Squad
Sam
Naglalakad kami ng mga kaibigan namin papunta sa Canteen. Tawa kami ng tawa dahil kanina pa nag yaya yung kaibigan naming patay gutom. Nakaakbay saakin ang boyfriend Kong Si Nate.
Third year college ako ng maging on kami. Matagal na siyang manliligaw saakin Pero Hindi ko siya sinasagot. Kasi, since elementary ko pa siya kaklase, at crush ko siya. Oo! Crush ko siya dati at Tignan niyo ngayon! Boyfriend ko na. Matangkad siya, brown hair, Maputi, basketball players siya. Mabait na kaibigan Si Nate. Gentlemen siya.
Nang makahanap na kami ng upuan ay, umupo kami agad duon. Nag unahan pa ang mga loko dahil gusto nila sa medyo dulo umuupo. Mga loko.
"Oh! Sino mag oorder?" Tanong ni Ken. Isa sa mga kaibigan Namin. Umupo kaming lahat at tinignan kung sino ang mag oorder.
"Alam niyo, kung walang kikilos. Hindi tayo uusad eh" mataray na Sabi ni Tiana. Tinignan ko siya at nakita Kong sinuklay niya yung kulot niyang buhok gamit ang mga daliri niya.
"Chill lang Tiana, mga tamad kasi kayo!" Turo ni Gaby sa mga boys.
Oh, sorry. Ipapakilala ko sainyo ang mga kaibigan ko ah! Ehem... Si Ken ay isa sa mga kaibigan namin. Moreno siya, messy hair, matangos ilong niya at bumabagay sakanya ang hikaw niyang cross sa isang tenga. Matangkad at basketball player katulad ni Nate. Medyo may pagka suplado ang ugali niya Pero, maloko. Ops! No girlfriend siya.
Si Tiana ay suplada rin. Kung ayaw niya sa isang tao, ipapakita niya na ayaw niya siya. Hindi siya plastic. Matalino. Matangkad, at morena. Cute ang mata niya at kulot ang buhok niya. Si Gaby ay mabait. Maarte. Matalino din. Morena siya at bagay sakanya ang mga crop top dahil may shape siya. Makulit kasama siya.Tapos, Si Yassy ang close niya. Mabait siya. Morena, may brace siya. Kulot ang buhok. Tama lang ang height niya. At, mabait. Simple lang Pero, grabe ang talino. Si Rena, siya ang close ko sa mga girls. Maputi siya, mahaba at bagsak ang buhok. Matangos ilong, at matalino din. Maarte. Medyo singkit ang mata niya. Si Greg ay kambal Si Gabby. Moreno, matangos ilong at laging nakangiti. Matangkad siya. Messy hair. At matalino din. Close niya si Ken sa mga kalokohan. Si Jerome, books is life. Naka salamin siya, moreno din. Puro moreno mga kaibigan ko. Matalino, at mabait. Siya ang close ko sa mga lalaki. Matangkad, matangos ilong at kwela din.
Si Nate. Well, all I can say is he is one simple guy. Mabait siya. I'm lucky to be his girlfriend. And he is very gentlemen, I can tell. So, alam niyo na ang Squad ko. Ako naman ang magpapakilala. I'm Sam, 17 years old ako. Matangkad ako, I do some sports too pag sinumpong lang like, basketball, badminton, and volleyball. Bagsak ang buhok ko katulad ni Rena. Hindi gaano ka puti. Matapang ang mata ko, Sabi nila. Mabait at loyal ako pero suplada sa mga FC. Ganun ako!
"Alam niyo! Umorder nalang tayo!" Sabi ko sabay tayo. Humarap ako sakanila at nakapamaywang. "Anong mga order niyo?"
"Ako, fried chicken!" Sigaw ni Ken sabay taas ng kamay. Tumango ako.
"Ako din!" Sigaw nina Jerome at Greg.
"Um... Burger ako" Sabi ni Nate sakin.
"Um, spaghetti tayo girls" masayang Sabi ko kaya tumango sila at tumawa. "Great!"
Pumunta ako sa counter at nag order na. Pero, bago pa ako makalakad ay napatingin ako sa likod ko. Nakita ko sina Rena na tumayo at pumunta saakin.
"We'll help you" Sabi niya. Nakita ko si Nate na tumayo rin at tinulungan ako. So gentlemen. Nilapag namin yun sa harap nila. Nag order narin ako ng malaking Coke para inumin namin. Umupo ako sa tabi ni Nate at kumain ng spaghetti.
YOU ARE READING
I Hate That I Love You
Ficção AdolescenteSamantha Miralles. May boyfriend na ang pangalan ay Si Nate Vallarta. May mga kaibigang sobrang kukulit. Sina Rena, Tiana, Gaby, Yassy, Ken, Greg, at Jerome. Mahal niya ang mga ito. At kasundo niya. Pero, gumulo ang Squad nila ng dumating ang bad bo...