Chapter 9: Burol

2.9K 102 53
                                    

Rachel's POV


12:30 PM na nang makarating kami sa bahay nila Mike. Umalog nang malakas ang kotse nang patayin ni James ang makina niyon. Naunang lumabas ang tatlong kaibigan ko. Pumunta si Brian sa likod ng sasakyan para kunin ang wheelchair ko mula sa trunk niyon. Binuksan ko ang pinto sa side ko, at sakto siyang dumating para alalayan ako.


"Dahan-dahan," aniya habang nakakapit ako sa braso niya.


He pulled me slowly onto the wheelchair hanggang sa humalik ang puwit ko roon. Hinawakan niya ang hawakan ng wheelchair at unti-unting umikot ang gulong niyon. Itinulak niya iyon hanggang sa makarating kami sa pintuan ng bahay ng Reyes family, kung saan nakatayo sina James at Stacy sa tagiliran ni Mrs. Reyes.


"Nako! Mrs. Reyes!" Tawag ko sa kanya. "Pasensya na po! Na-traffic kasi kami eh!" Tumaas ang mga kilay ko.


Winawisas ni Mrs. Reyes ang mga kamay niya sa akin. "Hindi iha. Okey lang iyon! Ano ka ba? Ang mahalaga nandito ang mga taong malapit kay Mike." Ipinatong niya ang kamay niya sa kaliwang balikat ko. "Lalo na ikaw."


It struck me inside. Parang sumikip ang dibdib ko. Malapit nang bumulalas mula sa mga mata ko ang mga luha ko, pero I managed to keep it under control. Bahagya akong huminga nang malalim, trying to keep myself together.


"Salamat po tita," tugon ko. Garalgal ang boses ko sa pagpipigil ng pag-iyak. That's all I could ever say at that moment kasi kapag dinugtungan ko pa ng isang sentence ang sinabi ko, hindi ko na kakayaning pigilan pa ang pag-iyak ko.


"Oh hali na kayo," anyaya niya sa amin. "Pumasok tayo sa loob."


Sabay-sabay silang pumasok sa loob, samantalang sadyang nagpa-iwan ako sa labas. Nang mapansin kong nakatalikod sila sa akin, dinukot ko ang panyo ko mula sa bulsa ko at pinunasan ang mga mata kong nagsisimula nang mabasa.


"Okey. Kaya mo ito Rachel," sabi ko sa sarili ko.


Huminga ako nang malalim, kasabay ng pagpatong ng mga kamay ko sa gulong ng wheelchair ko. Nang simulan kong itulak ang mga gulong niyon papunta sa harap, I felt a tingling sensation sa batok ko. Hindi ako naniniwala sa pamahiin, pero biglang pumasok sa isip ko ang sinabi sa akin ng lola ko noong bata pa lang ako – kapag daw tinaasan ka ng balahibo sa batok, it means someone or something is watching you.


Out of curiosity, lumingon ako. Pinagmasdan ko ang paligid. Kumislot ang mga tainga ko, trying to listen to any movements. At hindi nga nagkakamali ang lola ko. I saw a glimpse of someone mula sa 'di kalayuan. Nakapako ang mga mata niya sa akin. Nasa tagiliran siya ng itim na Toyota Vios na sa tingin ko'y pagmamay-ari niya.


Pamilyar ang mukha niya sa akin. Naaaninag ko iyon kahit malayo siya. Nakasuot siya ng all-black na damit – itim na T-shirt, pantalon at sapatos – pero hindi nawawala ang tsapang suot niya palagi.


Si SPO4 Mark Dalisay. I thought to myself, and then it suddenly hit me. Totoo nga ba ang sinabi sa akin ni Brian?

Friend Request [Rated SPG] #SA2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon