Stop This
Sam
Pagkauwi namin, agad Kong pinaupo Si Zach sa upuan. Kumuha ako ng first aid kit sa kitchen. Nakita ko si yaya na nasa likod at nag lalaba. Nagulat siya sa pagdating ko.
"Anak ng tokwa!" Nahulog yung damit na hawak ni yaya. "Ikaw naman Sam! Nanggugulat ka! Bakit ang aga mo? Kuya mo, kasabay mo?!"
"Hindi po. Yaya, may kaibigan akong dala. Bugbog sarado ng ex ko. Can you please prepare some juice or cookies na pwede niyang kainin?" Sabi ko habang binubuksan yung kit.
"Sige Sige. Tatapusin ko lang ito" nilagay niya sa hanger yung damit at sinabit sa sampayan. Tumango ako at pumunta Kay Zach. Nakita Kong pinupunasan niya ng thumb niya yung bibig niyang may dugo. Agad Kong nilayo yun sa bibig niya kaya napatingin siya saakin. "Don't do that"
Nilayo niya yung kamay niya sa kamay ko at tumingin sa malayo. Umupo ako sa gilid niya at hinarap siya sakin. Nilagyan ko ng betadine yung bulak at dinampi sa labi niya. Nilayo niya yung mukha niya dahil sa sakit. "Shh.. Wag kang malikot"
Dinampi ko ulit at tinignan yung sugat niya. "Ikaw, puro nalang gulo ang habol mo noh?" Inis Kong Sabi habang ginagamit siya.
"Bakit mo kayakap yung gagong iyon?" Nagulat ako sa pag seryoso ng boses niya.
"We were talking about Gaby-"
"Bakit mo nga siya kayakap? Hindi ko tinatanong kung anong pinag usapan niyo? Bakit mo. Kayakap. Si. Nate?" Bumagsak yung kamay ko at napairap sakanya. Nag taas lang siya ng kilay at nag hihintay ng sagot.
"Bakit Karin concern saakin? Akala ko ba you hate me?! Na wala akong karapatang mag selos? Eh Bakit ngayon parang Ikaw naman ang nag seselos sa ex ko?"
Napanganga siya sa sinabi ko. Ngumisi ako at nilagyan ng gamot yung pisngi niyang may sugat. Natahimik kami ng sandali, kundi lang dumating Si Yaya.
"Ito na yung juice Sam." Nilapag ni yaya yung juice at cookies sa center table. Tinignan ko siya at tumango. "Boyfriend mo?" Nasamid ako ng laway sa sinabi ni yaya.
"Yaya. Kaklase" iiling iling kong Sabi. Tumango lang siya at umalis. Nakita Kong Nakangisi ang loko habang ginagamot ko kaya diniinan ko ng bulak.
"Ouch!" Sabi niya.
"Ikaw! Ngingisi ngisi ka Jan. Ang kapal mo noh?" Nilagyan ko na ng band aid yung bibig niya, pisngi at kilay. Tumayo ako at Kumuha ng cookies. Napatigil ako ng bigla akong hinatak papaupo ni Zach, Kaya Napaupo ako sa lap niya. Nakatitig lang siya saakin at Nakangisi.
"That's mine" sinubo niya yung cookies na hawak ko at kinain. "Sarap" tumalsik pa yung iba Kaya Napa punas ako sa damit ko.
"Bastos!" Angal ko. Kumuha pa ako at sinubo yun. Tinignan ko siya at nakita Kong nakakunot noo siya. "Bakit?"
"You ate my cookies!" Angal niya. Sinubuan ko siya at sinupalpal Kaya Natahimik siya. "Argh!" Hindi siya makapag salita. Puno ng dalawang cookies ang bibig niya.
"Ayan! Ang damot mo!" Tumayo ako at pumunta sa kusina. Kukuha ako ng cookies ko at Hindi ko na bibiygan yung Zach na yun. Kumain ako ng mag isa sa kusina at nagulat ako ng may humawak Sa baywang ko. Hinarap niya ako at kinulong ng braso niya. Nanlaki yung mata ko at nilunok yung laman ng bibig ko.
"Can I have some?" Tinagilid niya yung ulo niya na para bang nag mamakaawa. Umiling ako at pumikit. "Why? I'm hungry"
Napalunok ako ng walang dahilan. Parang iba yung meaning niya sa 'hungry'. Pumikit ako ng mariin at nilayo yung mukha ko sakanya. I can't fall for him. No, no. Hinawakan niya yung baba ko at nilapit sa mukha niya. Dumampi ang malalambot niyang labi sa labi ko. Bakit ba ako nahulog na Tanong ito? Alam Kong Hindi pa ako nakaka move on Kay Nate at ito ako, kasama si Zach. Tumigil siya at tinignan ako.
YOU ARE READING
I Hate That I Love You
Fiksi RemajaSamantha Miralles. May boyfriend na ang pangalan ay Si Nate Vallarta. May mga kaibigang sobrang kukulit. Sina Rena, Tiana, Gaby, Yassy, Ken, Greg, at Jerome. Mahal niya ang mga ito. At kasundo niya. Pero, gumulo ang Squad nila ng dumating ang bad bo...