FLASHBACK
Mike's POV
Gumuhit ang ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan ang obrang nilikha ko. Isang linggo ko ring pinagpuyatan iyon, at ngayon, sulit ang lahat ng paghihirap ko. Sumagi sa dulo ng mga daliri ko ang mga mala-totoong hibla ng buhok mula sa iskultura ng ulong nakapatong sa mesa. Kinapa ko ang malabot na pisngi niyong gawa sa plaster, kulay kayumanggi kawangis ng kulay ng balat ko. Pumatong sa kanang balikat ko ang kamay ni Stacy.
"Ayos!" Aniya. "Kamukha mo talaga iyang props na ginawa mo ha?" Abot tainga ang ngiti niya habang pinapanood kung paano ko pisil-pisilin ang balat ng likha ko.
Tinitigan ko ulit ang gawa ko. Tama siya. Nakopya niyon ang mga katangian ng mukha ko, sapat na para mapagkamalang ako iyon sa 'di kalayuan. Sinawsaw ko ang paint brush sa lalagyang naglalaman ng timpla ng pulang likido. Kumapit sa mga buhok niyon ang malagkit na pintura. Hinawakan ko sa leeg ang iskultura ng ulo ko, at saka pinahiran ng pulang pintura ang butas ng mga mata niyon. Umagos ang katas ng pintura pababa ng pisngi niyon hanggang sa makarating sa leeg.
"Ilagay mo na sa bag iyong chop-chop na katawan ng lalaking pinatay natin noong isang araw," utos ko.
"Ayos na ang lahat Mike," aniya. "Anong oras ka pupunta sa bahay nila Rachel?"
Hininto ko ang ginagawa ko at lumingon sa kanya. Hinila ko pabalik ang mahabang manggas ng suot kong itim na kapote. Lumitaw ang lumang relo ko. 10 PM na ng gabi.
"Mamayang ala una," tugon ko. "Gamitin mo iyong Facebook account kong Alvin Ramirez. Alam mo na iyong password niyon hindi ba?"
Napakamot ng ulo si Stacy. Napatingin siya sa kisame nang ilang segundo bago sumagot.
"Oo, ako na bahalang umaliw kay Rachel," aniya. "Binayaran ko na rin ng 250k iyong mga forensics na mag-iidentify ng bangkay."
Tumatagos sa salamin ng malaking bintana sa salas ang maputlang liwanag ng buwan patungo sa mukha ni Stacy, further intensifying her evil smile. Ang mga mata niya ay parang mata ng mga taong pumapatay nang walang habas. Hindi ko inaasahang ganoon siya magiging ka-desperado. Bumuntong-hininga ako.
"Sigurado ka ba talagang gusto mong maging parte nito?" Liwanag ko sa kanya. "Hindi mo laban ito Stacy, kaya kung pwed-"
Umalingawngaw ang malakas na boses ni Stacy sa loob ng maliit na kwarto. "Pambihira ka naman Mike!" Bulalas niya. "Pinag-usapan na natin ito hindi ba?" Lalong lumakas ang tinig niya. Nakakapanindig balahibo ang tono niyon.
"Pero-"
"Hindi Mike!" Putol niya. "Five years na dapat kami ni James ngayon kundi dahil sa malanding pokpok na iyan!" Bigla niyang iniwas ang paningin niya sa akin at humarap sa pintuan. Hinalukipkip niya ang mga braso niya.
"Mike, sinubukan kong magpaka-plastik na kunwari pinatawad ko na siya," tuloy niya. "Pero deep inside ang sakit! Masakit sa pride ko! Kaya please, make it worth it!"
Kinagat ko ang labi ko. Pumulupot ang mga daliri ko sa hawakan ng itak na nakapatong malapit sa obra ko. Iyon din ang parehong ginamit ko nang tagain ko ang ama ko. Isiniksik ko iyon sa loob ng itim na kapote ko.
"Basta pagkatapos ng gabing ito ... " sabi ko. "Sa tingin ko matatahimik na ang kaluluwa ko."
Sunod kong kinuha ang puting maskara sa mesa, at isinuot ko sa mukha ko. Pinihit ko ang voice changer niyon.
"Iyong bag na may lamang putol-putol na katawan nasa kotse na," ani Stacy habang humaharap sa akin.
Kinuha ko mula sa mesa ang iskultura ng ulo ko. Nakalawit ang ilang piraso ng "laman" mula sa wakwak niyon sa ilalim. Kinalong ko iyon nang parang sanggol. Isang electronic and at the same time, creepy voice ang lumabas mula sa bibig ng maskara.
"Mauna na ako," sabi ko kay Stacy. "Sana magtagumpay tayo."
"Patayin mo iyong hayop na babaeng iyon."
Suminghal siya, at saka dinukot mula sa bulsa niya ang smartphone niya, kung saan kasalukuyang naka-log in ang account kong Alvin Ramirez. Kinapa ko rin ang smartphone ko sa bulsa ko. Naka-log in naman doon ang account kong Mike Reyes.
If everything works out as planned, paglalamayan na sa susunod na linggo si Rachel.
Author's Note: Raw version pa lang ito. Tsaka ko na mas gagawing detalyado!
BINABASA MO ANG
Friend Request [Rated SPG] #SA2018
HorrorEverything was fine until Rachel received a friend request from someone on Facebook.