Rachel's POV
Dumadaloy ang mga butil ng pawis ko mula sa mga pisngi ko habang pinapanood ang maayos na pagdaloy ng mga sasakyan sa kasalungat na lane. Tumatagos mula sa salamin ng mga bintana ang mainit na sinag ng araw. Patuloy na umuugong ang makina ng kotse naming kanina pa nakatengga sa parehong lugar. Isa-isang nagbabaan ang mga pasahero mula sa dyipni sa harap namin hanggang sa ang tsuper na lang niyon ang natira. Tatlong beses na tinapik ni James ang manibela. Umalingawngaw ang mga malakas na busina ng kotse. Nagtagpo ang mga paningin namin ni James sa rear-view mirror.
"Is everything alright babe?" Tanong niya.
Binigyan ko siya ng pilit na ngiti. Tumatakbo pa rin sa isip ko noong oras na iyon ang sinabi ni James sa akin.
"Yes babe," tugon ko. Itinuon ulit niya ang pansin niya sa kalsada.
"Parang kanina ka pa walang-imik diyan eh," aniya.
"No, I'm fine," I replied while forcing my facial muscles to display a smile.
Kumunot ang noo ni Brian. Hinalukipkip niya ang mga braso niya. Nanatiling nakapako ang mga mata niya sa labas ng kotse. There was an awkward moment of silence until Stacy finally decided to break the ice.
"Ano ba iyan mga beshie? Ang init!" Aniya habang winawasiwas nang paulit-ulit ang abaniko niya sa mukha niya.
Tumingin sa kanya ni James na katabi niya sa driver's seat. "Don't worry," ani James habang itinutulak nang pasulong ang kambyo. "Makakarating din tayo roon just in time," he said, reassuring her.
Umugong ang kotse at unti-unting umusad, but not before stopping again after a few inches.
"Shet!" Bulalas ni Stacy. "It's like hell in here! My goodness! Pambihirang traffic," Lalong bumilis ang pagwasiwas ng kamay niya. Bakas ang kaartehan sa malanding boses niya.
"Bakit hindi tayo mag-shortcut para mas mabilis?" Mungkahi ko. "Lumiko ka riyan sa kanto tapos diretsuhin mo."
Tiningnan niya ulit ako sa rear-view mirror. His eyes portrayed doubt. "Sure ka babe?"
Kinagat ko ang labi ko. "Oo naman babe," tugon ko. "Lakwatsera kami niyang si Stacy eh."
"Sinabi mo pa beshie!"
Tumango si James sa akin. Nang makahanap siya ng tamang pagkakataon, kinabig niya ang manibela, kasabay ng pagliko ng kotse sa kaliwa. Binaybay namin ang makipot na daan hanggang sa may makita kaming gas station sa kahabaan niyon.
"Guys, pa-gas muna tayo. Mag-eempty na eh," sabi ni James.
Ipinasok niya ang kotse roon at pumarada sa tapat ng isa sa mga fuel dispenser doon.
"James," tawag ko. "Mag-CCR lang kami ni Brian," paalam ko.
There was a short pause before James replied. "Sige. Bilisan niyo lang ha?"
I looked at Brian while gesturing his hands to me to follow him.
***
"Bri, sigurado ka ba sa nakita mo?" Tumaas ang kilay ko.
Bumuntong-hininga siya. "Oo! Sigurado ako!" May halong diin ang tinig niya.
Palakad-lakad siya sa magkabilang sulok ng CR na pambabae. Mabuti na lang walang masyadong tao noong oras na iyon. Umiral ang pansamantalang katahimikan sa paligid.
Tinitigan niya ako. "Nakita ng dalawang mata ko ang pag-uusap nila ng lalaking iyon."
Nagsalubong ang mga kilay ko. Maraming tanong ang tumatakbo sa isip ko.
"Ha? Eh sino ngang lalaki?"
Hinilot niya ang mga sentido niya. "Iyong napanood ko sa balita kahapon. Iyong humahawak ngayon ng kaso mo!" Bumilis ang mga yapak niya. His sneakers squeaked against the white tiles on the floor.
Pwede nang pasukan ng talong ang bunganga ko sa laki ng pagkakabukas niyon.
Si SPO4 Mark Dalisay. I thought to myself. Kaya pala itinatanong niya ang location ng bahay namin ngayon.
Bahagya akong nabigyan ng kalinawan, pero marami pa ring mga bagay na ngangailangan ng kasagutan.
"Eh ano naman? Imbestigador iyon eh! Karapatan niyang kausapin si James."
"Oo alam ko iyon," tugon niya. "Pero natural ba para sa isang imbestigador na magbigay ng baril at sobreng may lamang malaking halaga ng pera?" Nakatiim-bagang siya as his face turned to me, demanding an explanation.
I didn't know what to say. Nanatili akong nakaupo sa wheelchair ko habang pinagmamasdan si Brian. I hadn't moved a single part of my body.
"Bakit hindi tayo tumawag ng pulis?"
Napakamot ng ulo si Brian. Nangibabaw ang pagkabalisa sa mukha niya.
"Wala tayong matibay na ebidensya," tugon niya. "Nakalimutan ko silang kunan ng picture."
Napasandal si Brian sa pader. Suminghal ako bilang tugon.
"At saka isa pa, may mga galamay iyan sa presinto."
Si SPO4 Mark Dalisay ba ang gustong pumatay sa akin? I thought to myself. Kung siya nga, bakit kailangan niyang makipagsabwatan kay James? It doesn't make any sense to me.
"Rachel," tawag sa akin ni Brian. "Huwag ka munang sasama kay James kapag niyaya ka niyang pumunta sa bahay nila o sa kahit na anong lugar. Maliwanag?"
"Sige," tugon ko.
"Ok. I'll work something out in the meantime," tuloy ni Brian.
Author's Note: Medyo i-eedit ko pa ito. Mas lalagyan ko pa ng detalye, kaya wag kayong mag-alala.
BINABASA MO ANG
Friend Request [Rated SPG] #SA2018
HorrorEverything was fine until Rachel received a friend request from someone on Facebook.