chapter 12 :kidnap to laughtrip?

115 6 0
                                    

madisson on the side->

rain's POV

haay umaga nanaman at ibig sabihin bagong umaga nanaman ng kamalasan. ano na naman kaya ang madadatnan ko dun? tsk! inisip ko pa lang ang mangyayari naiinis na ako. at sino bang hindi !? naligo ka na at handa na sa pagpasok tapos ganun-ganun lang?! aba mahal kaya ang bill ng kuryente ngayon tapos masasayang lang pagpaplantsa ko? aba ! di pwede yun!.

*blaag! * "a-araay!"- oh kita nyo na? kakagising ko pa nga lang minamalas na agad! haay bakit ba tulala akong pumasok sa banyo? eh kasi naman iniisip ko na kung ano nanaman kaya ang pakulo ng gunggoon na yon! oo tama yang spelling ko ng gunggoon kasi mukha syang goon. baka nga gagantihan ako nun ulit dahil sa pagsipa ko ng *gulp* hehe. ngayon ko lang ata napansin. sa'n ko nga ba sya sinipa? sa legs? tama sa legs lang yun. oo tama sa legs lang nga. sa legs lang. haays! oo na sa harapan na buset! bakit dun ko pa sya sinipa. patay talaga ako nito.

*tok tok tok*" rain gising ka na ba? anong nangyari sayo dyan at nakarinig ako ng kalabog? ayos ka lang ba dyan?."naku! si tiyang pala. ano ba nangyayari sakin at kinakausap ako ni konsensya? tsk! malala na ata ako.

"ah eh.. ok lang ho ako tiyang. nahulog po kasi ako sa kama akala ko po kasi late na ako kaya nagmamadali po ako sa pagbangon. kaya ayun bumagsak po ako sa sahig.hehe! sige tiyang baba lang po ako pagkatapos kong maligo."sabi ko.haay aga-aga nagsisinungaling agad.

"haynakung bata ka. sa susunod kasi magiingat ka ha? o sya sige ako'y bababa na at magdidilig na ng halaman. pagbaba nyo ni jam kumain na kayo dahil nakahanda na ang agahan nyo sa lamesa." sagot naman ni tiyang.haay tama nga magiingat na ako. magiingat na akong wag makasalubong ang payatot na gunggoon na yon.

"opo tiyang!"-sabi ko nalang.

***

nang matapos na kong maligo ay nagbihis nako agad at inayos na ang mga gamit ko sa bag. nakakalat kasi ito dahil nagreview at gumawa pa ako ng assignment ko kagabi dahil nga di ako nakaattend kahapon. ito nalang parusa. oh diba? saklap lang.

pagkababa ko ay nakahanda na nga ang agahan namin. ang kulang nga lang wala pa si jamz? ano nanaman kaya ang ginagawa nun at hindi pa bumababa hanggang ngayon.hmp! bahala na nga sya baka ako'y malate pa at bagsakan pa ng prof kong panot na isang kilong strawberry sa grades ko at yun ang ayaw ko mangyari.

nagsimula na akong kumain.habang kumakain ako ay may biglang kumalabit sa akin sa likod. nagtaasan naman ang balahibo ko sa katawan habang pinapakiramdaman ko lang sya ay bigla nanaman akong kinulbit sa likod. "iiieeeh... lord naman wag naman po ganyan oh.kung makasalanan na po ako promise po dadalasan ko na po ang pagsimba ko huhu.."

dahan-dahan naman akong pumihit para lingonin kung sino bang kumukulbit sa akin. at pagharap ko.

"asfghjdklsd! waaaah !"buset tong babaitang to! oo si babaitang jamz lang naman po ang kumukulbit saakin.at kung bakit ako nagulat? tama mukha syang multong bakla na ginahasa ng isandosenang kalabaw sa itsura nya ngayon.kaloka muntik pa akong mabilaukan dahil sa kagagahan ng isang ito.

"bwahahaha! si rain oh mukhang takas sa mental kung magulat wahaha! ang epic nun!"sabi nya na halos matutumba na sa kakatawa habang hawak-hawak ang kanyang tiyan. eh sira palang babaeng ito ako pa daw mukhang takas sa mental eh sya nga tong mas mukhang mental sa amin dalawa eh.

"anu ka ba naman jam!? ba't ba ang hilig mong manggulat dyan ha!? tsaka anong bang nangyari sayo at mukha kang multong ilang taon di nakikita ng kamag-anak nyang multo!? mukha kang multong grasa! gaga to." singhal ko sakanya dala ng inis ko. eh sa nainis ako!

she hated a gangster (On-going)Where stories live. Discover now