumabas ako ng banyo ay agad na nag bihis. Bumaba ako at nakita Kong nanduon padin yung damit ko. Pinulot ko yun at nilagay sa washing machine. Nilagyan ko ng sabon at tsaka ko pinindot yung on para malambahan na.

Lilinisin ko yung loob ng kotse ko. Pinunasan ko at nag spray ng pabango ko. Napatigil ako ng makita ko sa lapag yung panyo ni Sam. Color pink siya na stripes. Pinulot ko yun at tinignan.

"What can I do to make you notice me?" Inamoy ko yun at napapikit sa bango. "Ang bango mo pala Sam" Sabi ko.

Sinarado ko yung kotse ko at pumasok sa loob ng bahay. Umupo ako duon at nanood ng movie. Maya-maya ay narinig Kong nag ring yung phone ko kaya tinignan ko.


"Migs, Ano na?" Tanong ko sa pinsan ko.


"Jan kami mag sestay ni Carlo sa bahay mo ah? Tutal, wala naman sina Tita"


"Sure. On the way na kayo?"


"Nanjan na" napatingin ako sa pumarada na Bugatti na pula. Lumabas ako at inend yung tawag namin. Lumabas siya. Naka jacket na black, white shirt with jeans na red. Naka cap siya na blue at may dalang bag. Lumapit ako sakanya at nag apir.


"Bro!" Sabi niya sabay apir at yakap sakin.


"Pre...." Sabi ko. Tinignan ko yung lumabas sa kabilang side. Si Carlo, naka shirt na grey, brown jeans, naka Nike shoes at naka shades. Naka taas ang buhok niya. Lumapit siya saamin at nakipag apir saakin.



"Kuya..." Sabi niya.



"Bro..." Tumango ako at tinignan sila. "Pasok na" Sabi ko sabay buhay sa bags nila. Pumasok sila at Napa whistle si Carlo habang tinitignan yung bahay namin. Umakyat ako sa taas at iniwan sila. Sa kabilang room Si Migs at sa guest room naman si Carlo. Bumaba ako at tinignan sila.


"Ang laki pala ng bahay niyo Kuya Zach" komento ni Carlo sabay taas ng paa sa sofa. Pumunta ako ng kusina para makapag handa ng meryenda na sandwich at kape.



"Bukas, samahan mo akong mag enroll sa school niyo ah!" Sabi ni Migs. Tinignan ko siya at ulit, nilagyan ko ng palaman yung bread nila. Ng matapos ay nilapag ko sa center table at inalok sila.



"Ikaw Carlo, paano ka?" Tanong ko. Tinaas ko sa center table yung paa ko habang kumakain ng tinapay. Tinignan ko siya at nag cross legs siya.



"Sembreak, next year pa balik ko ng school" sumipsip siya sa kape niya at kumagat sa tinapay. Tinignan ko naman si Migs na seryoso ang titig sa TV.



"Bukas. Mga 6 am. Alis tayo" napatingin siya saakin at nag taas ng kilay. "Enroll"



"Ah! Oo. Iwan Si Carlo?" Turo niya sa kapatid niyang nag cecellphone. Umiling ako at sumipsip sa kape ko. "Alright! Pagkatapos, mall tayo"



"Babae ka ba?! Anong gagawin mo sa mall?" Binatukan siya ng kapatid niya kaya napahawak siya Sa batok.



"Malamang! Pagkain! Tapos, damit! Ano, wala kang susuutin sa pang araw araw mo dito?!" Umiling siya at kinagat yung tinapay niya.



"Akala ko naman, nababading na Kuya ko." Sabi ni Carlo sabay iwas sa kurot ng kuya niya sa tagiliran. Natawa ako at umiling nalang sakanila. Mga loko!

Maya-maya ay may tumawag saakin Kaya natigil kami nina Migs at Carlo sa pagtawa. Sinagot ko yun kasi nakita Kong Si Nate yun. He's been off this day.




