Date
Sam
Kakapasok ko lang ng school. Nakita Kong nakaabang sina Ken, Greg, Jerome, Nate at Migs saakin. Nakangisi sila ng makita ako.
"Hello, Samantha" ang creepy naman ni Nate. Kung Maka bati, parang anytime may ilalabas na kustilyo galing sa likod niya.
"Hello Nate?" Bati ko pabalik. Inayos ko yung bag ko at tinignan sila isa't isa. "Nasan, nasan si-"
"Si Zach?, umm... Hindi ko pa nakikita" Tinignan ni Ken yung paligid at parang may hinahanap. Wala nga siguro Si Zach pa. Pagkaharap ko. Nakita ko si Bryan na nasa locker Kaya napangiti ako. He is really a good person.
"Bryan!" Sigaw ko. Inalis ko yung balikat ni Ken na nakaakbay saakin. Tumakbo ako sakanya at nilapitan siya. Kumaway siya sakin at ngumiti. "Good morning!" Nahihiya Kong bati.
"Good morning Sam" masaya niyang sabi. Nakita Kong sinuri niya ako at nag cross arms. Napatingin ako sa sarili ko at tinignan kung may dumi ba ako.
"Is there something wrong?" Tanong ko.
"Nope. You look perfect" hinawakan niya yung kamay ko at nag lakad na. "Your dress is cute" komento niya. Simple lang naman ang suot ko. Naka sunday dress ako na white at naka sandals lang. Naka pony na simple. Nothing special. Pumasok kami sa room namin at sakto, katabi ko siya.
"So, how's your sister?" Panimula ko. Humarap ako at nag cross legs. Tinignan niya ako at ngumiti. God his smile is so damn hot.
"Umm... She is fine, thanks for asking. How about you? Do you have a brother?"
"Yup! Actually, I have two siblings. I have my older brother, Benedict Miralles. Then our sibling is Raine Jasmine Miralles" tumango tango ako habang sinasabi yun.
"Nice names. I guess your the middle child, huh?" Natawa ako at tumango. "I'm actually the big brother"
"I can see that" tumango ulit ako. Napatingin Si Bryan sa likod ko. Nag taas ako ng kilay ng makita ko kung sino ang tinitignan niya. Ang mga kaibigan ko. Nakasilip sa bintana sina Tiana, Gaby, Rean at Yassy. Nasa pintuan nakasingit sina Migs, Jerome, Nate at Ken. Ang nasa loob ng pintuan ay Si Zach na naka salamin din.
Napatingin ako Kay Bryan na inayos yung salamin. Tinignan ko ulit sina Zach. Sht! Ang lalalim ng tingin nila saakin. "Umm... Bryan, i- can- can I have a minute. With them?" Nauutal ako dahil kinakabahan ako. Tumayo ako at inayos yung bag ko. Tumayo din siya at tinignan ako.
"Are you sure? I mean, I can go with you"
"No! Hehe. No need Bryan, thanks for the chitchat and your time but, can I just have-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil naramdaman Kong may humatak sa braso ko. Nanatiling nakatayo Si Bryan sa pwesto niya. I mouthed to him and said wait for me. Hinatak ako ni Zach papalabas ng room. Natigil siya at humarap sakin.
"Zach-"
"Kasama mo nanaman Si Bryan?" Medyo tumaas na yung boses niya sakin. Napayuko ako. Hindi ko alam kung bakit. "Bumili lang ako ng saglit sa labas tapos, makikita Kong kasama mo siya?!"
"Eii! Zach, sorry na! Wait, teka-" nag pamaywang ako. Nag taas siya ng kilay saakin. "Why the hell are you shouting at me?"
"Because, I'm your boyfriend!" Nasamid ako sa sinabi niya. "And I have the authority to act and shout at you!"
"Ah?! Sino naman ang nag Sabi na tayo na?" Napatingin siya sakin at kumunot ang noo. "Hindi ka pa nanliligaw tapos, sasabihin mo saking tayo na?"
"Pero! May karapatang akong mag selos!"
"Shh! Stop it." Napatingin ako Kay Rena. Nag pamaywang siya at kumunot ang noo. "Ano ba kayo?! Kahapon lang kayo nag kaayos tapos, away nanaman? Wala na bang World Peace sainyong dalawa?!"
"At, Hindi pa ba kayo?!" Tanong ni Ken. Umiling ako at tumango naman si Zach. Tss, kaines siya! "Wait! Ang gulo. So, parang MU kayo?!"
