Chapter 23

2 0 0
                                    

My Ex, My Cousin


Pagkatapos ng klase ay agad Kong tinawagan Si Migs nung mapansin Kong busy Si Sam sa pag kwkwentuhan kayna Rena. Baka kasi nanduon na yung Iya na yun.

"Migs, nasan na si Iya? Nanjan na ba?!"

"Chill lang bro, wala pa. Istorbo ka noh?! Nanonood ako ng Resident Evil eh"


"Tss. Update mo nalang ako pag nanjan na siya. I will immediately go there and push her out of my property" diin Kong Sabi.

"Grabe ka bro! O sya, manonood na ako. Nandito na si Carlo!"

Binaba niya yung call at nilagay ko yung phone ko sa bulsa. Sakto, lumabas na sina Sam na nag tatawanan. Inakbayan ko siya. Hinalikan ko yung gilid ng ulo niya at ngumiti. "I love you Sam" bulong ko.

"I love you too Zach" sagot niya sabay ngiti. Sumakay na siya sa kotse ko ng buksan ko yung pinto para sakanya. Sumunod naman ako agad at nag seatbelt. Tinignan ko siya at nag taas ng kilay.

"Where too?" Tanong ko. I have no idea kung saan kami pupunta ngayon.

"Umuwi na tayo saamin" tumango ako at ngumiti.

***

"RJ! Nasan Si Kuya?! Wala pa?!" Yan agad ang bungad ni Sam nung pumasok siya sa loob ng bahay nila. Napapatingin ako lagi sa mga frames nila nung maliliit sila. And this house still amaze me. Ang laki, Grabe.

Pinaupo ako ni Sam sa sofa. Nilapag ko yung bag ni Sam sa gilid ko at umupo. Naka on yung TV. Halatang nanonood ng Deadpool yung kapatid niya. Tss. Baka lalaki. Nagulat ako ng bumaba Si Sam kasunod yung kapatid niyang......babae?!

Naka shorts yung babae na white with sando na loose. Kamuha niya si Sam pero, iba manamit. Akala ko lalaki pero maganda Kaya ayun, duon ko nalaman na babae. Umupo siya sa tabi ko at naka poker face. Nanood lang siya.

"Zach. Bihis lang ako sa taas. RJ!" nagulat ako sa sigaw ni Sam.

"Bakit ka ba naninigaw ate?! Nandito lang ako sa tapat mo oh! Di mo kailangan sumigaw!"

"Tss! I said, stop watching that violent movie. Pang 18 lang yan pataas!"

"Tss! I'm 17 turning 18! Pwede na ako niyan"

"I said no! Pagkababa ko, dapat Hindi ka na nanonood niyan!" At tsaka palang tumaas Si Sam pagkatapos nilang mag usap. I'm so stunned. Ganyan ba sila lagi mag usap?!

"Hoy ikaw!" Napatingin ako sa kapatid niya. "Kaano ano ka ni Ate?" Malamig niyang sabi.

"Boyfriend niya" Sabi ko sabay ngiti. "Zachary Domingo pala ako"

"Domingo? Hindi Dominguez?!" Natigil ako sa sinabi niya. Tinignan ko siya at nag taas ng kilay.

"Wait, may kakilala akong Dominguez din. Actually, may pinsan akong-"

"Kaano ano mo Si Carlo Dominguez?"

"He is my cousin"

"Weh?! I mean... Saan ba siya nakatira?" Eh? Bakit parang lumambot yung boses ni RJ? Tinignan ko siya at nakita Kong namumula ang pisngi niya. Tss, katulad talaga niya si Sam pag kinikilig.

"He lives with me"

"T-talaga?! Sa susunod ba pwedeng pumunta ako sainyo?" Tumango ako at ngumiti. Sakto pagkatapos Kong makipag usap ay bumaba na si Sam. Sa isang iglap ay inoff na ni RJ yung TV at dumeretsyo sa taas. Nag taas ng kilay Si Sam sakin

"Problema non?" Nag kibit balikat nalang ako.

Nag utos Si Sam sa yaya nila na mag luto dahil dadating na yung parents niya. Kinakabahan ako, parang may iba akong feeling. Its 4:30 at nakita Kong bumukas yung pinto at pumasok Si Benedict. Oo, kilala ko ang Kuya ni Sam. Pag may gig yan, sumasa ako para tulungan siya sa pag maayos ng music na gagamitin niya. Pero, Hindi niya Alam na ako ang boyfriend ng kapatid niya.

"Zach?!"


"Ben!" Sinalubong ko siya at nakipag apir. "Tol, musta?"


"Ayos! Naparito ka?"



"Ah kasi may imemeet-" nagulat ako ng biglang sumulpot Si Sam sa tabi ko at pumagitna saamin ni Ben.



"Kuya!" Pinagitnaan niya kami. Nag taas lang ng kilay Si Ben saamin. Tss, I was supposed to say that I'm here to meet their parents. I think, Hindi pa Alam ni Ben na girlfriend ko na ang kapatid niya. Tss.


"Sam?!"



"Kuya. Let me explain" huminga siya ng malalim. "Zachary Domingo, meet my brother Benedict Miralles. Kuya, my boyfriend"



"BOYFRIEND?!" nagulat ako sa reaction ni Ben. Tumango nalang ako at ngumiti. I'm nervous. Baka magalit sakin Si Ben.



"Yes Kuya. At, nandito siya para imeet sina mommy at daddy" mariin na Sabi ni Sam.




"I'll go get changed" yun nalang nasabi ni Ben saamin bago iwan kami at tumaas. Umupo ako sa dining table at pinanood Si Sam sa pag luluto kasama ang yaya niya.

She is perfect. Ang ganda niya kahit naka shirt na puti at shorts na blue. Naka pony siya. Ang ganda niya pag nag luluto. What?! Never mind.


"Bakit ka nakangiti Jan?" Nagulat ako ng biglang lumapit Si Sam na may hawak na sandok. Ngumiti ako at kumindat.





"Just. Admiring your angle" tumayo ako at niyakap siya ng mahigpit. "I love you Sam"






"Love you too"




***



Handa na ang dinner na hinanda ni Sam. Tumawag na ang parents niya at sinabi niyang papunta na sila. Nakaupo lang ako ngayon, katabi Si Sam na nanonood ng movie.

I'm nervous. Sht! RING!! Nagulat ako ng biglang nag ring yung phone ko. Tinignan ko kung sino. Si Migs. Tumayo muna ako at nag paalam sa Kitchen. Ayokong marinig ni Sam yung pinag uusapan namin ni Migs.






"Migs. Ano?!"






"Bro! May dapat kang malaman!"







"Ano?!" Kinakabahan ako sa kung Ano man ang sasabihin ni Migs sakin. I'm sure that this is not good.






"Alam mo bang pinsan ni Sam ang ex mo?!"






"..." What the Hell?! Really?







"At-" Hindi ko na pinatapos na mag salita Si Migs. I can't take it. Parang..... what?! The?! hell?!! Gusto Kong mag wala ngayon sa kaba. Paanong naging pinsan ni Sam Si Iyana?!





"Zach! Nandito na sina mommy!" Sht! Ito pa ang isa. Meet the parents.





A\N: Maikli ba masyado?! Sorry ah. Yan nalang nakayanan ng utak ko. Just keep on reading. Hope you like it and please enjoy.

TEEHEE! Love you all!

I Hate That I Love YouWhere stories live. Discover now