Love You
Sam
Kasama ko si Nate sa bahay ko. Ewan ko ba kung anong naisipan niya't pumunta siya dito. Pumupunta siya dito pag may date kami, or school works. Nakaupo kami ni Nate habang hawak hawak yung kamay ko. Nakatitig lang siya saakin habang nakatingin sa kamay Kong pinag lalaruan niya.
"Nate, Bakit ka naman nandito?"
"Well, may sasabihin ako sayo eh" tinignan niya ako at ngumiti. "Pupunta ako ng America" napatayo ako ng maayos.
"What?" Tanong ko. "Your leaving?"
"My Grandma got sick. I have to be there for her, she needs me. My family needs me"
Oo nga pala. Yung family niya ay nasa America, ang nandito ngayong kasama niya ay yung kapatid niyang Grade school palang. Tinignan ko siya at tumango. Naiintindihan ko siya, kung ako ang nasa sitwasyon niya. Ganito rin gagawin ko.
"Okay. Duon ka muna sa America, be with your Grandma. I understand naman Nate"
Niyakap niya ako at ngumiti lang ako. Inalo ko yung likod niya habang yakap yakap ko siya. "Ilang taon ka ba duon?"
"Isang buwan lang naman" Sabi niya. "Don't worry, I will call you everyday" hinalikan niya yung gilig ng ulo ko. "I love you" bulong niya.
"I love you too" sagot ko. Hinalikan niya ako ng matagal. Mamimiss ko ang malalambot niyang labi, yung mga mainit niyang yakap saakin. Pero, I have to support him. This is for his family and for his Lola. Babalik naman siya agad eh, he will always come back for me. Right?
***
Nag kukulitan nanaman ang mga kaibigan ko. Sinalubong kami Nina Ken at Greg. Inakbayan ako ni Ken at inakbayan naman ni Greg Si Nate. Nag lakad kami papunta sa hallway at nakita ko duon sina Gaby, Yassy, Tiana, at Rena.
"Hey guys!" Sabi ni Ken sabay akbay naman Kay Tiana. "So, anong ganap?"
"Rena, anong nangyari sainyo ni John kahapon?" Tanong ni Greg.
"Umm....." Yumuko Si Rena at tumingin sa malayo. Something's up and wrong. Ano kayang nangyari? Nag away Kaya sila?
"Uy, Rena okay ka lang?" Tanong ni Tiana.
Bago pa siya makasagot, nakita Kong dumaan saamin Si Angel Perez, yung schoolmate nina Kuya Ben. Tumigil siya sa harap namin at ngumiti. Maputi siya, bagsak ang buhok, makapal ang kilay at matangkad din. Naka floral skirt siya with mint green na blouse habang nakasukbit ang champagne bag niya.
"Hi Sam!" Bati niya. Kumaway ako at ngumiti. Tinignan niya sina Gaby, Yassy, Tiana at Rena. "Hi guys!"
"Bakit ka naman napadaan saamin?" Tanong ni Tiana. Tinignan siya ni Angel at ngumiti lang.
"Well, yayayain ko lang kayo na sumali sa extra curriculars natin. I'm signing up for dance, kayo? Baka gusti niyong sumali!" Tinitigan ko sina Gaby, Yassy, Tania at Rena. Nakangiti ang mga girls expect Kay Rena. Nakatitig siya sa malayo at nakayuko lang.
"Sure. Siguro, after class na kami nag sisign up, sabay na tayo" komento ni Gaby Kay Angel.
"Pero, salamat Angel sa pag Sabi saamin ah? Thank you!" Sabi ko. Tumango siya at umalis na. Mabait Si Angel. Cute at pettite siya. Tinitigan ko si Rena na nakapikit ng mariin. "Rena anong problema mo?"
"Girlfriend niya siya" napatingin kami sa sinabi ni Rena. Nag taas ako ng kilay. Kayninong girlfriend raw?
"Ano raw?" Natatawang Tanong ni Ken.
YOU ARE READING
I Hate That I Love You
Teen FictionSamantha Miralles. May boyfriend na ang pangalan ay Si Nate Vallarta. May mga kaibigang sobrang kukulit. Sina Rena, Tiana, Gaby, Yassy, Ken, Greg, at Jerome. Mahal niya ang mga ito. At kasundo niya. Pero, gumulo ang Squad nila ng dumating ang bad bo...