A Big Blessing

4.4K 77 0
                                    

Mag-iisang Linggo na kami ni Shey dito sa Ilocos, tahimik naman ang pamamalagi namin dito, pero parang may kurot sa puso ko sa isiping hindi man lang nya ako hinahanap.

Sa bagay bakit ko aasahan iyon hindi naman pala kami totoong mag-asawa, gusto nya lang na makuha ang kayamanan na ipinamamana sa kanya kaya ginamit nya ako.

Pero bakit ako? Anong naging kasalanan ko sa kanya, pwedeng iba nalang ang pina-ikot at ginago nya pero bakit ako?!!

Ipinilig ko ang ulo ko, ayaw ko na muna mag-isip na-i-stress ako. Pagod na ako magtanong sa sarili ko, wala naman akong makuhang sagot, nagmumukha na akong tanga.

Pagtayo ko sa kama ay bigla na lamang umikot at nagdilim ang paningin ko buti nalang at di pa ako nakakahakbang palayo sa kama ko.

Muli akong naupo sa gilid niyon, hinilot ko ang sentido ko wala naman akong ibang nararamdaman, bakit bigla akong nahilo? Ah baka dahil sa sobrang pag-iisip.

"Beshy, ready na ang breakfast lika na." katok ni Shey sa labas ng kwarto.

"Sige beshey, susunod na ako." sagot ko naman.

Tinantya ko ang sarili ko at ng makapa ko na ok na ako ay dahan-dahan akong tumayo at nagtungo sa banyo para maghilamos.




Paglabas ko sa kwarto ay dumeretso ako sa kusina, naamoy ko ang danggit na niluto nya.

"Kain na besh." nakaupo na si Shey at lumalafang na.

"Besh, danggit ba iyon?"

Excited na tanong ko, tango na lang ang isinagot nya sa akin dahil puno na ang bibig nya ng pagkain.

"Wow!!" Sambit ko saka na ako naupo at inumpisahan ang pagkain.

Ng matapos kami ay ako ang nagpresinta na magligpit at maghugas ng pinagkainan. Patapos na ako sa ginagawa ko ng bigla na naman ako mahilo.

Hindi ko tuloy sinasadya na mahulog ang baso na hawak ko buti na lang at fiber plastic iyon kaya hindi nabasag, napatakbo naman si Shey sa kusina.

"Besh anong nangyari?" Nag-aalalang tanong nya.

"Nahilo lang ako beshey." sagot ko habang haplos-haplos ko ang sentido ko.

Pupulutin ko na sana ang baso ng bigla ko na lang maramdaman na naduduwal ako, dali akong tumakbo sa banyo at doon nagsuka.

Ng matapos ako ay inabutan nya ako ng face towel pamunas ng pawis at bibig. Tinitigan ako shey na para bang may gusto syang sabihin.

"Bakit beshey?"

"Besh, kelan ka huling dinatnan?"

Natutop ko ang bibig ko, kelan nga ba? Binundol ng kaba ang dibdib ko, napatakbo ako sa may kalendaryo. Isang buwan na akong hindi dinadatnan!!!

Buti na lang at may malapit na pharmacy dito sa kanila, nagpaalam si shey na bibili sandali para masiguro ang aming hinala.

Ng makabalik sya ay kaagad kong ginamit ang pregnancy test kit na binili nya. Kinakabahan akong naghintay sa loob ng banyo.

Ng lumabas ako ay nanginginig ang mga kamay ko na iniabot  sa kanya ang resulta ng kit, nagbabadya ang mga luha sa mata ko, lumapit si shey sa akin at niyakap ako.

"Congrats besh." masayang saad nya.

"Salamat beshey." nahihikbi kong sagot.

Napakalas naman sya sa akin ng maramdaman nyang umiiyak ako.

MY WOMANIZERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon