Tatlong araw din kaming namalagi sa hospital at ngayon ay pauwi na kami sa aming bahay. Kaming tatlo lang nina Rylei at baby Calix ang magkakasama sa pag-uwi si mama daw ay nasa bahay, hihintayin na lang ang pag dating naming pamilya.
Sa buong byahe ay tahimik lang na natutulog si baby Calix. Hindi ko maiwasan ang mangiti tuwing nakatitig ako sa maliit at maamo nyang mukha.
"Hon, sa palagay mo kanino nagmana si baby?" Bigla ay natanong ko kay Rylei.
"Obvious naman na nagmana ng kagwapuhan si baby sa akin hon." mayabang na sagot naman nya.
"Wow ha ang yabang mo talaga." Natatawa kong sabi sa kanya.
"Totoo kaya yun." natatawa din nyang depensa.
"Hay naku baby sige payag na si mommy na mana kang gwapo kay daddy, pero sana magmana ka na mabait kagaya ni mommy ok." bulong ko kay baby pero alam kong dinig ako ni Rylei.
Nagpatuloy lang sya sa pamamaneho at di napigilang mangiti. At ilang sandali pa ay natanaw ko na ang aming bahay.
WELCOME HOME BABY RYMIEL CALIX AND MOMMY MAYE!!! yun ang nakasulat sa maliit na banner na bitbit ni manang, may pa-confetti pa silang nalalaman.
Naghanda pala sila ng munting salu-salo para sa pagbabalik namin ni baby Calix. Si mama, mommy Rio, daddy Ric, ritche, mommy Amanda, tito Andrew at ang dalawang lovers. (shey at brix.)
"Wow thanks for the effort parents, sis and oh the lovers." pagpapasalamat ni Rylei.
Inirapan naman sya ni Shey habang papalapit sa amin, ngumiti sya sa akin ng mkalapit na sya sa akin.
"Congrats bessy, ang gwapo ni baby Calix." bati nya sa akin at niyapos kami.
"Congrats, Maye. Brod, may junior kana." si Brix iyon na nakipag fist bump pa kay Ry.
"Salamat sa pagpunta, beshey at Brix." masaya kong sabi.
Maya-maya pa ay lumapit na si Ritche sa amin at hiniling na kargahin si Baby Calix.
"Pakarga naman sa gwapo kong pumpkin." magiliw nyang sabi.
Malugod ko namang binigay sa kanya si baby Calix. Good thing marunong sya humawak ng baby hindi ako nahirapan na ipasa sa kanya si baby.
"Dahan-dahan ka Ritche." si Rylei iyon na medyo nakangiwi.
"Don't yah worry brother, mas marunong ako humawak ng baby kesa sa iyo!!" Irap naman nita sa kapatid at isisnayaw sayaw si baby.
"Halina kayo mga anak kumain muna kayo." aya naman ni mama bago pa mapilipit ni Rylei ang leeg ng nakababatang kapatid.
Natatawa akong hinila sya at inaya ko na din sina Shey at Brix. Si Ritche naman ay enjoy na enjoy kay baby kaya diet muna daw sya ngayon.
Hapon na kami tuluyang nakapahinga, halos ayaw na kasi nilang iwan si baby Calix. To the point na sabihan kami na sundan na agad ito ng kapatid. The Heck!!
"Ang mga taong iyon, kung maka request sa atin ng isa ulit baby akala mo nag request lang ng manika." Nagmamaktol na sabi ni Rylei.
"Biro lang yun ano kaba, sineryoso mo naman." natatawa ako sa reaksiyon nya.
"Honestly hon, ayaw ko muna." Lalo akong natawa sa kanya, ikinanoot naman ng noo nya iyon.
"Maka-ayaw ka parang ikaw ang umire at nanganak" pinigil ko na ang pagtawa.
"Seeing you in so much pain and you cursing me over and over again. Oo parang nanganak din ako." seryoso nyang sabi.
