Chapter 13: Wakas

2.8K 99 11
                                    

Rachel's POV


Pakiramdam ko malapit nang bumigay ang katawan ko. Tila unti-unting lumulutang ang isip ko, ngunit patuloy pa ring kumakalat sa buong katawan ko ang matinding sakit. Lumangitngit ang mga baiting sa hagdan. Nanlaki ang mga mata ko nang matagpuan ko si Stacy na walang kahit na anong galos. She flashed a smile to me.


"Sta-stacy?" Tanong ko.


Nanginginig ang tinig ko. Tumawa siya.


"Haha! Bagay sa iyo iyan! Malandi ka kasi!" Bulyaw niya sa akin.


Pumatak ang luha mula sa mga mata ko. I felt betrayed by someone I trusted so much. Maybe, ito na ang karma sa mga masamang ginawa ko. Maybe, I deserve it. Lalo pang kumalat ang dugo sa sahig noong oras na iyon. Nanghihina ako. I couldn't even lift my leg for one inch.


"Tapusin niyo na a-ako!" Sigaw ko. "Iyon naman ang gusto ninyo hindi b-ba?" Lalong lumala ang panginginig ng boses ko. Tumingala ako sa kisame habang mahinang umuusal nang dalangin.


"Sa tingin ko sapat na ito," ani Mike na naka-ngisi sa akin habang pinagmamasdan ang walang tigil na pag-pulandit ng dugo mula sa nawakwak na balat ng mga naputol na bahagi ng katawan ko.


Hinigpitan ni Mike ang kapit ng mga daliri niya sa hawakan ng itak. Tumulo ang katas ng dugo ko mula sa ulo niyong nababalutan ng mga malagkit na laman. Huminga siya nang malalim as he lifted it up. Wala akong magawa kundi panoorin na lang kung paano dahan-dahang umangat ang itak hanggang sa itaas ng ulo niya ... nang biglang ...


BANG! BANG!


Dalawang magkasunod na putok ng baril ang umalingawngaw sa loob ng kulob na basement. Namilog ang mga mata ni Mike. Tila malalaglag sa sahig ang panga niya nang unti-unti iyong bumukas. Kumalansing ang ulo ng itak sa sahig nang mabitawan niya iyon. His face was replaced by shock. Lumingon siya sa kinatatayuan ni Stacy.


"Sta-stacy?" Pilit niyang bigkas. "Bakit?" Tanong niya bago tuluyang lumagapak sa malamig na semento.


Nakaunat ang mga braso ni Stacy. Lumabas ang usok mula sa nguso ng hawak niyang revolver. Sumiksik sa butas ng ilong ko ang matapang na amoy ng pulbura. Pansamantalang nanaig ang nakapangingilabot na katahimikan sa paligid. Nilipat ni Stacy ang atensyon niya sa akin. Ngumisi siya.


"Hindi ako pwedeng sumabit," aniya. "Mahirap na."


Tinitigan niya ako nang masama habang itinututok naman sa akin ang hawak niyang baril.


"Ngayon, ikaw naman," tuloy niya. "Magsama kayo ng kapatid mo!"


Bago dumiin nang husto ang hintuturo niyang nakadikit sa gatilyo ng baril niya, biglang bumangon si Mike at sinunggaban siya. Tumalsik ang hawak niyang baril papunta sa kinaroroonan ko, ilang sangkal mula sa kaliwang braso ko. Sabay silang bumagsak sa sahig. Mike ended up sitting above Stacy's tummy.


"Hayop ka Stacy!" Bulalas ni Mike habang dahan-dahang humihigpit ang pag-diin ng mga palad niya sa leeg ni Stacy. Naninigas ang hinlalaki niya habang pilit dinudurog ang matigas na buto sa lalamunan ni Stacy.


"Mamatay ka na!" Pilit na sigaw ni Stacy pabalik.


"Huwag ka nang pumalag!" Ani Mike nang subukan ni Stacy na kalikutin ang mga mata niya.


Napuno ng mga tunog ng struggle at pag-ubo ang kwarto. Stacy tried to push Mike away, but to no avail. Mas malakas si Mike, kaya paniguradong lugi siya. Nagsimulang mamula ang mukha ni Mike.


"Traydor!" Tumalsik ang ilang patak ng laway mula sa bibig ni Mike. Halos puputok na ang sentido niya.


Labis na nakatiim ang mga bagang niya habang patuloy na nahihirapang huminga si Stacy. Out of desperate attempt, sinubukang hilahin ni Stacy ang itak nanakakalat sa sahig, na hindi namalayan ni Mike. As Mike tried even harder to choke her, biglang na lang kinuha ni Stacy ang itak at kinampay iyon sa ulo ni Mike.


Sa kabutihang palad, hindi blade ang tumama sa ulo ni Mike, kung hindi iyong kahoy na parte lamang, ngunit sapat pa rin ang lakad niyon para mapabalikwas si Mike at tumumba sa sahig.


Ngayon, si Mike naman ang nasa alanganin. Dahan-dahang tumayo si Stacy, the axe still hanging from his hand. As Mike gasped for breath and tried to regain his composure, inangat ni Stacy ang itak. Nakapako ang nanlilisik niyang mga mata kay Mike.


"Tapos ka na ngayon! Mamatay na kayong magkapatid!" Sigaw ni Stacy.


As the blade was about to swing down patungo sa ulo ni Mike ...


BANG! BANG!


Nahinto ang pagkilos ni Stacy. Sandali siyang napatulala. Sinulyapan niya ang dibdib niya. May dalawang butas mula sa T-shirt niya kung saan umaagos ang sariwang dugo. Napaubo siya ng kaunti bago tumumba sa sahig.


I finally let go of the revolver. Handa ko nang tanggapin ang tadhana kong mamatay. Tumingin si Mike sa kinaroroonan ko. Ang poot sa kanyang mukha ay napalitan ng pagkahabag. Namilog ang mga mata niya. Bahagyang kumulubot pababa ang labi niyang kanina lamang na naninigas sa galit. Dali-dali siyang pumunta sa tabi ko. His face displayed mixed emotions - shock, grief at iba pa.


"Ra-rachel," aniya. Mas mahinahon ang boses niya kumpara kanina.


Pumatak ang luha mula sa mga mata niya. "Ano itong ginawa ko?" Tanong niya sa sarili niya habang pinagmamasdan ang namumutla kong mukha.


Napahawak siya sa noo niya. Puminta sa mukha niya ang kakaibang guilt.


"Rachel, patawarin mo ako," nagmamadali niyang sabi sa akin. "Hindi ko alam. Wala ako sa sarili ko. Please, huwag kang mamatay!"


Gumaralgal ang boses niya. Konti na lang, mukhang bubuhos na ang luha mula sa mga namamsa niyang mata. Hinawakan ko nang mahigpit ang mga kamay niya.


"I deser-ve th-this," tugon ko.


"Huwag kang mamamatay! Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko! Maniwala ka sa akin! Pinaglaruan lang tayo ni Stacy!" Aniya, pero huli na ang lahat.


Kinalong niya ang ulo ko sa mga braso niya. Mga hagulgol niya ang huli kong narinig bago ako tuluyang mawalan ng malay.




Author's Note: Pasensya na kung rush itong chap na ito ha? Pramis i eedit ko pa ito. Mas gagawin kong detalyado.

Friend Request [Rated SPG] #SA2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon