Maye'sMula ng manggaling kami sa mansyon ay hindi namin napag-usapan ni Rylei ang nangyari. Marami akong katanungan pero pinili kong manahimik.
Napansin ko din na may nag-iba sa aking kabiyak, kung dati ay halos araw-araw nya akong sinusuyo ngayon ay halos hindi nya ako kausapin.
Kung dati ay maaga sya umuwi ngayon ay madaling araw lagi ang kanyang pag-uwi, at mas madalas na amoy alak sya. Pero ayaw ko syang komprontahin, bagkus ay gusto ko syang intindihin.
Kahit pa nasasaktan na ako sa mga kinikilos nya ay iintindihin ko parin sya, kahit na hindi ko naman alam saan lahat iyon nanggagaling.
Tatlong katok mula sa pinto ang nagpatigil ng malalim kong pag-iisip. "Maye anak, mag almusal kana." si manang soledad iyon.
"Sige po nay bababa na lang po ako." pilit kong pinasigla ang boses ko.
Kagaya ng mga nakaraang araw ay maaga na naman syang umalis kaya di na kami nagkakasabay sa almusal.
Bumontong hininga na lamang ako, pilit na pinasigla ang mabigat kong pakiramdam, nagtungo ako sa banyo para maligo.
Aabalahin ko na lang ang sarili ko sa pag-aasikaso sa Amoré Café.
Rylie's
Mula ng magkita ulit kami ni Amanda ay nabuhay ang galit sa puso ko, galit sa kanya, sa mundo at sa sarili ko. Alak at pagsubsob sa trabaho ang inatupag ko.
Maaga akong umaalis at gabing-gabi na kung umuwi, madalas din na mag-inom ako bago umuwi para pagdating ko ay matutulog na lang ako.
Galit ako sa sarili ko dahil nadadamay si Maye sa galit ko, halos hindi ko sya kibuin at kung pwede lang na huwag umuwi sa bahay ay ayaw ko muna sana syang makita.
Alam kong nasasaktan sya sa mga kinikilos ko pero mas iniintindi ko ang sakit na nararamdaman ko. Bakit pa kasi bumalik pa si Amanda?
Pilit din akong kinokontak ni Dad para kausapin pero iniiwasan ko sya, ayaw ko din muna syang makausap.
Biglang nag beep ang phone ko, may nag text, tinignan ko iyon. "Hon, did you have breakfast earlier? Lets have lunch out. Please." mensahe iyon galing kay Maye.
Nag tipa ako ng irereply sa kanya. "I have a meeting, I'm busy all day, don't disturb me." alam kong masasaktan ulit sya pero hindi ko makapa sa dibdib ko na ang guilt.
Tinuon ko ang pansin ko sa laptop ko at sa mga papeles na nasa harapan ko. Itutuon ko nalang dito ang isip ko para naman mawala ang inis ko.
Maye's
Ibinaba ko ang phone ko gusto kong maiyak sa reply nya sa akin, pero hindi!!! Walang magagawa kung iiyak lang ako.
Pupuntahan ko sya susorpresahin ko sya dadalhan ko sya ng lunch. Hindi ako papayag na magkalayo kami ng tuluyan.
Nag-ayos ako ng sarili at nag handa para umalis, dumaan ako sa isang restaurant na nakainan namin. On the way naman iyon sa office nya.
Pagdating ko ay sinalubong ako ng secretary nya. Lalaki ang secretary ni Rylei para hindi daw ako mag selos.
"Good morning, tapos na ba ang meeting ni Rylei?" Nakangiting tanong ko sa kanya.
"Ha? Wala naman po syang meeting ma'am, nasa loob lang po si sir. Pwede na po kayong pumasok tutal hindi ko naman kayo kaylangan ipagpaalam pa kay sir."
BINABASA MO ANG
MY WOMANIZER
De TodoMaye Concepcion isang babaeng wala yatang pangarap kundi maging isang asawa at Ina. Hindi nya nakikita ang sarili nya bilang isang may propesyong tao, kahit na may ibubuga naman sya, pagdating sa pag-ibig ay aminado syang isa syang tanga. Rylei Vero...