That's Nothing
Sam
Umuwi kami ng tahimik. Nakayuko parin ako sa loob ng kotse. Sa kotse na ako ni Jerome sumakay kasi, nauna ng umuwi sina Migs, Carlo at Zach. Tahimik lang sina Gaby at pati yung iba sa kotse.
"Jan raw tayo lahat sa bahay niyo. Nanduon ba Kuya mo?" Tanong sakin ni Jerome.
"Baka nanduon. Wala silang klase ngayon" yun nalang ang nasabi ko. Wala na kaming napag usapan pa sa loob ng kotse.
Pagkababa ko sa kotse ni Jerome, sumunod sina Ken at Greg pati yung iba. Ako ang unang pumasok sa loob. Bumungad sa labas namin ang kapatid Kong babae, Si Raine Jasmine Miralles.
"RJ, Kuya mo?" Tanong ko. Napatingin siya sakin at tumayo.
"Sa loob. Nag sosound trip nanaman. Tss" inis na pumasok ang kapatid Kong babae. Napatingin ako kayna Greg na sa likod ko. Mula sa labas, rinig ko yung music na pinapatugtog ni Kuya. Turn Up The Music yung kanta. "Halika na.." Sabi ni RJ.
Nakita ko sa loob sina Kuya John at Kuya Seff. Yung mga kaklase ni Kuya sa Maritime. Nakaupo Si Kuya Seff sa sofa namin habang umiinom ng beer habang Si Kuya John ay nakaupo sa sahig at nag lalaro ng Call Of Duty. Si Kuya Ben ay nakatayo habang inaayos yung music na tumutugtog.
"Kuya, nandito na si Ate" umalis na si RJ at tumaas sa kwarto niya. Nakita ko si yaya na nag peprepare ng dinner.
Lumapit ako Kay Kuya at pinalo siya sa dibdib. Napatingin Si Kuya Seff sakin at tumango. "Kuya! Nandito sina Rena!"
Napatingin Si Kuya John Kay Rena. Namula agad yung pisngi ni Rena Kaya natawa ako. "Kuya, taas lang kami"
"Kumain ka na?" Tanong niya.
"Mamaya na" Sabi ko. "Ang kalat niyo!"
"Ikaw kasi! Sabi ko sayo, magagalit siya eh" turo ni Kuya Kay Kuya Seff na kumakain ng chips sa sofa.
"Anong ako?! Yan ang ituro mo, Sabi niya siya raw mag lilinis ng kalat natin!" Sabi ni Kuya Seff sabay bato ng pirasong chips sa busy na si Kuya John. Puro kasi bote ng beer, may mga mumo pa ng chips sa sahig, naka kalat yung thropillow sa sahig at may mga balat ng pagkain sa center table at sahig. Napailing ako sa dami ng kalat nila. Si yaya kasi, nag lalaba, nag luluto, hugas pinggan, Kaya medyo occupied.
"Pag kababa ko dapat Kuya, malinis na dito! Lagi niyong inaasa yang mganitan Kay yaya! Tss..." Ako kasi ang nag lilinis ng sala, imbes na si yaya. Siya ang nag lilinis ng iba. Nagagalit ako Kay Kuya pag makalat ang sala namin. Ang pangit kasi tignan.
Umakyat kami at iniwan Si Kuya duon sa baba. Humiga sa sahig sina Greg at Ken habang Si Jerome ay umupo sa computer chair ko. Humiga naman sa kama ko si Gaby at Rena habang Si Yassy at Tiana ay nag Indian seat sa tabi Nina Ken at Greg. Sumadal lang ako sa pinto ko at nilock yun.
"Guys, kung nakita niyo man yung kanina sa Rob, that's nothing" Sabi ko.
"Kakaalis palang ni Nate, Sam. Tapos makikita ka naming nakikipag halikan duon sa gagong iyon?" Inis na Sabi ni Ken. Napayuko nalang ako sa guilt. Alam Kong galit sila sakin dahil, feeling nila ay nakikipag hook up ako Kay Zach.
"He kissed me first. He did that to shut my mouth. Kanina nga nung nag uusap kami ni Rena, Sabi niya sakin Hindi raw siya mag sasayang ng effort sakin!" Sigaw ko. I am explaining to them para Alam nila ang ginawa ni Zach sakin. "He is not my type Ken. Guys, he is not my type" Sabi ko.
YOU ARE READING
I Hate That I Love You
Teen FictionSamantha Miralles. May boyfriend na ang pangalan ay Si Nate Vallarta. May mga kaibigang sobrang kukulit. Sina Rena, Tiana, Gaby, Yassy, Ken, Greg, at Jerome. Mahal niya ang mga ito. At kasundo niya. Pero, gumulo ang Squad nila ng dumating ang bad bo...