Chapter 7.1: Babala

3K 105 23
                                    

Rachel's POV


Binaling ko ang pansin ko kay Brian na nakatayo sa tabi ni Stacy at walang-imik. Nakapasok ang mga kamay niya sa mga bulsa ng butas-butas niyang pantalon habang nakatingin sa kawalan. Earphones were plugged in his ears as his head bobbed up and down in sync with the song he was listening to. Siya ang pinakamaingay sa grupo namin, pero hindi ko alam kung bakit parang wala siya sa sarili niya noon.


Mabilis kong nakuha ang atensyon niya nang sitsitan ko siya. Bumalik ulit ang diwa niya. Umikot ang ulo niya patungo sa direksiyon ko, at mabagal siyang pumunta sa akin. Umusog nang kaunti si James para magbigay-daan. Tinanggal ni Brian ang mga earphone niya. Kinakamot niya ang ilong niya habang pinagmamasdan ang mga pasalubong na nakapatong sa mesa.


Kinabig ko ang braso niya. "Hoy!" Pabiro kong tawag sa kanya. "Lutang ka na naman!"


"Pasensya ka na ha?" Aniya habang nakayuko. "Wala akong dala eh."


"Ano ka ba?" Tanong ko. "Okey lang iyon! Ang mahalaga nandito ka!"


Tumango siya. "Sige," tugon niya. His face was void of any emotions.


Pagkatapos ng maikling pag-uusap, he turned around at bumalik sa dati niyang puwesto. Nilagay niya ulit sa mga tainga niya ang mga earphone na nakalaylay sa harap ng T-shirt niyang may larawan ng bungo at dalawang mga buto na naka-krus sa isa't isa. Hinalukipkip niya ang mga braso niya at yumuko. Lalong bumagsak ang makapal niyang buhok na tumatakip sa kaliwa niyang mata.

Anong problema niyon? I thought to myself.


"Sayang noh?" Ani Stacy. "Kung nandito si kuya Mike, kumpleto sana tayo."


Natuon ang pocus naming lahat sa kanya.


"Kaya nga eh," dagdag ni James. "Sabay-sabay sana tayong makakapagtapos." Tumamlay ang mukha niya pagkatapos niyang magsalita.


Sumikip ang dibdib ko. Gusto nang bumulusok ng mga luha mula sa mga mata ko, pero pinipigilan ko ang sarili ko.


"Babe, ayos ka lang?" Tanong sa akin ni James.


"Yes babe," I replied, reassuring him of my condition. "Naalala ko lang noong 2nd year pa lang tayo," Bumuntong-hininga ako.


"Nag-shift pa siya mula sa course niya para lang makasama tayo," patuloy ko.


Isa-isa kaming umalik-ik maliban kay Brian. Nakapikit ang mga mata niya noong oras na iyon habang patuloy sa pag-headbang. Gusto ko siyang anyayahan sa pag-uusap namin, pero ayaw ko siyang abalahin.


"Haha! Sayang tuloy ang 2 years niya sa College of Engineering," ani Stacy.


There was an awkward moment of silence hanggang sa mapaigkas si James sa pagkakasandal niya sa pader. Napatingin siya sa amin ni Stacy.


"Ay!" Bulalas niya. "Anong oras na?"


Sabay kaming napasulyap ni Stacy sa mga relo namin.


"11 na beshie," sagot niya.


Lumipas ang ilang segundo bago ako natauhan. Pabukas na ang bibig ni James para magsalita, pero nauna ako sa kanya.


"Shet!" Napahawak ako sa noo ko. "12 magsisimula ang burol ni Mike! Nangako ako kay Mrs. Reyes na maaga akong makakapunta sa kanila." Nabalot ng pagkabalisa ang mukha ko.


"Oh ano pang hinihintay natin?" Tanong ni Stacy. "Gorabels na!"


Nagmamadaling tumakbo si Stacy palabas, samantalang pumuwesto naman si James sa likod ko. Kumapit ang mga kamay niya sa hawakan ng wheelchair ko. Umirit ang mga gulong niyon nang simulan niyang itulak iyon ng dahan-dahan papunta sa pintuan.


"Labs, teka lang," sabi ko sa kanya nang makalagpas na kami mula sa pintuan.


Tinawag ko ang isa sa mga pulis na rumoronda sa bahay namin. Lumingon siya sa direksiyon namin mula sa 'di kalayuan.


"Sir, pagkauwi ng tita ko, pakisabi na lang po pumunta lang kami sa burol ng kaibigan namin," bilin ko sa kanya.


Binigyan niya ako ng thumbs-up bago muling bumalik sa pakikipagkwentuhan sa kapwa niyang pulis. I already felt safer sa nang ko ang mga hawak nilang M16 na riple sa harap ng bulletproof vest nila.


"Brian!" Tawag ni James sa kanya pagkatapos bumitaw ang pagkakahawak niya sa hawakan ng wheelchair. Ganoon pa rin ang hitsura ni Brian gaya kanina. Para siyang may sariling mundo.


"Ikaw muna ang bahala kay Rachel. Pupunta lang ako sa kotse ni Stacy," he told him.


"Hoy! Anong gagawin mo roon?" Bulyaw ko sa kanya.


"Ako ang magmamaneho ng kotse ni Stacy," he replied as he kissed my forehead. "Sunduin na lang namin kayo. Sa malayo kasi naka-park eh."


"Hey! That's unfair!" Bulalas ni Stacy na kanina pa naghihintay sa gate. Papunta sa kanya si James. "Kakakuha ko lang ng driver's license ko!"


"Exactly," tugon niya bago hawakan ang braso niya, at hilahin siya palabas.


Nang mawala na sa sila sa paningin ko, umabante patungo sa akin si Brian. Nakatago na sa mga bulsa niya ang mga earphone niya.


"Bri, bakit parang ang weird mo ngayon?" Tanong ko. "Hindi ka naman ganyan ah?"


Huminga siya nang malalim bago nagsalita.


"Chel, may sasabihin ako."


Seryoso ang tono ng boses niya. Tila may gusto siyang ipahiwatig sa akin. Hindi niya ugali ang makipag-usap sa amin nang ganoon. Sa totoo nga, siya ang pinaka-isip bata sa amin eh. Umiral ang pansamantalang katahimikan sa paligid.


"Ano iyon?" Tanong ko. I held my breath as I waited for more words to come out from his mouth.


"Si James ... "





Author's Note: Ito na iyong continuation ng Chapter 7. I-eedit ko pa ulit ito, at mas bibigyan ko ng detalye. Medyo ni-rush ko lang kasi ito eh. Pasukan na namin bukas, so baka matagalan ang UD. Anyways, may idea na ba kayo kung sino ang killer? Haha!

Friend Request [Rated SPG] #SA2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon