Chapt 4 Begining of Change

4.6K 89 0
                                    


Maye's

Sinimulan ko ang  pagbabago sa sarili sa tulong ni shey at ng iba naming kaibigan, nagpunta kami ng salon at ipinakulay ang buhok ko, sa mukha naman ay wala ako pinaayos dahil maganda naman ako even with or without make up, pinabawas ko lang ng kaunti ang aking kilay at nagpafacial na lamang para mas maging makinis ang mukha ko at nag pasalon na din ang mga kaibigan ko, pampering your self ika nga nila.

Pagkatapos ay nagshopping na din kami ng mga bago at in na damit at sapatos. Hindi naman ako baduy manamit pero minsan sa tingin ko ay nababaduyan ang iba sa akin or conservative lang masyado?

So fast forward tayo.

Mabilis naman lumipas ang mga araw at ilang linggo na rin mula ng tanggapin at umpisahan ko ang pagbabago sa sarili, tumanggap na din ako ng mga manliligaw at minsan nga ay nakipag flirt ako sa iba.

Well binigyan ko na naman ng limit ang sarili at nangako ako na hindi ko kailanman ibibigay ang sarili sa lalaking hindi ko mahalng lubusan.

I am just enjoying life to the fullest but hoping that I will finally meet Mr. Right.



Rylie's

Patuloy lang ako sa pagpapatakbo ng aking business at di nga nagtagal ay sumosyo na sina Aaron at Renz sa amin ni Brix.

Pero ilang araw ko nang iniisip ang pinag-usapan namin ni Daddy, pagkatapos kasi naming maghapunan ay nag one on one meeting kami.

"Seryoso ako sa sinasabi ko kanina Rylei, kailangan mo ng mag-asawa." simula ni Dad na nagpahilakbot sa akin.

"But Dad, wala pa sa isip ko yan, at alam nyo naman na halos wala sa plano ko ang ganyang bagay, bukod kay mama rio at sa kapatid ko ay wala akong tiwala sa ibang babae baka katulad lang sila ng babaeng nagabondona sa atin." agad kong sagot dito.

"No Ry, hindi lahat at napatunayan yan ng mama rio mo, so i'll be giving you such time at sana hindi mo kami biguin, six months. Siguro naman ay maihaharap mo na sa amin ang babaeng makakasama mo hanggang pagtanda mo."

MY WOMANIZERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon