Unknown POV
Dinilat ko ang mga mata ko. Binati ako ng nakasusulasok na amoy ng mga taeng nakakalat sa sahig. Tiningnan ko ang orasang nakasabit sa dingding. Alas kwatro pa lang ng madaling araw. Bumuntong-hininga ako.
"Mahihirapan na naman akong makatulog nito," sabi ko sa sarili ko habang nakahiga sa kama.
Pinagmasdan ko ang inaalikabok na kisameng pinamamahayan ng mga sapot.
"Ano kaya ang hitsura ng langit?" I could not help myself but wonder.
Apat na taon na akong nakakulong sa basement ng bahay namin. Pinagbawalan ako ng ama kong lumabas dito, dahil ayon sa kanya, isa raw akong malaking kahihiyan sa pamilya namin, at ayaw niyang may makakakita sa aking ibang tao bukod sa kanya. Kasalukuyan siyang tumatakbo bilang alkalde ng Maynila, at sa palagay niya, makakasira ako sa iniingatan niyang imahe.
Dinadalhan niya ako ng pagkain at inumin minsan sa isang araw. Kung tutuusin, kulang pa iyon, ngunit nagpapasalamat pa rin ako, dahil kahit paano, may makakain at maiinom pa rin ako sa pang-araw-araw. Binibigyan niya rin ako ng mga supot, kung saan ako dumudumi at umiihi, at kinokolekta niya iyon buwan-buwan. Biruin mo, ipinagkakait niya sa akin kahit ang paggamit ng banyo.
Ganito ba dapat ang buhay ng isang sampung taong gulang na batang kagaya ko?
Sinubukan ko na dating tumakas mula rito, subalit hindi naging maganda ang kinalabasan niyon. Nahuli niya akong palabas ng bahay, at itinapon niya ako pabalik dito. Ang kapalit ng pagsuway ko ay samot-saring pasa sa mukha at katawan. Ang pintong papasok sa basement ay kinabitan niya ng keycard lock. Tanging siya lang ang may kakayahang lumabas-pasok dito gamit ang keycard niya. Bilang kaparusahan, hininto niya ang pagdadala sa akin ng mga pangunahing pangangailangan ko.
BINABASA MO ANG
Friend Request [Rated SPG] #SA2018
HorrorEverything was fine until Rachel received a friend request from someone on Facebook.