"Ahh ang sweet naman ng asawa/fiancé ko." pabebe kong sabi saka ko sya niyakap.
Hahalikan nya sana ako ng biglang pumalahaw sa iyak si baby Calix, mabilis akong tumayo at dinaluhan sya sa kanyang crib.
Marahan ko syang kinarga at isinayaw, ng ayaw pa rin tumigil ay naupo ulit kami sa kama at pinadedr ko sya. Nagpasya ako na i-breast feed sya. Pero ayaw nya dumede, umiiyak pa din.
"Ayaw nya tumahan hon." baling ko kay Rylei.
"Bakit hindi ba sya gutom?" Tanong naman nito.
"Ayaw naman dumede e, patawag si mama please."
Tumalima naman agad sya at nagmamdaling inayos ang sarili saka lumabas para tawagin si mama.
"Anong nangyari sa apo ko?" Nag-aalalang dinaluhan kami ni mama.
"Umiyak ma, ayaw tumigil, ayaw din dumede."
Dahan-dahan kinuha ni mama si baby Calix sa akin, at inihiga sa kama. Chineck nito ang diaper ni baby.
"Aru kaya naman pala ayaw tumigil puno na ang diaper ng baby namin." saad ni mama
Nilinisan sya ni mama at pinalitan ng diaper, saka pinaghele saglit. Mabilis na nakatulog ulit si baby Calix.
"Ayan tulog na sya, sabayan nyo matulog para makabawi din kayo ng lakas. Lalo ka na Maye." Utos ni mama ng masigurong mahimbing na si baby.
"Ok po ma. Salamat po." Sagot ko naman.
Nagpaalam na si mama at lumabas na ng kwarto, naghanda nadin ako para makapag pahinga.
"Matulog na tayo hon." sabi ni Rylei.
"Hwag mo ako harutin para makatulog na ako." natatawang sabi ko tsaka na ako nahiga.
"Promise behave muna ako." natatawa din nyang saad habang dinadaluhan ako sa paghiga.
Mahirap pala maging magulang, yan ang nasa isip ko habang pinag hehele ang aming anak. Pero lahat ng puyat at hirap ay laging napapawi kapag nakikita kong nakangiti o kaya naman ay mahimbing na natutulog ang aming munting prinsipe.
Tulad ngayon alas tres ng madaling araw ay ako muna ang tumayo para ipagtimpla sya ng gatas at ipaghele sya. Si Maye kasi ay kaninang alasdose pa lanf nakatulog dahil din sa paghawak kay baby.
Salitan kami sa pag babantay sa kanya, mahirap pero kinakaya lalo na at pareho kaming gustong maging hands on parents kay baby Calix.
"Hon, kaya pa ba?" Pupungaspungas pa si Maye ng tanungin ako.
"Yeah, nakatulog na sya ulit ibababa ko na sya, go back to sleep hon para mabawi mo ang lakas mo." sagot ko at sinunod naman nya ako kaagad syang bumalik sa pagtulog.
Dahan-dahan kong ibinaba si baby Calix na mahimbing na ulit ang tulog. Habang pinagmamasdan ang munting anghel namin ay biglang tumulo ang aking luha.
Hindi ako malungkot, sobrang saya ko. Dahil ang buong pamilyang pinangarap ko noon ay heto na at natupad na. Mahal ako ni Maye at nagkaroon kami ng anak. At mahal na mahal ko din sila.
Dinaluhan ko na si Maye sa aming kama, natulog akong may ngiti sa aking labi at ang pangko sa aking puso at isipan na ibibigay ko ang lahat at gagawin ko lahat para maging maligaya kami.
BINABASA MO ANG
MY WOMANIZER
LosoweMaye Concepcion isang babaeng wala yatang pangarap kundi maging isang asawa at Ina. Hindi nya nakikita ang sarili nya bilang isang may propesyong tao, kahit na may ibubuga naman sya, pagdating sa pag-ibig ay aminado syang isa syang tanga. Rylei Vero...