12 Years Later
Rachel's POV
Mag-isa lang ako sa bahay. Umalis kasi ang mom at stepdad ko papuntang Makati para umattend ng business meeting. Mag-hahatinggabi na, pero abala pa rin ako sa paghahanap ng mga lalaking pwede kong landiin sa fb. Unfortunately, wala pa ring ni isang pumapasa sa standard ko, kaya nagpasiya akong matulog na.
Nang pipindutin ko na ang Log Out button mula sa dropdown menu sa upper right-hand corner ng screen, napansin kong may nag-send sa akin ng friend request.
Alvin Ramirez ang pangalan niya.
"Let's see if you're good enough to be my boyfriend," sabi ko.
Binisita ko ang profile niya, at doon ko nakita nang mas malinaw ang dp niya. Kamukha niya si James Reid. Matangkad siya at balingkinitan ang katawan. Hindi na ako nagdalawang-isip na i-accept ang friend request niya.
"Infairness ang gwapo niya!"
Napakagat-labi ako nang mapansin ko ang malaking umbok sa pantalon niya. I really wanted to see more, so pinindot ko iyong Photos button, pero pagdating doon, wala na akong ibang nakitang picture. Noon ko lang din nalamang wala siyang ibang friend sa fb bukod sa akin.
Sunod kong pinuntahan ang Timeline niya. Wala pa rin akong matagpuang kahit na ano.
"Hindi kaya niloloko lang ako nito?" Nagtataka kong tanong sa sarili ko.
Maya-maya, biglang may lumitaw na chat box sa screen, kasabay ng isang tunog.
BINABASA MO ANG
Friend Request [Rated SPG] #SA2018
HorrorEverything was fine until Rachel received a friend request from someone on Facebook.