Gym
Sam
Sa buong klase, nakatitig lang ako kayna Nikki at Zach. Mahkatabi na sila ni Zach ngayon and its been three weeks. Lagi silang magkasama, sa canteen, court, sa parking at minsan ay hinahatid na ni Zach si Nikki sa bahay nila. I can't help it but to feel pissed. Ewan ko ba kung bakit?! Ang ginagawa ko nalang minsan pag ganun ay itext Si Nate. Okay na raw ang Lola niya, Pero she still needs to rest Kaya duon muna sila sa hospital. I'm glad na okay na ang Lola niya. Pagkatapos ng klase ay dumeretsyo kami ni Angel, Ken, Rena, at Yassy sa dance room. Pumunta muna kami ng locker para makapag bihis ng damit. Sina Jerome at Greg ay may laro ng basketball. Si Tiana at Gaby ay sa singing.
Nag bihis lang ako ng crop top at leggings. Nag rubber shoes lang ako at nilabas yung Gym Bag ko. Pinatong ko yun sa tabi ng bag ni Rena. Nag Sabi ng iilang announcements yung instructor at nag start na yung music.
Sumayaw lang ako ng sumayaw. Katabi ko si Rena sa medyo harap. Yung kanta ay Back To Earth. Medyo mabilis Kaya nahihirapan akong sundan yung instructor.
"Stop!" Sigaw ng instructor namin. "Pahinga muna kayo. Fresh start lang naman ngayon Kaya Hindi ko kayo ipepressure muna" Sabi niya sabay labas ng room. Umupo ako sa upuan duon at kinuha yung Gatorade ko.
"Nakakapagod!" Angal ni Ken.
"Simula palang ng kanta tayo, pagod ka na?" Sabi ko sabay lagok ng Gatorade ko. Tinignan niya ako at ngumisi.
"Mas maganda pang mag party nalang sa bahay niyo Sam" Sabi niya.
"Oo nga! Tsaka, malayo pa ang finals. Sleep over kami sa bahay niyo!" Sabi ni Yassy.
"I'll ask Kuya muna kung mag iinvite siya ng kaklase niya. May gig yun sa Saturday eh" Sabi ko.
"Tiba, may Gym ka pa?" Tanong ni Rena sakin. Tumango ako, may Gym schedule pa ako kaya medyo busy narin.
"Ipapahanda ko Kay yaya yung mga guest rooms. Kailan niyo gustong mag sleep over?" Tanong ko sakanila.
"Umm, sa Friday nalang. May gagawin ako sa Saturday" Sabi ni Ken. Tumango ako.
Ng bumalik na yung instructor ay agad kaming sumayaw ulit. 4:00 na kami Natapos. Lumabas kaming lahat at nakita Kong bumungad Si Kuya Ben sakin at Si Kuya John. Napatigil ako.
"Kuya...." Sabi ko. Inakbayan niya ako at binuhat yung gym bag ko. "Ikaw mag hahatid saakin?"
"Yup. Nanduon sa bahay Si RJ, naiwan" nag lalakad na kami ng hallway.
"Si Kuya John?!" Napatingin ako sa likod ko. Nakita Kong kausap niya si Angel. Si Rena ay nakatingin sakanila ng dalawa. "Kuya Si Rena" Sabi ko.
"Bakit?" Tanong niya. Hinila ni Jerome Si Rena papalayo kayna Kuya John. Inakbayan si Rena ni Jerome at siya ang nag buhay ng Gym Bag ni Rena. Tumango ako Kay Jerome at ngumiti. "Halika na"
Pumunta kami ng parking at nakita Kong pinatunog ni Kuya yung alarm ng kotse niyang Hammer na Red. Sumakay ako duon at nilagay ni Kuya sa back seat yung bag ko.
"Uwi na tayo" pinaandar niya yung makina ng kotse at umalis na ng school.
***
Its Saturday. Gumising ako ng maaga dahil mag gygym ako ngayon. Naligo ako at ginamit yung shower gel ko na matagal ko ng Hindi ginagamit. Ewan ko ba?! Pagkatapos ay lumabas ako para mag bihis ng leggings at nag racer back na gray. Nag pony ako at binuhat na yung gym bag ko. Pagkababa ko, nakita ko si Kuya na naka bihis habang Si RJ ay nag sascan ng channel sa TV namin.
YOU ARE READING
I Hate That I Love You
Teen FictionSamantha Miralles. May boyfriend na ang pangalan ay Si Nate Vallarta. May mga kaibigang sobrang kukulit. Sina Rena, Tiana, Gaby, Yassy, Ken, Greg, at Jerome. Mahal niya ang mga ito. At kasundo niya. Pero, gumulo ang Squad nila ng dumating ang bad bo...