Chapter 2: Higanti

7.4K 286 193
                                    

Unknown POV


Nagising ako sa isang silid. Everything was pitch black. My body ached as I tried to move a muscle. Tumayo ako mula sa pagkakahilata ko sa sahig. Hinimas ko ang kaliwang panga ko. May bahagyang umbok ito kumpara dati. Kumirot ito nang madiinan ito ng mga daliri ko.






Hindi ko alam kung gaano ako katagal na walang malay.






I reached out my arms as I began to walk forward. Every step was slow. Para akong bulag na taong desperadong makalabas. My hands were doing a great job of making sure that the path was clear. Pagkatapos ng matagal na paglalakad, wala pa ring mahagip na kahit na anong bagay ang mga kamay ko. Mukhang malawak ang kwarto. Hindi ko matukoy kung saan ang tamang direksiyon. Huminto muna ako to catch my breath.






Suddenly, a creaking noise echoed behind me. Lumingon ako. A surge of light revealed the walls made up of hollow blocks. A silhouette was standing in the doorway as the door swang to the side. Humakbang siya papasok. Hindi ko maaninag ang mukha niya. Kinapa-kapa niya ang light switch sa gilid ng pader. Biglang sumindi ang nag-iisang bumbilyang nakakabit sa kisame, at napuno ng liwanag ang buong silid.






That person was none other than the little girl.






Nagtagpo ang mga paningin namin. Gumuhit ang nangungutyang ngiti sa labi niya. Hinalukipkip niya ang mga braso niya.






"Tulungan mo akong makaalis dito," I called out to her as I continued to slowly walk toward her.






Nagsalubong ang mga kilay niya. Napalitan ng pagkabuwisit ang masaya niyang pagmumukha.






"Ayaw ko nga!" Pataray niyang tugon.





Friend Request [Rated SPG] #SA2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon