Rachel's POV
It was 10:00 AM. Dumampi sa mukha ko ang malamig na simoy ng hangin habang nakadungaw sa bintana sa salas. The bright glow of the sun shone through the uncurtained window, casting an elongated shadow from my wheelchair. Pinagmasdan ko ang mga dumaraang sasakyan sa tapat. Pinikit ko ang mga mata ko. Sininghot ko ang amoy ng mga bagong tabas na damo mula sa hardin. It was a beautiful morning, pero hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang taong nagtangkang pumatay sa akin. Gayunman, nawawala kahit paano ang takot ko tuwing naririnig ko ang ingay ng mga walkie-talkie ng dalawang pulis na umaaligid dito sa bahay ng tiya ko.
As my mind began to drift off, a familiar sound came out of nowhere.
DING!
Bumalik ulit ang diwa ko. Umikot ako patungo sa direksiyon ng mesa kung saan nakalagay ang laptop ko. Tinulak ko ang mga gulong ng wheelchair ko hanggang sa dalhin ako niyon doon. A blinking chat box popped on the screen. Naka-display sa itaas niyon ang buong pangalan ng ina ko— Elizabeth Garcia.
Elizabeth: hi anak!
My heart pounded at the sight of her message. Nabuhayan ako ng dugo. Before I knew it, agad na pumatong ang mga kamay ko sa keyboard. My fingers were eager to type.
Rachel: ma! kamusta na?
Elizabeth: eto busy s work. xenxia kna kung d kta napuntahan s ospital ah?
Rachel: anu ka ba ma? ok lng un. kasama ko nmn c stepdad
Elizabeth: hindi mo b cya binigyan ng sakit ng ulo?
Saglit akong huminto. I rolled over my eyes.
Rachel: cyempre nmn ma! lab n lab ko un ih <3
Elizabeth: bait nmn ng baby gurl ko! cge pagagalitan n ko ng boss ko
Rachel: cge ma! bye!
Elizabeth: cya nga pla.. panoorin mo ngaun ung balita sa tv nkakatakot
Rachel: okie! labyu ma! <3
Elizabeth: labyu 2!dshbds fjkds.fbmkv;bd[ hg53ad l0-==1 hhhhjk12/
The blue header of the chat box turned into gray after I received her last private message. Matagal na nakapako ang mga mata ko sa screen.
Why would she send something like that? I thought to myself. Parang bata. Pagkatapos ng ilang minuto ng pag-iisip, nagkibit-balikat ako at nagpasiyang ipagwalang-bahala na lang iyon.
Kinuha ko ang remote control na nakapatong sa tagiliran ng laptop. Umikid ako sa direksiyon ng kinaroroonan ng TV at sumandal sa backrest ng wheelchair. My arms were resting on its armrest as my fingers fiddled with the different buttons. Eventually, I hit the right one, which made the LED indicator of the TV to turn from red to blue. I watched as the pixels connected with each other and formed a picture of a newscaster wearing a formal attire.
BINABASA MO ANG
Friend Request [Rated SPG] #SA2018
HorrorEverything was fine until Rachel received a friend request from someone on Facebook.