chapter 8: mortal enemy

141 7 0
                                    

Rain's POV

"ikaw !? ako..

"you !? siya yan. ang mayabang na lalakeng gangster sa school ! anak ng butete naman oh! of all people na pwede kong mabangga eh itong hayop na tokmol na payatot na 'to ang mababangga ko. buhay nga naman. ang swerte ko talaga promise ! *insert sarcistic tone*

"sinusundan mo ba ako ?! galit na tanong ko sa kanya.alangan naman maglulupasay ako sa tuwa dahil binangga nya ako ?? luh !! kayo siguro.

"what ?? me ?? following you !? haha. hindi ka rin pala lampa noh ? ambisyosa pa ! at bakit naman kita susundan?" mayabang nyang sabi sabay  hagod ng tingin sakin mula ulo hanggang paa.*insert iling pa yan*

"hoy bastos na mayabang na arogante na pa-pa--- payatot ! at lahat ng badside na nandyan sayo ! wag mo nga akong hinahagod ng tingin dyan ! manyakis ka. wag mo rin akong mawhat-watin dyan dahil totoo naman diba? sinusundan mo ako!" inis kong sabi sakanya! forgive me lord for i have sin.kakalabas ko palang ng simbahan eh gumagawa na ko ng kasalanan huhu. kasalanan nito ng mayabang na ito eh!

"hoy ! ambisyosang lampangit. wag mo akong matawag tawag na manyakis dahil kahit kailan hindi ko pagnanasaan yang katawan mong losyang ! at isa pa hindi kita sinusundan dahil iba ang sinusundan ko ! at dahil sayo nawala sya sa paningin ko! so back off ! you're just wasting my time clumsy nerd !" walang sabi-sabi ay tumakbo ito at iniwan akong speechless! hayop na yon ? tinawag ba naman akong ambisyosang lampangit !? kakaimbyerna sya ! grrr !

"hoy hayop ! bumalik ka dito! hindi pa ko tapos sayooo !! "nangangalaiti kong sigaw.grabe sya ! ha-high-blarin ata ako ng wala sa oras. bwisit na lalakeng yon ? humanda ka sakin. hindi pa ako tapos sayo grrr! makauwi na nga lang baka masira pa araw ko dahil sa kumag na yon.pero teka ? may nakalimutan ba ako? wala naman ah ? ah teka iisipin ko kung ano ... waaaaa !! si jamz pala nakalimutan ko.* tingin sa kaliwa* wala. * tingin sa kanan * wala din. * tingin sa likod * hayun pala at naka-- nakatulala? anyare dun?

"hoy jamz! anjan ka lang pala ! anyare sayong bruha ka at tulala ka dyan!?" tanong ko sakanya ng makalapit na ko. at ang babae tulaley pa rin !? anyare dito?

"huy !!" iniwasiwas ko pa ang kamay ko sa mukha nya pero walang epekto. ang ginawa ko pinitik ko lang naman ilong nya para matauhan.

"plik !" oh ayan de natauhan din !?

"araaay ! rain naman eh. ang sakit no'n ha. bakit ka ba namimitik dyan ? at ilong ko pa talaga pinuntirya mo. tsk ! my precious nose!" reklamo nya sabay himas ng ilong nya.

"hoy ! kanina pa kaya kita tinatawag dyan. tulala ka eh! pagkatapos kong gumawa ng away eh ganyan na nangyari sayo. ano bang problema at natulala ka ng ganun !? sabi ko habang nakapameywang sa harap nya.

"kyaaah !! oh my god rain. hindi mo naman sinabi sakin na magkakilala pala kayo ng ultimate crush ko hihi ! teka pano kayo nagkakilala ha !? may number ka ba nya !? pahingi naman rain oh pleaash ??" sabi nyang  nakapout at puppy eyes pa. nyetang babaeng 'to.

"ano bang pinagsasasabi mo dyan bruha ka. sino ba yung tinutukoy mong crush mo !? nagtataka kong tanong sakanya habang iniisip ko kung sino ang tinutukoy nya. hmmp sino ba..

"teka ? wag mong sabihin yung mayabang na lalakeng yon ang ultimate crush mo !? jamz naman eh ! ba't cya pa !? eh ang sama ng ugali no'n noh !" gulat kong sabi sakanya. santisima ! ba't sa lalaking yon pa ang crush ng loka-loka kong pinsan?

"eeh ... ang gwapo kaya nya hihi ! tsaka diba sikat yon sa school natin ? at sya din kaya ang lider ng gang nila. di mo ba sya kilala rain !? ayy teka ! pa'no kayo nagkasagutan ng ganon kung di mo sya kilala aber !?"  takang tanong nya sakin.

she hated a gangster (On-going)Where stories live. Discover now