"Pre, musta?"




"Can you meet me sa Vpass? Ngayon na"





"Sure. I'll...... Just wait" Sabi ko.


***



Iniwan ko sa bahay sina Migs at Carlo. Pagod sa biyahe Kaya ayun, tulog. Lumibot ako sa Vpass pagkatapos Kong mag park sa Puregold. Tinawagan ko si Nate para tanungin kung saan na ba siya?




"Nate, nasan ka? Nasa harap ako ng Puregold?"





"Sa Starbucks, sa harap ng McDo"





"Sige" Sabi ko. Agad akong umakyat sa escalator at lumiko sa kanan. Tinignan ko mula sa loob at nakita ko duon Si Nate, nakaupo sa mga tall chairs at umiinom ng Frap. Pumasok ako at pinuntahan siya. Umupo ako sa tabi niya at Tinignan siya.




"Bakit mo ako pinapunta dito?" Tanong ko.





"May request sana ako sayo, bago ako umalis" Sabi niya. "And its about Sam"

Napaigting ang panga ko ng marinig ko ang pangalan ng babaeng iyon. Now what about her? Paliliguan ko rin ba siya ng toyo at suka?! Kagaya ng pinagawa niya saakin?




"Oh, nandito na pala siya!" Masayang Sabi niya. Nakita ko sa entrance Si Sam. Naka shorts na Nike at naka racerback na black. May suot siyang jacket na black Pero, kita ang chan niyang medyo maputi. May hawak siyang Gatorade na blue at may towel na pink na nakasabit sa leeg niya. Naka pony na buo siya at mukhang pawis na pawis. She is hot, pag pawis.




"I got the call..." Hinalikan niya sa pisngi Si Nate. "What's up?" Umupo siya sa likod ni Nate at tinitigan ako. Kumaway ako ng mapansin niyang nandito pala ako. Nanlaki ang mata niya sakin at tinignan Si Nate.





"B-bakit siya nandito?" Turo saakin ni Sam. Obviously, kaibigan ako ni Nate? Tss, what a bunch of crap Sam.





"I called him. Besides, Alam niya ang tungkol sa pagalis ko" umupo ng maayos Si Nate and he cleared his throat. "Guys...." Tinitigan niya ako at Si Sam. "I am leaving tomorrow"





"WHAT?!" sigaw namin ni Sam. Napatingin yung mga tao saamin Kaya umubo ako at umupo ng maayos. "Bukas na agad?!"





"Napa bilis ang papeles?" Tanong ni Sam.





"Yeah. Bukas na, mga 9am ang alis ng eroplano. My mom and dad is waiting for me there so by the next day ng 10 ng umaga. Nakalapag na ang eroplano, don't worry. I'll text you pag nanduon na ako" Tinignan niya si Sam. Tumango Si Sam at hinawakan yung kamay ni Nate. Napatitig ako Kay Sam at duon sa inentertwined niyang kamay nila ni Nate.





"Be safe there. Walang mag aalaga sayo duon habang wala ako sa tabi mo!" Hinalikan ni Sam yung noo ni Nate. "Make sure na maaalagaan mo ang sarili mo duon" bilin ni Sam sa boyfriend niya.

Ouch, I missed mom. Ganyan siya dati sakin pag aalis ako ng bahay. Ngayong nasa America narin sila, I feel so lonely. Nasanay na akong wala sila sa tabi ko.




"Don't worry Sam. Isang buwan lang naman ako duon, pag nakabalik ako. I promise... Yayayain kitang mag date tayo sa Quezon City, Dalampasigan"





"Really? Mag swswimming tayo?! Sige, hihintayin kitang nakabalik!" Niyakap niya si Nate at napatitig nalang ako. Tinignan ako ni Sam at nag dirty finger sabay mouth ng fuck you sakin. Napairap ako at umiling. 

I Hate That I Love YouWhere stories live. Discover now