chapter 7: you!

365 11 3
                                    

rains POV

(humming )
' tulog na baby.. tulog na mahal ko. hanggang sa paggising mo ako'y narito..tulog na baby hmmm hmmm..'

'anak .. sana sa paglaki mo magiging mabuti kang bata tulad ng papa mo dahil ikaw ang nagiisang baby angel namin .. mahal na mahal kita anak ko... anak ko .. anak ko .. '(echo voice)

"haah ! hinihingal nyang sambit. nananaginip nanaman siya. "pinapanaginipan ko na naman ang boses na yon. sino ba siya? bakit ba tuwing gabi ko nalang naririnig ang boses na yon.kilala ko ba siya? haays! makabangon na nga."inis nyang turan.

sabado ngayon at walang pasok.at salamat dahil matatahimik na naman ang katawang buhay ko haha.dalawang araw ako makakaiwas sa mga bullyng studyanteng yon. at dahil walang pasok ngayon mag-je-general cleaning muna ako.dahil ngayon lang ako magkakaroon ng oras para makatulong kina tiyang at jamayla.

pababa na ako ng hagdanan ng madatnan ko si tiyang na nagbabasa ng dyaryo.ganyan si tiyang t'wing umaga bago gumawa ng gawaing bahay.

"oh rain ba't ang aga mong nagising? eh sabado ngayon at wala kayong pasok dapat natutulog ka pa dun."tanong ni tiyang ng makababa ako ng hagdanan.

"naku tiyang ok lng po. tsaka tutulong po ako dito sa gawaing bahay at kayo po ang dapat matulog muna kasi lagi nalang kayong busy dito sa bahay.nakakahiya na po kasi dahil di na po ako nakakatulong sainyo.mahabang paliwanag ko kay tiyang. totoo yun si tiyang lahat ang gumagawa ng gawain bahay dito. naaawa na nga ako eh kasi tumatanda na si tiyang halos magkasing edad lang naman sila ni nanay.kaya t'wing nakikita ko si tiyang naaalala ko si nanay sa kanya.

"itong batang 'to oo. at nahiya ka pa? eh anak na rin naman ang turing ko sayo.at isa pa wag mo na akong intindihin dahil ito nalang ang tanging magagawa ko para makabawi sa kabutihang loob ni ate.dahil sa kanya di ko mararating ang buhay na meron ako ngayon."sabi nya na parang naluluha na. haynaku si tiyang talaga nagdrama nanaman hehe.pero kahit ganyan yan mahal ko yan tulad ng pagmamahal ko kay nanay.at ang sinasabi ni tiyang na makabawi? eh yung pinagaral siya dati ni nanay para makapagtapos siya sa pagiging guro nya dati at ngayon nga ay nagretiro na dahil na rin sa may edad na si tiyang.at kahit nga si tiyo eh tumatanda na kaya nga lang di sana'y ng di gumagalaw ang katawan kaya hanggang ngayon ay nagtatrabaho pa rin sa abroad.

"eh tiyang iba naman po yung tulong nyo kay nanay at sakin. kahit ito nalang po ang tanging magagawa ko para makabawi din sa pagpapatuloy nyo sakin dito sa bahay nyo. tsaka dapat nga di na po kayo gumagalaw kasi baka sasakit nanaman yang rayuma nyo hehe.pwera biro tiyang kahit ito lang po magagawa sana payagan nyo ako."sabi ko kay tiyang para pumayag na siya.ayaw talaga ako patulungin eh.ang bait masyado ni tiyang sakin hehe.

"haynaku itong batang 'to kinonsensya mo pa rayuma ko haha. oh siya sige kung yan ang gusto mo dahil di na rin kita mapigilan. mapilit kang masyado."sabi nya.

"yehey! thank you tiyang kaya love na love ko kayo eh."sabi ko sabay yakap sakanya.

"aba-aba .. nakakatampo kayo ha di nyo talaga ako isinali sa yakap nyo dalawa hmmp" sabi ni jams na ngayon nasa itaas ng hagdan.as usual mukhang mumu pa rin ang itsura haha.

"sus! selos ka lang eh haha.halika nga dito at mayakap ka din namin ni tiyang."sagot ko kay jams na ngayon pababa na sa hagdan.

"heh! loka . hind noh ba't naman ako maiingit eh nanggaling na ko dyan kay mama haha."sabi nya sabay nguso sa harap ni tiyang.haha kahit kailan talaga 'tong babaitang to puro kalokohan ang nalalaman.

"ikaw na bata ka eh aba't gusto mo atang mapalo sa puwetan,ano? halika ka dito."ani tiyang sabay tayo para habulin si jams.haha ! nakakatuwa lang kasi naging isip bata si tiyang.

she hated a gangster (On-going)Where stories live. Discover now