"Parang ganun!" Turo ko sabay ngiti. "Hindi pa nga nanliligaw eh, kami na agad?!" Masungit Kong Sabi.
"What's nanliligaw?" Napatingin kaming lahat sa nag salita. Si Bryan. Agad ko siyang pinuntahan at hinatak papalayo.
"Nanliligaw?! It means courtship." Sabi ni Rena. Tinignan ko si Bryan na hawak yung kamay ko. Nag igting yung panga ni Zach sa nakita niyang ginawa ni Bryan. "Who will court?!"
"Me" malamig na Sabi ni Zach. Hinatak niya ako papalayo Kay Bryan Kaya napatingin ako sakanya. "And she is mine"
"Oh! So your the one who will court Sam. Good, I guess you deserve her" napatingin ako sa sinabi ni Bryan. "I admit, I liked her. I thought that, she is single. But I can see that someone already caught her attention." Napangiti ako sa sinabi niya.
"Thanks Bryan. But, later would you like to come with me?" Napatingin ako Kay Zach na hinigpitan yung hawak niya sa kamay ko. Tss, nag seselos nanaman siya. "I mean, would you like to join US. Lunch, only you, me and Zach"
"Sure. I would love that" nag bell na Kaya napatingin kami sa orasan. Its 7:30. Klase na. "I think we should go inside" nauna siya at sumunod sina Rena. Sunod niya si Jerome at yung iba. Papasok na sana ako ng bigla akong hinigit ni Zach pabalik.
"What?! Masaya ka na?! Pinahiya mo ako sa harap ni Bryan!"
"Ah?! Ako ang nahihiya sakanya. Ako ang manliligaw Pero, wala ako sa tabi mo. Ako ang magiging boyfriend mo, Pero siya kasama mo."
"Kaibigan ko lang naman si Bryan, Zach. He is just being nice to me!" Huminga ako ng malalim. "Let's talk later, may klase pa tayo" hinalikan ko siya ng mabilis sa labi at pumasok na sa loob ng room. Naramdaman Kong hinawakan niya yung kamay ko kaya napangiti ako. Napangiti rin siya sakin. Umupo ako sa tabi ni Bryan at Rena. Sa gitna nila ako.
Pagkatapos ng klase ay nag ligpit na kami ng gamit. Nauna na sina Rena dahil kakain sila sa canteen. Kaming tatlo nina Zach ay sa labas kakain. Nauna ako sa kanilang dalawa dahil may pinag uusapan pa.
***
Katabi ko si Zach at sa harap namin ay si Bryan. Dumating yung waitress na kanina ko pa napapansin na nag papapansin sa mga kasama ko. Nakatingin lang si Bryan sa cellphone niya habang Si Zach ay nakatitig duon sa waitress. Putek, harap harapan noh? Tss, buti pa Si Bryan.
"Ano pong order niyo?" Tss, ang landi talaga.
"Umm.. Salad at juice nalang" Sabi ko. Umirap siya sakin habang nag susulat. Tss, ang chaka naman nito.
"Umm... Burger ako at coffee" Sabi ni Zach.
"Same" buti pa Si Bryan. Kaines si Zach. Ng makaalis yung waitress ay humarap sakin Si Bryan. "Sam, would you like to go out with me? A friendly date"
"Sure! Where are we going?" Sige lang Zach. Kung nag papa selos ka, sige. Labanan mo ako. Narinig Kong tumikim Si Zach Pero Hindi ko siya pinansin.
"At our house. I'm sure my sister and my parents would love you" tumango ako. "So, I'll pick you up at your house by 4:00?"
"Sure." Tinignan ko si Zach na nakakunot ang noo. Dumating na yung order namin at kumain kami ng tahimik.
Naunang umuwi Si Bryan kaysa saamin. Sumakay lang ako sa kotse ni Kuya. Tahimik lang kami. Nagulat ako ng may natanggap akong text galing Kay Zach.
"Enjoy your Date"
YOU ARE READING
I Hate That I Love You
Teen FictionSamantha Miralles. May boyfriend na ang pangalan ay Si Nate Vallarta. May mga kaibigang sobrang kukulit. Sina Rena, Tiana, Gaby, Yassy, Ken, Greg, at Jerome. Mahal niya ang mga ito. At kasundo niya. Pero, gumulo ang Squad nila ng dumating ang bad bo...