I Love You
Zach
One year later....
Kakagaling ko lang ng office. Dumeretsyo ako sa bahay agad dahil sa pagod. May meeting pa kaming pag paplanuhan bukas. Sinalubong ako ni Migs at Carlo. Niluwagan ko yung butones ng polo ko at yung tie ko. Nilapag ko yung case ko at umupo.
"Oh, stress ka ata?" Tanong ni Migs habang nag lalaro kasama Si Carlo ng Left For Dead.
"Ang daming gagawin eh. Pero kinakaya ko naman"
"Kain kamuna" Sabi ng Yaya namin. Simula ng bumalik sa America sina mommy ay nag hanap na siya ng Yaya namin dahil Hindi naman marunong mag luto Si Migs at Carlo. Ako ay medyo lang. Tumayo ako at umupo sa dining. Menudo ang ulam.
"Tulog na po ako" Sabi ko pagkatapos Kong kumain. Tumango lang sila sakin at umakyat na ako sa room. Nag pahinga muna ako ng sandali tapos ay naligo na ako.
Humiga ako at inopen yung phone ko. Pumunta ako sa Gallery at sa Album namin ni Sam.
"I love you baby"
"Plans for our wedding baby"
"Of course mom I want to marry Zach"
"Zach, sure ka na ba?! I mean, really. Kasal na agad iniisip mo?"
"Tiba Sabi ko I can make your wedding happen? Remember? So, here I am. Planing the things for our near future. At don't worry Sam, I'll make sure you'll have your dream wedding. I love you baby"
"I love you to Zach"
"Happy Valentines Day Zach"
"Hoy Domingo! Ang kapal mong mag hanap ng iba! Malapit na tayong ikasal tapos maghahanap ka pa ng kapalit ko? Lagot ka sakin pag nangyari yun. Siaiguraduhin Kong pagbalik mo dito, Hindi mo na maisusuot ang tuxedo mo, barong na isusuot mo para sa burol!"
"I'm so sorry Sam.... But, remember kahit na wala na si baby.... Nandito parin ako, tayong dalawa... Please, come back to me baby"
Naiiyak ako sa tuwing maiisip ko yung lagay ni Sam noon sa hospital. Ang dami naming pinag daanan tapos mawawala lang dahil sa isang pagkakamali. Ang mwala Si Sam sa tabi ko ay parang nawala na lahat ng nasaakin. Lalo na ang baby naming wala pang kamuwang muwang sa mundo ay nawala dahil lang sa isang aksidente.
That baby is the symbol of our love. Nag bunga ang pagmamahalan namin ni Sam.
"Bakit niyo po kinuha agad ang baby ko? Bakit?" Naiiyak Kong ungol habang nakatingin sa kisame. Tinignan ko yung picture namin ni Sam, kaming dalawa sa school. "Please... Wag niyo pong pabababyaan ang mahal ko, bantayan niyo ang baby ko, please" napayuko ako sa tuhod ko at hinigpitan ang hawak sa phone ko. "I still love you baby... I love you.... Mahal na mahak kita Sam"
KNOCK KNOCK..
"Zach, ito oh... Gatas" inangat ko yung ulo ko. Si Yaya may dalang gatas. Nilapag niya sa table at tsaka niya ako inalo sa likod. "Bakit Kay umiiyak iho?"
"Manang, nawala po kasi ang pangarap ko.... Nawala ang anak ko at ang mahal ko... Hindi ko po Alam kung paano ako makakamove on"
"Alam mo iho, di naman mahirap kalimutan ang isang tao. Ang mahirap kalimutan yung ala alang ginawa niyo. Yung mga pangakong binitawan niyo at yung pagmamahal na ibinuhos mo" napatingin ako Kay Yaya ng maigi. Inalo niya lang yung likod ko. "Hanggat Kaya pag ayusin, ayusin mo Hindi yung nahihirapan ka lang aayaw ka na dahil tatandaan mo nahihirapan din siya pero Hindi niya pinipiling bumitaw"
"Paano niyo naman po nalaman yan Manang?"
"Sa tingin ko kasi, kahit na iniwan ka na niya. Kahit na nawalan kayo ng anak, Hindi parin maiaaalis sakanya ang mga mahahalagang alaala nung magkasama pa kayo. At siguro, duon nalang siya humuhugot ng lakas para ipag patuloy ang buhay niya" tama Si Manang. "Mahal mo pa siya tiba? Oh, edi ipaglaban mo."
"Sige Manang, Salamat po sa oras niyo"
"Sige Iho, matulog ka na. Tama na drama, laki mo ng tao oh" natawa nalang ako sa sinabi ni Yaya. "Sige, maaga ka pa sa pasok mo. Goodnight"
"Night Manang" ininom ko yung gatas ko at nilapag sa table. Humiga ako at pinatay yung ilaw sa tabi ko. Tama Si Manang, ipag lalaban ko si Sam. Kahit anong mangyari, I will fight for her.
"I love you Sam..."
Pumikit ako and I imagined kunwari na nandito Si Sam sa tabi ko ngayon.
"I love you too baby"
~Fin~
YOU ARE READING
I Hate That I Love You
Teen FictionSamantha Miralles. May boyfriend na ang pangalan ay Si Nate Vallarta. May mga kaibigang sobrang kukulit. Sina Rena, Tiana, Gaby, Yassy, Ken, Greg, at Jerome. Mahal niya ang mga ito. At kasundo niya. Pero, gumulo ang Squad nila ng dumating ang bad bo...