Chapter 3: Unang Tikim

7.6K 261 191
                                    

Unknown POV


Palakad-lakad ako sa loob ng kwarto. Pabalik-balik ako mula sa magkabilang sulok ng silid. I looked at my watch again. Ala una na ng madaling araw. Bumilis ang tibok ng puso ko. Nanginginig na ang laman kong isakatuparan ang mga balak ko.






Pinwesto ko ang sarili ko sa tabi ng pintuan. Sumilip ako sa tagiliran. Everything was clear. Binaybay ko ang kahabaan ng corridor hanggang sa may makita akong hagdan. Inakyat ko ito, at natagpuan ko ang sarili ko malapit sa kusina. As I walked further, natanaw ko ang pinto papasok sa basement na pinanggalingan ko kanina. Kakailanganin ko lang lumagpas doon at pumunta sa salas, kung saan nagpapakasarap ang ama ko. Katapat lang niyon ang dining room na nadaanan ko na kanina nang tangkain kong tumakas.






I tiptoed toward the door leading to the basement. I stopped for a moment. My ears tingled as they tried to pick up sounds of movement nearby.






There was none. Mukhang wala ng ibang tao sa loob ng bahay bukod sa aming dalawa.






As I proceeded toward the living room, kumikiliti sa mga tainga ko ang malalakas na paghilik. I popped my head out as soon as I reached the opening. Nadatnan ko ang ama kong nakasandal sa lumang sofa. Nakabukas ang TV, pero static na lang ang lumalabas mula sa screen niyon. Nakalaylay ang kanang braso niya sa sahig. Sumasayad sa carpet ang ilalim na parte ng boteng hawak niya. Nababalutan ng mga guwantes ang mga kamay niya.






I was faced with a very difficult choice. Ilang hakbang lang mula sa kinatatayuan ko ang pinto palabas, at walang sino man ang makakapigil sa akin. Magiging malaya na ako sa wakas. Gayunman, may boses na bumubulong sa akin.






You've suffered long enough because of him. Why don't you return the favor?






Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa. Pinagplanuhan ko naman ito nang maigi. I chose the second option.






Friend Request [Rated SPG] #SA2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon