Mike's POV
Nakaupo ako sa sofa habang sinusubaybayan ang balita sa TV. Dalawang araw na ang lumipas matapos ang insidente sa bahay nila Stacy. Pinanood ko kung paano interviewin ng reporter ang stepdad ni Rachel. Walang tigil sa pag-agos ang mga luha mula sa mga mata niya. Sumikip ang dibdib ko sa nakita ko. Napapikit ako.
Patay na ang babaeng kinasusuklaman ko noon pa. Pero hindi ko alam kung may nagbago ba.
Pinasaya ba ako ng pagkamatay niya?
Hindi.
Bagkus, lalo akong nalungkot. Mas malala ang naging kinalabasan.
Dinukot ko mula sa listahan ko ang isang mahabang papel na lukut-lukot. Binasa ko ang mga nakasulat doon:
Rachel Garcia
Kyle Marasigan
Patrick Fernandez
Sarah Fernandez
Greg Hipolito
Michael Sapico
Bianca Sy
Janet Ramos
Kinuha ko ang bolpen mula sa bulsa ko. Inekisan ko ang pangalan ni Rachel. Tinitigan ko nang matagal ang kasunod na pangalan, at napatingin ako sa kawalan.
THE END!
BINABASA MO ANG
Friend Request [Rated SPG] #SA2018
HorrorEverything was fine until Rachel received a friend request from someone on Facebook.