Just Give It A Try

3.5K 66 0
                                    

Lihim akong nakipag komyunikasyon kay Mama Amanda. Humingi ako ng kaunting panahon para kausapin si Rylei tungkol sa pakikipag kita sa kanya. Naintindihan na naman nya iyon.

Na realised ko din na para tuluyan ng maging masaya si Rylei ay dapat na nyang i let go ang ano mang sakit dala ng nakaraan.

Naisip kong tyempuhan ang mood nya, dahil sa mga panahon na nakasama ko sya ay nakilala ko pa sya ng husto. Rylei is a serious man, strict and look so masungit. Well sa akin lang hindi.

I know when he is in mood or not. Although sa opisina na lang sya nagkakaroon ng kaunting problema minsan.

Alam ko pag tahimik sya hindi ko sya kinukulit or sinusungitan. And when he is really happy I can see it in his eyes.

At tingin ko pwede ko na syang tyempuhan ngayon. He looks happy, siguro ay may magandang or malaking deal sya na naisara. Kanina pa sya malambing sa hapag kainan palang.

"Honey is there something bothering you?" Nag-aalalang tanong nya habang palapit sa akin.

Hindi ko napansin na nakabihis na pala sya ng pajama-- actually terno namin yun pero di ko masuot ang akin kasi malaki na tyan ko.-- umupo sy sa tabi ko at hinaplos ang braso ko.

"I have something important to tell you, but promise me first na hindi ka muna mag rereact hanggat di ako tapos magsalita."

Inunahan ko na sya, baka kasi kapag narinig na nya ang pangalan ni mama Amanda ay mag violent reaction na agad sya.

"Ok, what it is all about?" Tumigil sya sa paghaplos sa akin at umayos ng upo. Ako naman ay humarap sa kanya.

I cleared my throat before talking, biglang bumilis ang tibok ng puso ko, kinakabahan ako. But I choose to continue, baka hindi ko na magawa ito kung hindi pa ngayon.

"Mama Amanda went to Amoré five days ago, she talked to me. Explain everything, her side of story. And she really want to make it up to you hon."

Lakas loob ngunit banayad kong saad, para mas maintindihan at hindi sya mag huramentado sa galit. Pero gaya ng inaasahan ko dumilim ang mukha nya.

"Matulog na tayo." nagtagis ang panga nya, halatang pinipigilan lang nya ang galit.

Humiga sya at tinalikuran ako, nagtakip na nga ng unan sa mukha nagtalukbong pa sa kumot. Nainis naman ako sa inasal nya.

"Rylei!!! ano ba? so ganyan ka nalang habang buhay ka nalang galit sa totong nanay mo?!!" iritado kong saad.

"I have nothing to do with her, so please stop it." tigas ng pride.

"Malapit kana maging ama Ry, alam mo dapat bago ka maging ama ay mawala na muna lahat ang bigat na dinadala mo noon pa man. Huwag mong hayaan na sirain ng madilim mong nakaraan ang kung ano ka man ngayon."

Mahinahon kong saad, pilit kong inalis ang pag ka bwisit ko sa inaasal nya. Alam ko naman na nasaktan sya e, pero sobrang sarado ang utak nya.

"Let us just sleep hon." walang buhay ng saad.

Napailing na lang ako, pag-aawayan lang namin kung ipipilit ko pa. Nahiga na ako at tumalikod sa kanya.






Kinabukasan ay hindi nya ako kinikibo, tahimik lang kaming nag almusal. Nagpaalam lang sya na aalis na, ni hindi man lang ako hinalikan katulad ng palagi nyang ginagawa dati.

Naisip kong tawagan si mama Amanda para malaman nyang sinubukan ko pero di umubra, pero pursigido ako na mapagkasundo silang mag-ina.

"Hindi na yata ako mapatatawad ng anak ko." malungkot nyang saad.

"Susubukan ko po ulit, ma." tanging nasabi ko.

"Huwag na kaya anak, baka pag-awayan nyo lang mag-asawa ang tungkol sa akin." nag-aalalang sabi nya.

"No, ma hindi po kami mag-aaway, basta susubukan ko po ulit." pinal kong saad.

Sa totoo lang ay hindi ko na alam kung paano ko mapa-papayag si Rylei na kausapin ang mama nya. Napakahirap nyang baliin sa mga bagay na ayaw nya.







Nakakagalit isipin na pati si Maye ay nilalapitan nya at ginugulo para lamang makausap ako. Nagi-guilty ako ngayon dahil mula kagabi ay hindi ko na sya kinibo.

"Fuck!! Baka magalit na naman sya sa akin at layasan na naman ako." hindi ko mapigilang sabihin.

"Yes Mr. Veroz is there something wrong?" Tanong ng isa sa mga board member ng kompanya.

"Huh?!" Kunot noo akong napatingin sa kanila. Shit!! Nasa meeting nga pala ako para sa bagong unit ng Tablet na ilalabas ng kompanya.

"Brod, mamaya ka na mag-isip ng ibang problema dyan. Focus men!" Bulong ni Aarron na nasa tabi ko.

Tumango ako at tumuwid sa pagkakaupo. "Please continue your presentation." utos ko.

Pilit akong nag focus sa meeting, na iyon kahit na hindi ko maiwasan na minsan ilang segundo akong lilipad ang isip baka layasan ako ni Maye.

After the meeting I went straight to my office, hindi ako matahimik. I need to contact my wife.

"Hon?" Medyo alangan kong sabi ng sagutin nya ang cellphone nya.

"Yes hon? Napatawag ka may nangyari ba?" Natunaw ang puso ko, hindi sya galit sa akin kahit na nagpakita na naman ako ng masang pag-uugali ko kanina.

"I just want to check on you, are you at home?" Sumigla na ang boses ko.

"Yeah I'm here, actually nasa nursery room ako ni baby, inaayos ang ibang design dito." Lalo akong nakahinga ng maluwag sa narinig ko.

"Ok... Ah hon, I'm sorry for my bad attitude, buntis ka at hindi dapat ako nagbibigay ng sama ng loob sa'yo." Hindi naman makakabawas ng pagkalalaki ang paghingi ng tawad.

"Gusto mo ba talagang maging masaya ako?" Kinabahan ako sa tanong nya.

"Of course I want you to be always be happy."

"Then meet me, meet us. Mama Amanda and me. We will wait for you." matigas nyang saad.

"She is using you against me." galit kong saad.

"Kung habang buhay kang mabubulag sa galit mo, hindi ka na makakalaya pa sa dilim ng nakaraan Ry. Please just give it a try." puno ng pagsusumamo ang boses nya.

Hindi ako sumagot, mahabang katahimikan ang lumipas. Hanggang sya na muli ang nagsalita.

"Seven pm at Lé Vista Hotel and Restaurant, maghihinta kami. Ako. Make me proud hon." Yun lang at ibinaba na nya ang tawag ko.

Napahilot nalang ako ng sentido ko, she left me no choice, hindi pakiusap ang huling salita nya, hamon iyon.

Siguro nga ay kailangan ko ng harapin ang takot ko. Para makalaya na ako sa sakit dulot ng nakaraan. Tama si Maye kailangan kong subukan.

MY WOMANIZERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon