Iwas
Sam
Its been 2 weeks at Hindi pa nagpapakita Si Zach. Pati ang pinsan niyang sinabi niyang nag enroll dito ay Hindi ko pa nakikita. Ewan ko ba?! Back to normal kaming lahat. Nakalimutan narin namin yung nangyari sa Robinson nung last time. Madalas kami ay lumalabas pag weekdays dahil pag nasa bahay ako, laging nanduon Si Kuya John para mag patulog Kay Kuya Ben ng school works. Nakaka OP sila eh. Ngayon, may practice game sina Kuya Kaya nanonood kaming tropa.
"Galing ng Kuya mo sa Basketball, Sam!" Masyadong maingay ang mga babaeng nandito sa gilid namin Kaya sumisigaw Si Tiana saakin. Oo, crush niya si Kuya.
"Oo nga! Kahit busy yan sa mga gig niya sa pagiging DJ, nakakapag practice parin yan ng laro sa court namin duon sa bahay!" Sabi ko sabay tingin sa court. Nag dribble Si Kuya ng bola at shinoot yun. Three points.
"GO KUYA!" sigaw ko.
"GO BEN!" sigaw ni Tiana Kaya napatingin ako sakanya. Nag taas lang siya ng kilay.
Pagkatapos ng practice game ay dumeretsyo kami sa canteen. Duon kami nag usap usap na tungkol Kay Kuya at Tiana. Inaasar nanaman ni Ken at Greg Si Tiana Kay Kuya.
"Nakanang! Lumalove life oh!" Siko ni Ken Kay Tiana. Katabi ko si Rena at tahimik lang siya habang nag phophone.
"Bagay kayo ni Ben!" Sabi ni Greg.
"Tumigil na nga kayo! Pag kayo, nag karoon ng mga love life. Mararamdaman niyo rin ang nararamdaman namin, tiba Rena at Sam?"
Tumango ako at siniko Si Rena. Tumingin siya Kay Ken at umirap. "Ikaw kasi Ken, mag hanap ka ng babae!" Sigaw ni Rena.
"Ayoko! Sila ang lumapit saakin. Ano sila, swerte?" Inis na Sabi ni Ken.
Kumain lang kami ng may kasamang tawanan. Minsan, napapatingin ako sa mga kakilala ko kaya kumakaway ako. Pero, ng mahagip ng mata ko ang isang lalaking naka tayo at nakapila. Napatitig ako. Nakatingin siya sa kaliwa niya at seryoso ang mukha. Naka white polo siya, with black jeans, naka black sneakers at may bracelet na spikes. Tumangkad siya lalo. Yung buhok niyang color black dati, ngayon ay may goldish brown at nakataas. Clean cut sa gilid Pero, mahaban sa taas. May hikaw siyang black na circle. Nag bago siya. Hindi na siya naka jacket lagi at shades. He looks so charming now.
"Guys... Guys...." Tinapik ko yung balikat ni Rena. Tinuro ko yung lalaking nakapila. "Is that Zach?"
"Saan?" Napatingin silang lahat sa tinuro ko. Naka pamulsa siya at nung siya na, humakabang siya sa harap niya ang nag order. Tinignan ko si Rena at Ken. Nakatitig lang sila Kay Zach at parang inaabangan kung anong mga galaw niya. Tinignan ko si Zach at nakita kong may sumalubong sakanya na lalaki. Wait, nag bago na rin siya?! Si Migs na dati ay Mukhang play boy ay katulad narin ng pinsan niya. Mag kasing tangkad sila ni Zach, naka polo na black with white jeans at naka black na sneakers. Yung gupit niya na mahaba dati ay pinaikli na ngayon. Naka taas ang buhok niyang dark brown. Hinila niya si Zach sa table nila.
"Sht! Mas lalong gumwapo sina Zach at Migs!" Kinikilig na Sabi ni Gaby. Umupo kami ng maayos.
"Ano kayang ginawa nila nung mga past few days?" Tanong ni Rena.
"Ewan ko. Baka nag beach?" Sabi ni Greg.
"Mukhang maayos na ang itsura niya ngayon! Hindi na Mukhang gago! Mukhang prinsipe na eh" komento ni Ken sabay sulyap Kay Zach sa likod namin. Napatingin ako at nakita ko silang kumakain at nag tatawanan sa table nila.
YOU ARE READING
I Hate That I Love You
Teen FictionSamantha Miralles. May boyfriend na ang pangalan ay Si Nate Vallarta. May mga kaibigang sobrang kukulit. Sina Rena, Tiana, Gaby, Yassy, Ken, Greg, at Jerome. Mahal niya ang mga ito. At kasundo niya. Pero, gumulo ang Squad nila ng dumating ang bad bo...