Chapter 6: Bihag

4.6K 153 63
                                    

Unknown POV


Muffled screams continued to echo. Tila puputok na ang mga ugat sa sentido ng lalaki. His biceps fought against the force exerted by the rope into his arms. Unti-unting napalitan ng pamumula ang kulay ng balat ng mukha niya. Desperado siyang kalagan ang sarili niya mula sa pagkakagapos sa silyang nakakabit sa sahig. Nagkaroon ng pansamantalang katahimikan sa paligid nang huminto siya para maghabol ng hininga.


Tumingala siya sa kisame. Nasinagan ang buong mukha niya ng liwanag mula sa nag-iisang bumbilya sa kwarto. Nakita ko nang mas malinaw kung paano dumaloy sa balbas niya ang mga butil ng pawis mula sa mga pisngi niya. Bumuntong-hininga siya. An 'I give up' look was plastered on his face. 


Pinihit ko ang voice changer sa loob ng maskara ko. "Kahit ano ang gawin mo, hindi ka makakatakas," sabi ko sa kanya.


Kumislot siya. Para siyang leong handang lumapa ng tao. Hindi ko marinig nang mabuti ang nais niyang sabihin, kaya inalis ko ang busal na nakatakip sa bunganga niya. Words immediately followed as the tip of the white cloth left his mouth.


"Mamatay ka na!" Bulalas niya sa akin. "Demonyo ka!" Tumalsik ang ilang maliit na patak ng laway niya sa itim na kapote ko.Nanlilisik ang mga mata niya. Marahas na yumugyog ang upuan nang pilitin niyang kumawala roon.


Malakas na dumampi sa kaliwang panga niya ang likod ng kanang kamay ko. His head twisted to the same direction.


"Maniwala ka sa akin," simula ko. "Mas malala pa riyan ang sasapitin mo kapag hindi ka makikipagtulungan sa akin."


Mabilis na napalitan ng takot ang galit sa mukha niya nang ituro ko ang kahoy na mesa sa tagiliran niya. He winced at the sight of different tools placed on it — liyabe, lagari, pala at iba pa. Hile-hilerang nakaayos ang mga iyon ayon sa sukat at haba. Hinalukipkip ko ang mga braso ko. Masarap sa pakiramdam ang magpaamo ng mabangis na hayop.


"Balita ko malapit mo nang matukoy kung sino ako ha," Sabi ko sa kanya nang pabiro. I laughed sarcastically.


Tumitig siya sa akin. "Mabubulok ka sa kulungan!" Banta niya. "Tandaan mo iyan!" Napatiim-bagang siya habang patuloy na nakapako ang paningin niya sakin.


"You know I can't allow that to happen," I paused for a moment. "Right?"


"Gawin mo na ang gusto mong gawin," aniya. "Pero wala kang makukuha sa akin!"


His facial expressions tried to display bravery, but I could only sense fear in him. Hinawakan ko ang noo ko habang umiiling. I suddenly turned my face into him.


"I only want revenge on people who have wronged me in the past!" Mas malakas ang boses ko kumpara kanina. Napaigkas ang lalaki sa kinauupuan niya. "Hindi mo ba iyon naiintindihan?" Tanong ko nang may halong diin sa huling salita.


His eye contact remained on me. "Wala kang pinagkaiba sa mga mamamatay-taong inaresto ko noon!" He spat.

Friend Request [Rated SPG] #SA2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon