Chapt 3 The Challenge

5.4K 98 0
                                    

Nagising si ako dahil sa katok mula sa pinto ng aking kwarto.

"Maye, anak bangon na ready na ang breakfast mo." tinig iyon ng aking inang si Matilde.

Mukhang maaga itong nakauwi mula sa probinsya at may spare key ito ng bahay kaya di na ako nagtaka na nakapasok at nakapagluto na ng agahan si mama.

Bumangon agad ako at binuksan ang pinto, nagmano sa kanyang ina.

"Anong oras po kayo dumating? Dapat ay nagpahinga na lang po kayo ma." magalang na bungad ko rito.

"Kaninang alaskwatro anak, pagkatapos nalang natin mag breakfast ako magpapahinga, ayoko naman na sa labas ka pa mag be-breakfast alam ko naman na tamad ka magluto at kumain mag-isa." mahabang litanya nito.

Natawa naman kami pareho dahil tama ito, mula ng magpaalam ito na papasyalan ang kapatid sa probinsya ay laging sa labas nalang ako kumakain mula almusal hanggang hapunan.

"Sige po ma maghihilamos lang ako pagkatapos ay susunod ako sa inyo sa dining." nakangiti kong sabi.

Swete ko talaga dahil napakamahahalahanin ni mama, hindi lang sa akin pati sa mga kapatid ko mula noon hanggang ngayon.

Habang nag-aalmusal ay nagring ang phone ko. Lumabas sa screen ng cellphone na si Marco ang tumatawag ang bunso kong kapatid.

"Oh Cocoy bakit?" Tanong ko ng sagutin ko ang phone.

"Good morning sa inyo dyan ate, open your skype gusto ko kayo makausap habang kumakain tayo." Sagot nito na pakiwari ko ay importante ang sadya nito.

"Ok sge kunin ko lang ang tablet." At mabilis kong kinuha sa sala ang tablet namin, at mabilis na naka pag-online sa skype.

Cocoy calling on skype.

Patuloy kami sa pag aalmusal habang kakuwentuhan ang kapatid.

"So ate akin muna si mama ng six months hwag kana kumontra ha?" paglalambing nito.

"May magagawa pa ba ako, kawawa naman ang soon to be bayaw ko kung wala syang makakasama habang maselan ang paglilihi nya." nakapout pa ako pagkatapos sabihin yon.

"Thank you ate da best ka talaga!!" parang bata itong pumalakpak pa.

"Basta ninang ako ng pamangkin ko ha at pag-umuwi kayo para magpakasal ay abay ako" Sunod-sunod na request ko sa kapatid.

MY WOMANIZERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon