Chapter 5: Trust No One

5.7K 173 76
                                    

Rachel's POV


Nakahiga ako sa hospital bed habang pinapanood ang umiikot na wall fan. Binaling ko ang pansin ko sa hawak kong litrato. Pumatak ang mga luha sa mga mata ko nang masilayan ko ang mukha ni Mike. The corners of his eyes were crinkled. Abot-tainga ang ngiti niya habang magkaakbay kami. Siya ang pinakamatalik kong kaibigan sa UP Film Institute, kung saan sabay kaming kumukuha ng BA Film kasama ng iba pa naming mga tropa. Para ko na rin siyang kapatid.






Bago pa man ako magsimulang humagulgol, binasag ng tatlong magkakasunod na katok ang katahimikan. I was suddenly snapped out of my trance. Pinunasan ko ng damit pantaas ko ang mga basa kong pisngi. I tried to hold back my tears as best as I could.






"Pasok!" Tawag ko sa taong nasa kabilang panig ng pinto.






Lumangitngit iyon pabukas, kasabay ng pagpasok ng stepdad ko sa loob ng kwarto. Agad kong napansin ang mga nalalagas niyang buhok. May-edad na rin siya. Lumantad mula sa mga maikling manggas ng T-shirt niya ang mga naglalakihang braso niya habang nilalapag sa sahig ang mga pinamiling grocery. Naka-tattoo sa isa sa mga iyon ang pangalan ng nanay ko. Umikid siya patungo sa akin.






"Ayos ka lang anak?" Tanong niya habang pinapagpag ang mga kamay niya.






Napangiwi ako nang marinig ko ang salitang "anak." He flashed a smile to me, revealing his crooked teeth. Oh my goodness! Mabuti na lang hindi siya malapit sa akin kung hindi baka nasinghot ko na naman ang amoy tae niyang hininga. Ayaw ko talagang tinatawag niya akong anak. I forced my facial muscles to display a smile in return.






"Oo," tugon ko. "Ayos lang ako."






My face was void of emotions. Mabilis kong iniwas ang paningin ko sa kanya. Gusto ko nang wakasan ang pag-uusap namin, dahil hindi ko na siya matagalan pa. Pipili na lang ang ina ko ng bagong mapapangasawa, iyon pang maitim at may putok sa kili-kili. Nakakadiri!





Friend Request [Rated SPG] #SA2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon