Chapter 11: Ang Pagbubunyag

2.8K 127 65
                                    

Rachel's POV


Umalingawngaw ang malakas na tili sa loob ng kotse ni Stacy pagkatapos sumara ng pintong naiwan kong bukas kanina. Muffled screams continued to echo. I watched in horror as a black figure began to strangle Stacy from the driver's seat. Bumakat ang mga palad niya sa malabong salamin ng bintana sa tagiliran niya. Paulit-ulit niyang tinapik iyon nang marahas.


"Rachel!" Tawag niya sa akin. "Tulong!" Hindi kaagad na-register ng utak ko ang gusto niyang sabihin, dahil mahina ang tunog ng boses niyang nanggagaling mula sa loob.


Hinila siya ng anino patungo sa back seat. Yumugyog ang kotse. Stacy desperately tried to claw her way out of the window, but to no avail. Sinubukan kong gumapang papunta roon para batakin ang lever ng pinto, pero ayaw niyon bumukas.


Lalong bumibilis ang tibok ng puso ko tuwing sumisigaw siya. Naninigas ang gulugod ko habang pinipilit alalayan ang sarili ko sa pagtayo. Pumatak sa sahig ang mga butil ng pawis mula sa noo ko. I could only watch in horror as a kitchen knife appeared from the attacker's hand, and plunged it to Stacy.


Huminto ang mga hiyaw. Nangibabaw ang nakapangingilabot na katahimikan. Pinagmasdan ko ang bintana sa back seat. Unti-unting lumitaw ang malabong imahe ng puting maskarang suot ng taong nagtangkang pumatay sa akin.


"No!"Sigaw ko. "Stacy!" Garalgal ang nanginginig na tinig ko.


Sumikip ang dibdib ko. Nanlalaki ang mga mata ko. I was in a state of shock. Napasandal ako sa pinakamalapit na dingding. Adrenaline started to kick in. Dalawang salita ang tumakbo sa isip ko noong oras na iyon.


Fight or Flight?


Alam kong hindi ko kayang palagan ang mamamatay-taong iyon, so obviously, I needed to run. Lumangitngit pabukas ang pinto ng kotse. Humalik sa sahig ang itim na bota ng taong umatake kay Stacy. Unti-unting lumitaw ang buong katawan niyon sa harap ko - puting maskara, itim na kapote at mga guwantes at kutsilyong nababahiran ng sariwang dugo.


Binalibag niya ang pinto ng kotse, at dahan-dahang siyang lumakad patungo sa kinaroroonan ko. Parang sasabog na ang dibdib ko. Mas mabilis pa ang tibok ng puso ko sa mga hakbang niya. Umatras ako. Nakapako ang mga namimilog kong mata sa kanya. Umagitit ang ilalim ng bota niya sa sahig. By that time, he was already near by an arm's length.


Lumingon ako. My brain signalled my leg to instantly twitch and jump start. Natagpuan ko ang sarili kong lumulundag papunta sa basement na ilang metro lang ang layo mula sa akin. Palakas nang palakas ang yabag ng taong sumusunod sa akin, kaya I decided to take a different approach.


Itinulak ko ang sarili ko sa sahig. I was lying face down. Sa pagkakataong iyon, mga braso ko naman ang ginamit kong panggapang, with my leg serving as support. Nauna ako nang sampung metro mula sa humahabol sa akin. After a few more repetitive arm movements, narating ko rin ang paanan ng pinto pababa sa basement.


Tinukod ko ang mga kamay ko sa sahig as I tried to pull myself up. Patuloy na nakakahabol ang taong sumusunod sa akin, pero at that time, he was mas bumilis at lumaki ang mga hakbang niya. I fiddled with the door knob. Basang-basa ang mga palad ko sa pawis, kaya hindi ko maikot nang mabuti iyon. I tried for the second time.

Friend Request [Rated SPG] #SA2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon